I'm Born as an Eryndor! (Seas...

By itsmarresemonika

409K 24.4K 2K

She died due overworking as a popular web writer, she never thought she could died like that in an appopriate... More

prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chaptee 93 (Season 2)
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Chapter 136
Chapter 137
Chapter 138
Chapter 139
Chapter 140
Chapter 141
Chapter 142
Chapter 143
Chapter 144
Chapter 145
Chapter 146
Chapter 147
Chapter 148
Chapter 149
Chapter 150
Chapter 151
Chapter 152
Chapter 153
Chapter 154
Chapter 155
Chapter 156
Chapter 157
Chapter 158
Chapter 159
Chapter 160
Chapter 161
! NOTICE !
Chapter 162
Chapter 163

Chapter 48

2.2K 157 14
By itsmarresemonika

# CHAPTER48

"Nawawala si Birley! Nawawala ang nakakabata mong kapatid, Maria!"

Nang marinig ko 'yon ay kusang gumalaw ang aking katawan. Nagmamadali akong lumabas mula sa dressing room. Rinig ko ang pagtawag sa akin ni Otis sa aking pangalan nang ilang ulit pero hindi ako nagpatinag. Hindi ko inaasahan na dito pala sa lugar na ito ay maghahasik ng lagim ang mga mandurukot!

Nararamdaman ko na naman ang pagkabagal ko dahil sa aking suot kong long gown pati na din sa mataas na sapatos! Kusa akong huminto. Mabilis kong hinubad ang aking sapatos saka nagpatuloy ako sa pagtakbo. Kailangan kong bilisan sa gayon ay maabutan ko pa ang mga walang hiya! Kailangan ko sila mahuli kahit anuman ang mangyari.

Wala rin akong pakialam kung nakakuha ako ng atensyon ng mga tao na nakapaligid sa akin dahil sa ikinikilos ko. Ang importante sa akin ngayon ay maabutan ko si Birley at mabawi. Pati na din mahuli ang mga dumukot sa kaniya upang madala ko siya sa Palasyo upang mabigyan ng paglilitis. Kailangan ko malaman kung saan nila dinadala ang mga bata na nabiktima nila!

Nang nakarating na ako sa labas ng gusali ay tumigil ako saka panay linga ko kung saan-saan. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Inactivate ko ang aking clairvoyance skills ko. Kahit na nakapikit ako ay kusang kumunot ang aking noo. D-mn, wala akong makita na kahina-hinala! Hindi ko matukoy kung nasaan sila!

Hindi pa ako kuntento, muli ako tumakbo habang patuloy pa rin sa paghahanap ang mga mata ko. 'Nasaan ka, Birley?!' sigaw ng bahagi ng aking isipan.

Muli ako tumigil. Nagpameywang ako. Marahas ako kumawala ng malalim na buntong-hininga upang maibsan ang hingal aking nararamdaman mula sa pagtatakbo ko.

"Rini!" malakas na tawag sa akin ni Otis.

Tumingin ako sa kaniya. Naguguluhan siyang lumapit sa akin. Nagawa niya akong mahabol. Nakatingin lang ako sa kaniya na may pag-aalala sa mukha.

"Anong nangyayari?" kahit sa boses niya, bakas din na naguguluhan.

"Parte ito ng aking trabaho, Otis." sambit ko. "Bilang pinuno ng pangtalinong sandatahan, ang pagdukot sa mga bata ng Cyan ay kasalukuyan kong operasyon." ipinakita ko sa kaniya kung gaano ako kafrustrated ngayon.

Umawang ang kaniyang bibig sa kaniyang narinig. Oo nga pala, hindi rin pala nabanggit ni Cederic sa kanila na binigyan ako ng sariling hukbo ni Vencel. "Pangtalinong sandatahan?" ulit niya na hindi makapaniwala.

Hindi ko magawang sumagot sa kanila sa pamamagitan ng salita, sa halip ay nanatili akong nakatingin sa kaniya.

Nagbuntong-hininga siya. Umukit ang kaseryosohan sa kaniyang mukha. "Sige, sabihin mo sa akin ang lahat at makikinig ako, my rose."

**

Patuloy na inaalo ni Maria ang kaniyang ina na kanina pa umiiyak, habang ang kaniyang ama naman niya na si Bisconde Stodge seryoso siya nakikipag-usap sa awtoridad. Pinabalik ko si Nesta sa Palasyo upang sunduin sina Caldwell, Houstin, at para na din ibigay-alam kay Raegan na kailangan na namin ng tulong dahil plano ko ngayong gabi ay sisimulan na namin ang imbistigasyon at operasyon. Ipinag-utos ko din na papuntahin dito ang ni isa o dalawa man sa mga on trainee ko, dagdag suporta na din kung sakali.

