The Meaning of Wife (KimXi Fa...

Galing kay MiaBacolodDelaFuente

457K 5.1K 1.1K

Isang storyang naglalahad ng damdamin ng isang babaeng minsang nagmahal, minsang nasaktan ngunit patuloy na l... Higit pa

The Meaning of Wife (KimXi Fan Fiction)
Prologue
Chapter I - Math of Investment
Chapter II - Time Issues
Chapter III - One Step Closer
Chapter IV - Who is Who?
Chapter V - Thank God, It's Friday!
Chapter VI - Trouble is a Friend
Chapter VIII - His Property
Chapter IX - Settling Down
Chapter X - Confrontations
Chapter XI - Giving Chances
Chapter XII - Pregnant or Not?
Chapter XIII - Bad to Good
Chapter XIV - His Sweet Side
Chapter XV - Ticket To One's Heart
Chapter XVI - Guilt Reigns
Chapter XVII - Paradise
Chapter XVIII - Hugs and Kisses
Chapter XIX - Hospital
Chapter XX - Secrets
Chapter XXI - Martyrdom
Chapter XXII - Her Sentiments
Chapter XXIII - It Might Be You
Chapter XXIV - The Blessing
Chapter XXV - On Being A Father
Chapter XXVI - One Sweet Day
Chapter XXVII - Tokyo Love
Chapter XXX - Land of the Rising Sun
Chapter XXXI - Picture Perfect
Chapter XXXII - More Than Words
Chapter XXXIII - He Chose Her
Chapter XXXIV - Time Management
Chapter XXXV - Hatred Starts
Chapter XXXVI - Decisions
Chapter XXXVII - A Little Too Late
Chapter XXXVIII - Separate Lives
Chapter XXXIX - Lady In Red
Chapter XL - Business As Usual
Chapter XLI - Motherly Side
Chapter XLII - Real Deal
Chapter XLIII - Ohana
Chapter XLIV - Significance of a Woman to a Man
Chapter XLV - The Meaning of Wife

Chapter VII - Mélancolie

9.6K 87 7
Galing kay MiaBacolodDelaFuente

Sorry, mabagal ang UD. Boring ‘yung last chapter ko? Ang konte kasi ng comments at votes. Pasensya na po. Medyo sad ang flow ng story. I’m trying to relay to you kung ano ang ibang side ng pagmamahal. ‘Yun bang hindi sa lahat ng panahon, okay ang takbo. Basta, sana suportahan niyo. Marami pa pong pasabog.

Thank you po! God bless.

-Mia

KIM’S POV

“Hello… Xian?” Kinapalan ko na ang mukha ko. I need to talk to him and explain the plans of my handler. Natatakot ako sa kung anumang magiging effect nito sa kanya. I’m into the busy world of show business. I’m used to whatever issues they throw on me. Pero ‘yung point na maaapektuhan si Xian because of me? I can’t let that happen.

(Oh bakit?) Walang kaemo-emosyon niyang sabi.

“Xi, alam kong alam mo na ang issue tungkol sa mga nangyari kagabi. I swear, hindi ko ginusto ‘yun. Na-misinterpret lang ‘yun ng media. I’m sorry, nadamay ka pa. I’m sorry kasi dahil sa akin, laman ka ng mga pahayagan. I know hindi ka sanay sa magulong mundo ng showbiz. Pero maniwala ka, hindi ko ginusto ‘to and one more thing. I think, it is right to let you know that…”

(Kim, pagod ako. I have no time to listen to your reckless sentiments. Please, I’m begging you please. Stop calling me. We’re over. Napag-usapan na natin ‘to ‘di ba? Maliwanag kong sabi na what happened tonight will be just a memory. ‘Wag kang mag-alala, hindi na mauulit ‘yun. Napaligaya na kita ‘di ba, ano pa bang inaarte mo?) Tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Bakit ba pakiramdam ko, pinagkakaisahan ako ng mundo, nanliliit ako sa sarili ko. Pakiramdam ko, wala akong kwenta. Pakiramdam ko, ang dumi-dumi ko. Pakiramdam ko, kaladkarin ako dahil basta ko na lang binigay ang sarili ko sa isang taong ‘di ko naman lubos na kilala. Ganu’n na lang ba talaga ang halaga ko? I never thought na ganu’n ang tingin niya sa akin, isang babaeng pang-one night stand lang.

