I'm Born as an Eryndor! (Seas...

By itsmarresemonika

408K 24.4K 2K

She died due overworking as a popular web writer, she never thought she could died like that in an appopriate... More

prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chaptee 93 (Season 2)
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Chapter 136
Chapter 137
Chapter 138
Chapter 139
Chapter 140
Chapter 141
Chapter 142
Chapter 143
Chapter 144
Chapter 145
Chapter 146
Chapter 147
Chapter 148
Chapter 149
Chapter 150
Chapter 151
Chapter 152
Chapter 153
Chapter 154
Chapter 155
Chapter 156
Chapter 157
Chapter 158
Chapter 159
Chapter 160
Chapter 161
! NOTICE !
Chapter 162
Chapter 163

Chapter 25

3.4K 240 11
By itsmarresemonika


Bigla ako pinatawag ni Vencel sa kaniyang Opisina. Hindi sa Throne Room. May importante daw kaming pag-uusapan. Kung ano 'yon? Hindi ko alam. Ngayon ko palang ito malalaman. Kung kaya agad ko siya pinuntahan kung nasaan ang kaniyang Opisina. Wala akong ideya kung may nagawa ba akong kalokohan o dahilan upang magalit sa akin ang mga teacher ko, sa totoo lang ay nagpapakabait na ako. Binawasan ko na ang pagiging pasaway ko nitong mga nakaraang linggo. Siguro ay dahil masyado na akong focus sa pagpapraktis. Halos hindi ko na nagagawang sagutin ang mga telegrama na ipinadala nina Calevi, Dilston at Otis. Kapag nakahanap ako ng oras, saka ko sila masusulatan pabalik.

Malapit na ako sa pinto kung nasaan ang Opisina ni Vencel ay tumigil ako sa paglalakad nang matanaw ko si Cederic na palapit din sa pinto. Muli ako nagpakawala ng mga hakbang. Halos patakbo na ang ginawa ko upang maabutan siya. Agad ko siya tinawag. Tagumpay niya ako napansin. Tumigil ako sa harap niya. "Kuya Cederic," muli kong tawag sa kaniya. "Ipinatawag ka din po ba ni Papa?"

"Ah, oo, Rini." tumalikwas ang isang kilay niya. "Ikaw din ba?"

"Opo." mabilis kong sagot.

"Sige, pumasok na tayo. Para malaman natin kung ano ang dahilan." ngumiti siya. Siya na ang pumihit ng pinto. Marahan niyang itinulak ang pinto. Nakasunod lang kami sa kaniya sa pagpasok.

Tumambad sa amin si Vencel na abala sa kaniyang binabasang mga papel na hawak. Tumingin lang siya nang naramdaman niya ang aming presensya. Marahan niyang binitawan ang mga papel saka itinabi niya muna ang mga 'yon. Tumayo siya mula sa kaniyang upuan. Naglakad siya palapit sa amin. Agad kami nagbow ni Cederic para batiin siya.

"Narito na po kami, tulad ng pinag-uutos ninyo." sabay naming sambit.

Tahimik siyang tumango. "Maupo muna kayong dalawa." sabay turo niya sa sofa na kaharap lang ng kaniyang office desk.

Sumunod kami ni Cederic sa kaniyang sinabi. Tahimik lang kaming nakatingin sa kaniya. Pareho kami naghihintay kung ano ang dahilan kung bakit niya kami pinatawag nang biglaan. Tingin ko naman ay hindi naman niya kami sesermonan dahil pareho kaming walang ginagawa na kalokohan.

Sumandal siya sa kaniyang desk. Humalukipkip siyang tumingin sa amin. "Bago ang lahat, kaya ko pinatawag si Rini ay sa kadahilanan na lumabas na ang resulta ng kaniyang pagsusulit." panimula niya. Bigla ako umupo ng tuwid. Ngumiti siya. "Lahat ng mga 'yon ay puro pasado, ang mas magandang balita pay puro halos perpekto ang bawat isa. Binabati kita, aking bunso."

"Binabati kita, Rini!" masayang bulalas ni Cederic.