Nasa hindi kami kalayuan ni Otis, sinabi ko rin sa kaniya kung ano ang problema na kinahaharap ngayon sa Cyan at 'yon ay dinudukot ang mga bata, mapababae man o mapalalaki saka ibebenta ito kung saan man. Sinabi ko rin sa kaniya na wala pa rin kaming nakukuhang bakas upang matukoy kung saan namin makikita ang mga dumukot sa mga biktima. Sinabi ko rin sa kaniya na si Birley Stodge ay nakakabatang kapatid ni Maria.

"Masyadong matatalino ang mga mandurukot." seryoso niyang kumento habang hinihimas niya ang kaniyang baba. "Talagang sinisiguro nila na wala silang maiiwan na bakas."

Tumango ako. "Sang-ayon ako. Wala rin akong ideya kung bakit nila ginagawa ito. Kung bakit ang mga bata pa ang mga ginawa nilang biktima para ibenta."

"Ang tanong, sino ang bibili sa kanila?" segunda pa niya.

Nagbuntong-hininga ako. "Ang totoo niyan, wala akong ideya, Otis." pag-amin ko. Tumingin ako sa kawalan. "Pero, hindi matatapos ang gabi na ito hanggang sa mailigtas ko sila."

"Hayaan mong tutulong ako sa iyo, my rose."

Bahagya akong nagulat sa kaniyang pahayag. "S-sigurado ka ba?"

Tumango siya bilang tugon. "Mas maganda kung pareho tayo ang mag-iimbisitiga sa suliranin ng Cyan. Sa ngayon, hintayin natin ang mga kawani at ang nakakatanda mong kapatid sa labas ng gusali na ito, sa gayon ay madali nila tayo mahanap."

"Mabuti pa nga." saka sabay na kaming naglakad palabas ng gusali.

Ilang saglit pa ay dumating na ang mga inaasahan naming pupunta. Mas lalo pa yata nakahatak ng atensyon ang mga bagong dating. Pero tulad ng nakagawian, binalewala lang nila ang mga tingin ng mga tao sa paligid namin. Nang makita nila ako ay agad din nila ako dinaluhan subalit natigilan sila nang makita nila si Otis na nasa aking tabi. Alam kong magugulat talaga sila dahil naririto ang prinsipe na tagapagmana ng Thilawiel. Yumuko sila sa isa't isa. Anyway, hindi talaga dapat 'yon ang patutuunan ng pansin.

"Kuya," tawag ko kay Raegan. Agad ko siya nilapitan. "Patawad, nakatakas sila. At hindi rin sila makahagilap ng aking kapangyarihan."

Tumango si Raegan. Ibinaling na niya sa akin ang kaniyang atensyon. "Naiitindihan ko, Rini." saka idinapo niya ang kaniyang palad sa aking ulo. "Ang importante ay hindi ka napahamak."

"Pero kuya..." hindi ko mapigilang maging malungkot pa.

"Dumito ka muna, Rini. Kakausapin ko lang si Bisconde Stodge para malaman ko pa ang buong detalye."

"Maaari ba akong sumama, kuya?" nakikusap kong saad.

Tumitig muna siya sa akin ng ilang segundo. Sa huli ay sumuko na siya. Wala na siyang magawa pa sa pamamagitan ng pagkawala ng buntong-hininga. And it's because of that, it lift my spirits up, somehow.

Sabay kaming lumapit kay Bisconde Stodge. Sabay silang humarap sa amin saka nagbow para batiin kami. Seryoso kaming tumango ni Raegan sa kanila.

"Kailangan namin ng buo mong pahayag, Bisconde Stodge. Kailangan ay ikwento mo sa amin ang buong pangyayari." wika ni Raegan.

"Pero, mahal na prinsipe. Ang totoo po niyan ay kasama ni Birley ang kaniyang tagapag-alaga nang lumabas kami sa bulwagan ng pagtatanghal dahil abala po kami ng aking esposa sa pakikipag-usap sa iba pang Opisyal." malungkot na pagpapaliwanag niya. "Nakita daw niya kung papaano dinukot si Birley ng dalawang lalaki, sapilitan na kinukuha ang aking anak mula sa kaniya."

Sabay kaming napatingin sa tagapag-alaga na tinutukoy ng bisconde. Isang dalagita. Tulad ni biscondesa, ay kanina pa ito umiiyak.