Hindi niya ako hinayaang mag-explain at makapagsalita. Binaba niya agad ang telepono niya. Nanlumo ako dahil sa mga ikinikilos niya. Last night, he made me feel that I am loved and now, he’s giving me cold shoulders. Siguro nga, wala lang ang lahat ng nangyari for him. Pero para sa akin, big deal ‘yun. Binigay ko ang sarili ko sa kanya ng buong-buo; walang labis, walang kulang. Naiinis ako kasi nasasaktan ako kahit hindi dapat. Siguro nga, umaasa ako na tutulungan niya ako sa issues namin. Masyado ata akong nag-o-overreact. Hindi naman kasi sarili ko ang iniisip ko, siya lang naman ang iniintindi ko. Alam ko kung gaano kagulo ang mundo ko. Minsan nga, mas gusto ko na lang mamuhay ng normal.

Nang makapag-ayos ako, agad akong bumaba. Nandu’n pa rin si Ate Sandra at may kausap siya sa phone.

“Yes Ma’am. Within an hour, darating kami.” Ewan kung sino ang nasa kabilang linya. “No problem. I gotta go, Ma’am. Thank you for letting us conduct this interview” So, this is all for the interview.

“Oh, nandyan ka na pala Kim. Let’s go?” Nauna siyang lumabas. Sinundan ko lang siya.

Nandito na kami ngayon sa conference room wherein gaganapin ang presscon na hinanda ni Ate Sandra to clear the issues I’m into. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong i-explain sa kanila kung ano man ang mga ginagawa ko. I’m a model. Bakit ba para akong artista kung tratuhin nila? Pagpasok na pagpasok ko pa lang, binaha na ako ng flash mula sa mga camera ng mga taga-media. Part of my job ang ngumiti kahit pa sobrang lungkot ko.

Sunud-sunod na tanong ang hinain nila sa akin. Kadalasan, mga walang kwentang tanong.

“Good afternoon everyone. Alam ko pong kalat ang balita tungkol sa akin at sa lalakeng kasama ko last night. Nakakagulat nga po dahil maraming write ups ang nagsilabasan. Ang nakakainis pa, maraming nagsusulat ng hindi totoo. To clear things out, I was with Xian Lim last night.” Bating-panimula ko.

“Sino nga ba si Xian Lim, Ms. Kim?”

Si Xian? Well, ang taong mahal ko, ang taong rason kung bakit ako masaya, ang taong rason kung bakit ako malungkot at ang taong inalayan ko ng buhay ko pero binalewala ito. Ngumiti ako ng pilit sa harap ng mga tao at ng mga lente ng camera. “Xian Lim. He’s my classmate in a particular subject. He happens to be my seatmate and a friend.”

“Nanliligaw ba siya sa’yo?” Bato ng isang reporter.

Nanliligaw? I wish. Mas nilakihan ko ang ngiti ko to keep myself reminded not to cry. “Nako, hindi po. Magkaibigan lang po talaga kami.”

“Ayon sa iilang Netizen commentators, isang publicity stunt daw ang ginawa niyong date para sa nalalapit na Philippine Fashion Week at UAAP. What can you say about this issue?”

Nagulat ako sa mga ganu’ng intriga. Kaya naiinis ako sa mundong kinatatayuan ko eh. Masyadong makikitid ang mga utak ng iba. Lahat ng bagay, binibigyan ng meaning. “Nakakatawa naman po ‘yung publicity stunt. Wala po akong masasabi tungkol sa paratang na ‘to. Kasi kahit naman i-defend ko ang sarili ko, wala namang maniniwala. Let people talk. Hindi ko na iniisip ‘yang mga ganyan.”

“Ms. Kim, are you exclusively dating with the guy named Xian Lim? Balita namin, anak raw siya ng may-ari ng isang kilalang hospital dito sa bansa.”