Lumapad ang aking ngiti. "Maraming salamat po, papa, kuya Cederic." masaya kong saad. Pero hindi ko expect na almost perfect score ang magiging resulta ng exams ko. Hindi bale, sa susunod nalang. Atleast, nakahinga na ako nang maluwag.

"Ang sunod na dahilan kung bakit ko kayo ipinatawag ay dahil napagpasyahan na kung kailan gaganapin ang malaking paligsahan ang pyesta ng pangangaso." sunod niyang pahayag. Pareho kaming naexcite. Sabay na nangingislap ang mga mata namin dahil sa antisipasyon. "Sa katapusan ng buwan na ito gaganapin."

OMG. OMG. Malapit na pala ang event! Hindi na ako makapahintay!

"Ngunit," pahabol niya. Natigilan kami ni Cederic. Seryoso siyang nakatingin sa aming dalawa. "May mga patakaran at mga alintuntunin na dapat sundin bago man kayo magpatala sa komite bilang mga kalahok."

"Ano pong mga patakaran at mga alintuntunin na dapat pong sundin, kamahalan?" pormal na usisa ni Cederic.

Lumunok ako. Patuloy ako nakikinig sa mga bawat sasabihin niya.

Bago niya kami sagutin ay lumingon muna siya at may kinuha sa bandang likuran niya. Binasa niya ang nilalaman ng papel na hawak niya. "Una, kailangan ay parehong mamamayan ng naturang bansa ang pangkat na magiging kalahok. Pangalawa, kailangan na bilang sa isang pangkat ay walang mababawas at walang lalagpasa sa lima. Ito ang pinakaimportante sa patakaran ng kinakailangan bigyan-pansin. May mga naisip na kayo na magiging kasama ninyo?"

Pareho kami napatingin ni Cederic sa isa't isa. Bigla ako napaisip. Sino nga ba ang maaari naming makasama ? Dahil napagdesisyonan na namin ni Cederic na sumali, kulang pa kami ng tatlo pa. Sandali, pwede kaya ito? 

Sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Ibinalik ko ang aking tingin kay Vencel, nag-aabang sa magiging sagot namin. "Papa, naisip ko po kung maaaring isali namin sina Ceola at Caldwell sa pangkat namin ni kuya Cederic." magalang kong tugon. Pareho silang naging interisado sa aking sinabi. "Naisip ko po kasi na ang halos kompleto na po ang mga kakailanganin sa oras na tagumpay na maisali silang dalawa."

Tumango-tango si Vencel, para bang sang-ayon sa aking pahayag. "Ipagpatuloy mo,"

"Sa tuwing nakikita ko po si kuya Cederic na nag-eensayo, napapansin ko na mas magaling po siya makipaglaban sa malapitan. Matibay po siya kaysa sa mga nakakalaban niya, kahit na pagsasanay palang po ito. Magagamit po natin ang tibay at tagal niya sa pakikipaglaban sa oras ng laro. Sa parte ko naman po, mas komportable po ako makipaglaban mula sa malayuan. Sa ganoong posisyon po, magagawa ko pong tulungan si kuya Cederic. Sa kaso naman po ni Ceola, magagamit po natin ang talento niya sa paggamit ng mahika bilang opensa at depensa. Hindi lang po 'yon, may kakayahan din po siyang paggalingin kami dahil po mas daluhasa siya sa paggagamot bilang suporta. Malaki din po ang maitutulong ni Caldwell. Sapagkat ay may karanasan na din po siya sa pakikipaglaban, tulad po ni kuya Cederic, matibay at nakakatagal din po siya sa oras ng laban, ang lamang lang din po niya, mas mabilis po siya kumilos." hindi ko mapigilang ngumisi. "Magagamit po natin ang bilis niya sa upang marami po kaming mapatay na mga halimaw."

"Woah," hindi makapaniwalang bulalas ni Cederic nang marinig niya ang aking suhesyon.

Namamangha ding tumingin sa akin si Vencel, tila sang-ayon at nasisiyahan siya sa aking paliwanag. "Napakahusay ng iyong taktika, Rini. Pero may kulang pa kayo na isang myembro. Iyan ang magiging problema."

Iyan ang madalas na taktika sa tuwing naglalaro ako ng mga mmorpg games noong high school hanggang sa nag-college ako.