"Patawarin ninyo po ako sa malaking kasalanan na aking ginawa.... Pakiusap, iligtas po ninyo ang aking buhay... Patawarin ninyo po ako sa malaking kasalanan na aking ginawa.... Pakiusap, iligtas po ninyo ang aking buhay..." paulit-ulit niyang sambit sa mahinang boses, nakaluhod siya habang ikiniskis niya ang kaniyang mga palad sa harap ng biscondesa. Animo'y nagdadasal ito.

Umahon ang awa sa aking sistema para sa dalagita. Hindi ko alam kung anong nag-udyok sa akin upang lapitan siya. I was unconciously patted her head to comfort her. Ngunit, tila nanigas ako sa kinakatayuan ko nang may nakita akong imahe. Mga imahe na matagal ko nang hinahanap. Matutukoy ko din ang mga lalaki na dumukot kanina kay Birley dahil may nakita akong palatandaan. Ang buong akala ko hinding hindi ko malulutas ang kaso na ito. At ang dalagitang ito ang naging daan para magkaroon kami ng pag-asa na mahanap namin ang mga nawawalang bata. Kaunting panahon nalang at maibabalik na namin sila sa kanilang pamilya.

Bumitaw ako mula sa pagkahawak ko sa dalagita. Muli ko sinulyapan ang paligid. Unti-unti sumilay ang ngisi sa aking mga labi. Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat.

Bumalik ako sa pinanggalingan ni Raegan. "Kuya, may mga nakuha na akong palatandaan kung saan sila dumaan nang kunin nila si Birley." wika ko. "Ang buong akala ko, mawawalan na tayo ng pag-asa ng mahanap natin sila. Ngunit, nag-iwan pa rin sila ng bakas. Sa mapapgitan ng tagapag-alaga ni Birley."

Kumunot ang noo ni Raegan, Caldwell, Houstin at Otis sa aking sinabi. Mas lalo sila naguguluhan.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Nais ko po sanang humingi kahit kakapirasong papel at panulat, kuya." sambit ko. Agad din niya ako binigyan kung anuman ang hinihingi ko. Tahimik ko ito tinanggap saka may iginuhit ako sa maliit na papel pagkatapos ay ipinakita ko din sa kanila ito. "Ito ang nakita kong palatandaan nila."

"Palaka?" hindi makapaniwalang nilang sambit. "A-anong kinalaman ng palaka sa kaso na ito, Rini?"

"Ito po ang simbolo na nakaguhit sa kanilang pulsuhan, kuya." seryoso kong sabi. "Sa tingin ko ay ito ang lihim nilang palahudyatan na nagpapatunay na kasapi nga sila sa samahan na 'yon. Sa makatuwid, mga grupo sila ng mag kriminal. Ang palaka na nakaukit sa kanilang mga pulsuhan ay sumisimbolo ng pagkagahaman sa pera o kayamanan na kasama sa tinutukoy na pitong nakakamatay na kasalanan."

Natigilan silang lahat sa aking pahayag. Pareho silang nawindang.

"Tulad ng inaasahan ko, ibebenta nga nila ang mga bata na dinukot nila upang gawing alipin, sapilitang paggawa para sa mga dinukot nilang mga batang lalaki, gayundin sa mga batang babae pero ang mas malala pa para sa mga batang babae, ibebenta nila ito sa mga bahay-aliwan upang sapilitang magbenta ng aliw at laman sa murang edad palang." matigas kong sambit. Ramdam ko na umaapaw na ang galit sa aking sistema sa mga oras na ito.

Pabagsak at napaluhod si Bisconde Stodge, ramdam ko ang kaniyang panlulumo na maaaring mangyari nga sa kaniyang bunsong anak ang posibilidad. Sina Raegan, Caldwell at Houstin naman ay nanggagalaiti na sa galit. Si Otis naman ay umigting ang panga, galit na din siya sa nangyayari lalo na sa rebelasyon na binanggit ko.

"Sa tingin ko na din na ang mag kliyente nila ay mga galing pa sa mga maharlika na galing pa sa ibang lugar at bansa."

"Mga walanghiya sila." matigas na sabi ni Bisconde Stodge.

Marahan akong pumikit. "May naisip akong paraan upang natuntunan natin kung saan ang kanilang kuta. Palagay ko ay may pag-asa pa natin sila mabawi nang walang labis at wala ding kulang." paniniguro ko. Bumaling ako kay Otis. "Otis,"

Lumapit pa sa siya sa akin. "Rini,"

"Kaya mo makita kung anong nakikita ng ibon na gawa mo, tama?" seryoso kong tanong.