"Huwag po kayo mag-alaala, papa." muli kong sabi. "May naisip po akong paraan."

Medyo nawindang sila sa sinabi ko. Hindi pa lalo sila hindi makapaniwala.

"Ano naman ang naisip mong paraan, Rini?" mas lalo sila naging interisado. "May naisip ka na bang partikular na tao bilang isa pang myembro ng magiging pangkat?"

Lumabi ako saka umiling. "Sa katunayan po ay wala pa. Pero may naisip po ako kung sino at saan po ako makakahanap ng isa pang myembro."

Napatingin ako sa aking mga palad. Muli akong ngumiti. "Ang aking perpektong myembro ng magiging pangkat namin ay kailangan ay malakas. Kung ang tulad ko ay nakikipaglaban mula sa distansya, kasama ang tulad ni kuya Cederic, ang myembro na ito ay magaling makipaglaban nang mas malapitan sa mga kaaway, hindi niya kailangan ng maraming kagamitan tulad ng espada, pana, o anumang armas pero natitiyak ko na mag-iiwan siya ng malaking pinsala sa mga kalaban... Kaya niyang lumaban nang mag-isa, ngunit napalaking tulong niya sa amin kung makikipagtulungan siya, lalo na kung ang haharapin namin ay ang sobrang malakas na kalaban o ng halimaw."

"Kung gaanoon... Saan natin makikita ang mandirigma na ito?" tanong ni Vencel.

Tumingin ako sa kanila na may mapaglarong ngiti sa aking mga labi. "Madali po tayo makakahanap kung papayagan ninyo po kaming lumabas ng Palasyo, papa."

**

Hindi mawawala ang ngisi ko nang tumapak kami nina Cederic, Ceola, at Caldwell sa isang lugar na hindi nila inaasahan. Dinala kami ng kami ng aming mga paa sa harap ng isang bar. Syempre, hindi alam ni Vencel ito. Ang akala niya lang ay sa Kapitolyo lang kami maghahanap. Sakto din ang dating namin dito, gabi na at ganitong oras nagbubukas ang mga bar.

Humalukipkip ako. Pormal naman nakatayo sina Cederic at Caldwell, si Ceola naman ay kaswal lang siyang nakatingala sa karatula ng bar. Siguro nagtataka itong mga kasama ko kung bakit alam ko ang lugar na ito. Ang totoo kasi niyan, first time ko makarating sa ganitong lugar. Alam ko lang na may nag-eexist na ganitong lugar mula sa mga binabasa, napapanood at research ko sa previous life ko. Kaya hinding hindi ako magkakamali na nag-eexist ang ganito sa mundong ito.

Hindi kami nakasuot ng isang magarbong damit, para hindi kami makilala na galing kami sa royal family. Medyo alam ko din ang mga gawain at kilos ng mga ordinaryong tao kaya madali lang para sa akin 'yon. Ang tanong, ang mga kasama ko kaya? Pero hindi bale, I will save their as'es later when something bad happens.

"Handa na ba kayo?" tanong ko, hindi nawawala ang ngisi sa akin.

"Handa na." sabay nilang sagot.

Nauna akong humakbang palapit sa pinto. Tagumpay kaming napasok sa loob. Tumambad sa amin ang mga kalalakihan na abala at maingay na umiinom, ang iba pa ay itinaas sa ere ang hawak nilang baso na may lamang alak. Ang ibang mesa naman ay may mga kasama silang mga kababaihan na sa tingin ko naman ay hindi nila mga nobya o asawa. Dumiretso kami sa bakanteng mesa. Nauna akong umupo. Sunod naman umupo ang mga kasama ko. Patuloy pa rin nila iginala ang kanilang mga tingin sa loob. Baka sa mukha nila na hindi makapaniwala.

"Rini," matigas pero mabulong na tawag sa akin ni Cederic. Tumingin ako sa kaniya. "Nakarating ka na ba dito? Sigurado ka bang dito natin mahahanap ang tinutukoy mo sa amin?"