Tumango siya.

"Kung ganoon, gamitin mo 'yon. Mas mapapadali ang paghahanap natin. Mas marami, mas maganda." sabi ko.

Ngumiti siya saka may inilabas siya mula sa kaniyang bulsa. Ipinakita niya ang bagay na 'yon na nakaipit sa pagitan ng kaniyang mga daliri. Walong itim na hugis bilog. Sa tingin palang ay mga maliit na kanyon. Tahimik niyang hinagis ang mga 'yon paitaas. Napasinghap ang mga tao nang lumitaw ang mga malalaking ibon sa kalangitan. Ang iba din doon ay naging maliit na kasing liit ng uwak. Dumapo ang mga ito sa harap namin. Ang tatlo sa mga ibon nanatiling malaki. Tulad ng size na sinakyan namin ni Otis nang hinatid niya ako pabalik ng Cyan.

"Caldwell, Houstin, sumakay kayo. Mas mainam din ito para mapapadali ang paghahanap. Ikaw din Otis. Makakausap ko kayo sa pamamagitan ng aking isipan. Malalaman ko din agad kung may nasagap kayo."

Sabay silang tumango. Agad din sila sumakay sa likod ng mga ibon na pinakawala ni Otis. Nagsimula na silang lumipad sa himpapawid. Sunod ko binalingan si Raegan. "Sasama din ako sa paghahanap, kuya. Sasakay ako sa kabayo mo. Bisconde Stodge, samahan mo muna ang iyong pamilya. Babalitaan ko din kayo sa nangyayari." nauna pa akong daluhan ang kabayo na pagmamay-ari niya. Mas babagal lang kung karwahe ang gagamitin ko.

"Dumito kayo at alalayan ninyo ang pamilyang Stodge. Babalik din kami kaagad."sunod kong utos sa mga on trainee.

"Masusunod po, kamahalan."

Naunang sumampa sa likod ng kabayo si Raegan. Nilahad niya sa akin ang kaniyang palad na agad ko din tinanggap 'yon. Hinila niya ako para makapwesto na ako sa likuran niya, kumapit ako sa kaniyang damit hanggang sa tagumpay niya pinatakbo ang kabayo palayo sa Opera House.

**

Aligagang tumatakbo sa pasilyo ang isa sa mga mayordomo ng Palasyo ng Thilawiel. Bakas sa mukha nito ang pagkataranta, hindi makapaniwala at kaba.

Hanggang sa narating niya ang pinto ng silid ni Emperador Audrick. Kumatok siya. Hinihintay niya na bigyan siya ng pahintulot na makapasok.

"Tuloy," utos nito sa pamamagitan ng malamig na tinig.

Hindi na nag-alangan pa ang mayordomo. Agad niya binuksan ang pinto. Tagumpay siya nakapasok sa loob ng silid. Naabutan niyang abala sa pagbabasa ng mga dokyumento ang mahal na Emperador. Ayaw niya naman talaga istorbohin ito pero wala na siyang magagawa pa. Biglang may hindi inaasahan na nangyari kaya nagmamadali siyang pumunta dito.

"M-mahal na Emperador..." nanginginig ang boses nito.

Binalingan siya nito. Bakas sa mukha nito ang pagtataka. "Anong problema?" malamig nitong turan sa kaniya.

"M-mahal na Emperado, may kailangan po kayo malaman."

Kumunot ang noo nito. Naguguluhan na sa maaari niyang sabihin. "Bakit? May masama bang kaganapan sa labas ng Palasyo?"

Agad siyang umiling. "Hindi po, kamahalan... May dapat po kayong malaman." lumunok siya ng matindi.

"Huminahon ka. Ipaliwanag mo nang maayos."

"A-ang sagradong itlog ng... Agila ng niyebe... Nabasag na po..." maingat at malinaw niyang tugon.

Nanigas si Audrick sa narinig. "A-anong..." hindi niya madugtungan ang susunod niyang sasabihin. Nagmamadali siyang lumabas sa kaniyang silid at dali-dali niyang pinuntahan ang hardin ng Palasyo para makita mismo ng dalawa niyang mga mata ang ebidensya.

Hindi niya ininda ang makapal at lamig ng niyebe sa paligid habang pinupuntahan niya ang hardin ng Palasyo---ang green house. Agad niya binuksan ang pinto. Halos patakbo na ang ginawa niya upang marating niya ang sikretong silid ng hardin.