Matamis akong ngumiti sa kaniya. "Oo naman po, kuya Cederic. Hindi man ngayon, susulpot nalang po siya maya-maya din. Hintayin lang natin. At saka po, ito lang din ang unang beses na nakakarating ako sa lugar na ito."

"Papaano mo naman nalaman ang lugar na ito?" pangungulit pa niya.

Papaano ko ba ipapaliwanag sa kaniya ang bagay na ito? Ah, alam ko na. "Madalas ko po kasi naririnig tungkol sa lugar na ito, kuya, Kapag nalabas po ako." palusot ko pa. Siguro naman ay maniniwala siya kahit sa maliit na tsansa lang.

Inangat ko ang isang kamay ko para tawagin ang serberdora. Dinaluhan nila kami saka itinanong kung ano ang mga order namin. Inabot niya sa amin ang menu. Tiningnan ko kung ano ang mga inaalok ng bar na ito. Tumalikwas ang isang kilay ko. Tamang-tama, maiinom ko ang mga ito. Ibinalik ko sa kaniya ang menu. Inorder ko ay tatlong litro ng beer para sa aming tatlo at isang fruit juice para kay Ceola dahil hindi niya uminom ng alak. Umalis saglit ang serberdora para ihanda ang mga inorder namin.

"Katabi lang pala ng lugar na ito ang pook ng mahihirap." mahinang turan ni Cederic. "Mukhang handa makipagbakbakan ang mga ito anumang oras."

Hindi mawala ang mapaglarong ngisi sa akin. "Iyan po ang isa sa mga dahilan kung bakit dito po tayo maghahanap."

Bago kami nakarating dito ay nasabi na namin ni Cederic kina Caldwell at Ceola na opsiyal na namin sila isinali para sa nalalapit na Pyesta. Nabanggit din sa amin na gaganapin ito sa kagubatan sa loob ng isa sa mga isla na parte ng Kaharian ng Loray. Ang mga organizer ng event na 'yon ay mga opisyal na galing pa sa iba't ibang bansa, kabilang na din sa amin. Mabuti nalang ay tinanggap nilang dalawa ang paanyaya namin na maging myembro sila ng buuohin naming pangkat.

Ilang saglit pa ay dumating na ang mga alak na inorder namin. Nagsimula na kaming uminom at nagkukwento pa. Nagagawa ko makipagkwentuhan at tawanan sa mga kasama ko pero ang mga tingin ko ay nasa paligid lang. Patuloy pa rin hinahanap ng mga mata ko ang perpektong tao na 'yon. Dahil hindi pa nalabas ang partikular na tao na 'yon ay nag-order ulit kami ng alak. Nakailang baso na kami pero wala pa rin ito.

Nagulantang kaming apat nang biglang may malakas na ingay kaming narinig na sobrang lapit lang sa amin. Sabay kaming napatingin doon. Ito na ang pinakahinihintay ko. Kapag lasing talaga ang mga tao, hindi na nila mapipigilan na mapikon at magwala nang wala sa oras. Okay, it's show time!

"Aba't siraulo ka, ah!" galing 'yon sa isang lalaki. Kalbo ito at mataba. Nakaumbok ang malaki nitong t'yan. "Pagkatapos kitang ilibre, dudukutan mo pa ako. T'ng'na ka!" saka malakas niyang sinuntok ang isang lalaki.

Bumagsak ito sa sahig. Napatayo ako. Hindi ko mapigilang maging usisera. Sinilip namin kung sino ang nasuntok. Naaninag ko ang lalaki na nakaupo sa sahig. Medyo mahaba at maalon ang kulay caramelo niyang buhok. Medyo mahaba din ang kaniyang bangs kaya hindi ko masyado maaninag ang kaniyang mukha. Kapansin-pansin lang ang putok niyang labi. Base sa obserbasyon ko, kasing edad ko lang siya o ni Cederic. Maputi ang kaniyang balat pero sa tingin ko ay hindi natural 'yon. Maputi siya dahil sa pamumutla. Sabagay, malapit ito sa pook ng mahirap na ilang lakad lang kaya hindi maiwasan na mamumutla sila dahil sa gutom at ginaw ng lugar na ito. Tingin ko din ay matangkad siya kahit na nanantili siyang nakaupo sa sahig pero payat ang kaniyang katawan. Hindi sobrang payat.