Nang tumapak na ang mga paa niya sa sinasabing silid ay agad hinahanap ni Audrick ang pinanggalingan ng sagradong itlog na tinutukoy ng mayordomo. Natigilan siya. Tama ang sinabi sa kaniya. Nabasag na nga ito sa dalawa. Tahimik niyang nilapitan ang nabasag na itlog. Halos kapusin siya ng hininga. Kumunot ang kaniyang noo at napaisip.

Biglang sumagi sa isipan niya nang mahagip ng kaniyang paningin sa labas ng bulwagan ng gabi ng kaarawan ng unang prinsipe. Nakita niyang naglalakad papunta dito si Rini nang mag-isa. Nagtaka din siya nang bigla din nawala si Otis ng gabi ding iyon.

"Hindi kaya...?!" malakas niyang sambit. Tumingala siya sa kisame ng silid. Nakaukit doon ang family crest nila. Sa itaas nito ay ang agila ng niyebe. "...Binasbasan mo na sila sa pamamagitan nito...?"

Wala siyang nakuhang sagot. Napahilamos siya ng mukha. Hindi niya aakalain na matutupad ang isa pang propesiya ng kanilang bansa--na magigising na ang bunga ng basbas ng agila ng niyebe. Ang magiging tagapag-alaga ng prinsipe na tagapagmana at ang magiging Emperatris nito.

'Masyado pang maaga!' sa isip niya. Agad niyang binalingan ang mayordomo na kasama niyam. "Ihanda ang karwahe, maglalakbay tayo patungo ng Cyan, magmadali!"

**

Dahan-dahan idinilat ng batang babae ang kaniyang mga mata. Bumangon siya't kinusot-kusot niya ang kaniyang mga mata. Iginala ng mala-emerald niyang mga mata sa paligid. Hinawi niya ang kulay blonde niyang buhok. Natigilan siya nang makita niya ang mga bata na silid kung nasaan ang kinalalagyan niya ngayon. Sinubukan niyang tumayo at lapitan ang mga bata na walang malay.

Muli siya tumingin sa paligid. Natatanaw niya ang grupo ng mga kalalakihan na abala sa pag-inom ng alak at nagtatawanan. Nilapitan niya ang rehas at humawak doon. Unti-unti nababalutan ng takot ang kaniyang sistema hanggang sa tuluyan na siyang umiyak nang malakas.

"Mamaaaaaaaa! Papaaaaaaa!" malakas niyang tawag sa kaniyang mga magulang. Ngunit bigo siya. "Mamaaaaa! Papaaaaaa!"

Dahil d'yan ay napukaw niya ang atensyon ng mga kalalakihan, ang mga bata naman na kasama niya sa likod ng rehas ay nagigising na din. Galit na galit siya nilapitan ng mga nakakatakot na lalaki.

"Manahimik ka!" sigaw nito sa kaniya.

Akala mo ay wala siyang narinig kaya ipinagpatuloy pa niya ang kaniyang iyak. "Mamaaaaa! Papaaaaaaa!"

"Hindi ka na mapupuntahan ng mga magulang mo kaya manahimik ka!"

"Kung ayaw mo manahimik, papatayin kita!"

Tumigil siya sa pag-iyak. Sinamaan niya ng tingin ang mga lalaki sa harap niya. Pero hindi nagtinag ang mga ito. "Pupunta siwna mama at papa diwto! Iliwliwgtas nila ako!" sigaw niya. "Lagot ka sa kaniwla!"

Tinawanan siya ng mga ito. "At bakit naman kami matatakot sa mga magulang mo, aber? Sino ba sila?"

Bago niya sagutin ang mga ito ay marahas niyang pinunasan ang mga luha niya. Ipinakita niya ang kaniyang katapang sa mga kaharap. Mas humigpit ang pagkahawak niya sa rehas. "Ang unang priwnsiwpe ng Thiwlawiwel at nag-iwisang priwnsesa ng Cyan!" 

Continue Reading

You'll Also Like

UNRIVALED! By Peachy

General Fiction

283K 16.3K 47
So, you think you're the strongest? Well.. Then maybe you haven't met her.. "If you want a real battle, then maybe you should get stronger.." un·ri·v...
128K 2.9K 16
FIRST ON THE BOOK OF CHANCES *** Ang eskwelahang ito ang magtuturo kung paano mo gamitin ang iyong mahika. Ang eskwelahan kung saan totoo ang tinata...
186K 5.5K 49
When the real Airleya drowned, she gave her body to the woman from another world. To give her body to the woman who came from another world and to c...
20.5M 756K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...