Tumayo ang lalaki na nasuntok. Mabilis niyang dinura ang dugo. Marahas niyang pinunasan ang kaniyang bibig sa pamamagitan ng kaniyang braso. Nanginginig ang kaniyang mga kamao nang kinuyom niya ang mga ito. Unti-unti nanlalaki ang mga mata ko nang napapansin ko ang nababalutan ng enerhiya ang kaniyang mga kamao. Mabilis niyang sinugod ang mataba at kalbong mama na nanuntok sa kaniya. Halos hindi namin siya makita dahil sa bilis. Lumitaw siya na parang kabute sa mismong harap ng kaaway niya. Natigilan ako nang makita ko ang mga mata niya sa likod ng buhok niya, nanlilisik ito dahil sa galit hanggang sa pinakawala niya ang isang mabigat at malakas na suntok na tumama sa panga sa mama. Dahil din sa lakas ng suntok niya ay nasira ang pader ng bar. Tumilapon ang kalaban sa mismong kalye!

Rinig ko ang pagsinghap ni Ceola sa tabi ko.

"Hoy! Tama na 'yan!" malakas na suway ng isa pang mama sa nag-aaway. "Ikaw, kung wala kang pambayad sa ininom mo, umalis ka nalang!" sabi niya sa lalaki na malakas sumuntok.

"Tch." ang tanging nasabi ng lalaki. Nagpamulsa siya at tahimik siyang lumabas ng bar.

"Siya na nga." mahina kong sabi. Hindi ako nagsayang ng panahon. Agad ko siya hinabol. Tinawag pa ako ng mga kasama ko pero hindi ko sila pinakinggan. Hindi ko pupwedeng palagpasin ang pagkakataon na ito. Right, I need this guy to be part of my group. I need to convince him as much as possible! Magagamapan niya ang isang magaling na mandirigma! He will be the great fighter once he will join!

"Sandali!" malakas kong tawag sa lalaki.

Tumigil siya't lumingon sa akin. Nanatili siyang nakapamulsa. Mabuti nalang ay hinintay niya ako makarating sa mismong harap niya. "Anong kailangan mo?"

Marahas akong magbuntong-hininga para maibsan ang hingal. Masaya akong tumingin sa kaniya. "Ikaw na nga ang hinahanap ko."

"Huh?!" malakas niyang bulalas, tingin niya ay nababaliw na ako.

Nilahad ko ang aking palad sa kaniya. "Kung hindi mo mamasamain, maaari ba kitang makausap?"

Tumitig siya sa kamay ko. "Hindi ka taga-dito, tama?"

"H-huh?"

"Sa balat mo palang, halatang mula ka sa dugong-bughaw." malamig niyang sambit. "Anong kailangan ng isang Maharlika sa isang tulad ko?"

Sumilay ang isang gilid ng aking labi. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, nakita ko sa iyo kung anong hinahanap ko para sa kakulangan ng aking grupo. Gusto kita maging myembro para makasali na tayo sa nalalapit na pyesta ng pangangaso." buong-tapang kong sambit.

"Pyesta ng Pangangaso?" ulit pa niya. "Hindi ako marunong gumamit ng pana o espada. Isa lang ang sandata na alam kong gamitin." saka ipinakita niya sa akin ang isang kamao niya. "Ito lang ang alam kong sandata para mabuhay."

Tumango ako. Marahan akong pumikit. Kumislap sa akin ang mga imahe na may kinalaman sa kaniya. So he's a product as an illegitimate child. Dahil walang natatanggap na suntento ang kaniyang ina mula sa kaniyang biological father niya na isa ring dugong-bughaw, iniwan siya ng kaniyang ina sa kakilala niya na mag-asawa. Ipinampon siya simula siya'y sanggol palang. Ang buong akala niya ay magiging maganda ang pakikitungo ng mga ito sa kaniya, kabaliktaran pala. Nakaranas siya ng matinding pag-abuso hanggang sa tuluyan siyang sinipa palabas ng bahay. Nabuhay siyang nag-iisa, sa kalsada din niya natutunan na makipaglaban.

Marahan akong dumilat. "Pero kailangan ko ang mga kamao mo para manalo tayo."

Natigilan siya sa sinabi ko. Hindi siya makapaniwala na masasabi ko ang mga bagay na ito. "A-anong..."

"Sa oras na pumayag ka na sumali sa grupo ko, hinding hindi mo ito pagsisisihan. Kaya kitang bigyan ng tirahan, pagkain, kasuotan at trabaho. Hindi mo na kailangan pang manatili sa malamig at madilim na lugar na ito. Ipinapangako sa iyo, mag-iiba ang buhay mo---" hindi ko na magawang dugtungan ang sasabihin ko nang napansin ko ang mga butil ng luha na kaniyang pisngi. Napaatras ako. "A-anong nangyari? Bakit ka naiiyak? Hindi kita inaaway!"

Bigla siyang lumuhod sa harap ko. Posisyon ng isang kabalyero. "Sa unang pagkakataon, maniniwala ako na tutuparin mo ang pangako na iyong binitawan, Binibining..."

"Rini!" rinig ko ang malakas na tawag sa akin ni Cederic.

Tumayo ang lalaking kausap ko. Nakahabol ang mga kasama ko. Nagtataka silang tumingin sa aming dalawa. Matamis akong ngumiti sa kanila. Nagthumbs up ako.

Unti-unti nagbago ang kanilang ekspresyon. Mukhang nakuha nila ang ibig kong sabihin. Napasinghap si Ceola, ngumiti si Caldwell, si Cederic naman ay napasuntok sa hangin.

"Maraming salamat, Ginoong... Ano palang pangalan mo?" marahan kong tanong.

"Houstin... Pero hindi ko alam ang aking apelyido." kaswal niyang tugon.

"Kung ganoon, Ginoong Houstin... Pwede na ba tayong umuwi?" bumaling ako kay Ceola. "Ceola," nagbigay na ako ng senyales sa kaniya. 

Nakangiti siyang tumango. Itinapat niya ang kaniyang palad sa kawalan. Umilaw ito at nakagawa siya ng portal. Bago kami pumasok ay nilingon namin si Houstin na nakaukit ang hindi makapaniwalang tingin.

"Kailangan na nating umuwi, Ginoong Houstin." aya ko sa kaniya, may kasiyahan sa aking mukha.

Mukhang wala na siyang pagpipilian pa. Isa-isa na kaming pumasok sa naturang portal na gawa ni Ceola. Nang nakabalik na kami sa Hardin ng Palasyo kusa na din nagbago ang aming damit. Mga damit na karaniwan naming isinusuot sa tuwing nasa labas kami. Our royal gowns and suits. Thanks to Ceola's magic. May narinig kaming tunog sa tabi namin. Sabay kaming tumingin doon. Napasinghap ako nang makita namin si Houstin na napaupo sa damuhan. Bakas sa mukha niya ang laki pagkagulat.

"K-kayo..." nanginginig ang boses niyang sambit.

"Ahh, nakalimutan naming magpakilala sa iyo. Ako pala si Styriniana Eryndor. Siya naman ang nakakatanda kong kapatid na si Cederic Eryndor. Sila naman sina Caldwell Bordel at Ceola Briouse, mga kaibigan ko."

"E-Eryndor... Mga kamahalan..." mukhang nacultured-shock siya nang sobra.

Mahina akong tumawa. "Ikinagagalak ka namin makilala, Ginoong Houstin." 

Continue Reading

You'll Also Like

21.6K 1K 37
Aleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budh...
591K 34.2K 135
Book Cover created by: @Cattyalita 010919-031819 TITLE: A Queen's Revenge GENRE: War/Military/Historical Fiction SETTINGS: Alternate world THEME: Anc...
65.9K 3.7K 47
"Bakit hindi sila namamatay?" Avery Avellon is not-so-ordinary citizen who used to read an article and history about undead creatures, like ghosts, v...
UNRIVALED! By Peachy

General Fiction

282K 16.3K 47
So, you think you're the strongest? Well.. Then maybe you haven't met her.. "If you want a real battle, then maybe you should get stronger.." unยทriยทv...