“Xian and I are plainly friends. We just had a dinner that night and unfortunately, nu’ng pauwi na kami, biglang bumuhos ang ulan. With that, we came up with the decision na to check in at the hotel. Sabi nga nila, when it rains, it really pours kasi nagkataong isang bakanteng room na lang ang natira for the both of us. To no avail, we decided to take it kesa naman mapa’no kami sa daan.”

“Ano naman ang naging reaction ni Xian tungkol sa biglang pagkalat ng balita tungkol sa inyo? Hindi ka ba natatakot na masira ang career niyong dalawa?” Actually, hindi ko alam kung ano ang point of view niya tungkol dito.

“Hindi ko pa siya nakakausap. At wala naman siguro kaming dapat ikatakot ‘coz in the first place, hindi kami nagdate kahapon. Pangalawa, single kami pareho. Kung sabihin naming nagdate ng kami, so what? Wala namang masama ‘di ba? And besides, naniniwala akong mababaw na rason itong issue na ‘to para mawala ang lahat ng pinaghirapan namin.”

Tinignan ko lang si Ate Sandra. Walang emosyon ang mukha niya.

“Maiba ho ako Ms. Kim, ano ang next projects mo after ng Philippine Fashion Week?”

“Hindi pa ako nakakapagdecide kung aling offer ang tatanggapin ko. It’s up for my manager to handle it. Abangan na lang ho natin kung saan man ako dalhin ng tadhana.”

Biglang nagsalita si Ate Sandra. “You only have 5 minutes left to ask Kim. So please hurry up. Thank you.”

Nag-unahan ang mga press sa pagtanong sa akin.

“Ano ang masasabi mo sa mga binabato sa’yo tungkol sa mga kumakalat na balita na…”

“Ms. Kim, kung liligawan ka ba ni Xian, sasagutin…”

“Nakita raw po kayong magka-holding hands na lumabas sa hotel kaninang umaga. Anong ibigsabihin nu’n?”

“Bilang isang tagapagmana ng Chiu Group of Companies, sa tingin mo ba, makakaapekto ang issue na ‘to sa negosyo niyo?”

Naguguluhan ako sa sabay-sabay nilang tanong. “Can I speak now?” Tumahimik ang lahat. Time ko na para maipahayag ang saloobin ko. “Una po sa lahat, thank you dahil you have given me the chance to clear the rumors. Hindi po totoo na may balak akong mag-artista kaya gumagawa kami ng issues para mapag-usapan ako. Dahil kung ‘yun ang aim ko, hindi ko kailangang gumawa ng mga publicity stunts. About naman sa tanong na what if ligawan niya ako, ayokong magsalita ng tapos. Pero as of now, we’re both busy with our own careers. I believe wala naman akong dapat pang ipahayag pa. Kasi ‘yung ibang issue, masyadong personal na. Give me enough time na makapaghanda at magsasalita ako. As of now, ‘yun lang po muna. Maraming salamat.”

Agad kaming tumayo. May ilang guards ang nakaharang para hindi ako dumugin ng mga reporters. Nakaka-stress.

Lunes ngayon. Imbes na pasukan ko ang Mathematics, mas minabuti kong pumunta sa dean’s office para kumuha ng dropping form. Oo, ida-drop ko ang subject ko at lilipat sa ibang time slot. Mas mabuti na ‘to, para maiwasan ko na rin si Xian. Mainit pa kasi kami sa mata ng mga tao. Kasama ko si Ate Sandra. Ang idadahilan namin, para ito sa career ko.

“We all know that Kim is really busy with her career. At dahil hindi kaya ng alaga ko ang magising ng maaga, gusto sana namin na ilipat siya. Mahirap kasi lalo na po Sir at madalas, wala siyang tulog.”

“That’s not a valid reason, Ms. Sandra.”

“Eh Sir, sige naman po oh. Naaapektuhan din po kasi ang klase dahil sa issues na kinasasangkutan ko ngayon. Lalo pa ngayon na nali-link sa akin si Mr. Lim. I don’t want to create a scene inside the class.”

“Ms. Chiu, hindi porket sikat ka eh mabibigyan na kita ng special treatment.”

“Sir, I’m not asking for a special treatment. All I’m asking for is your consideration. Nandito ako sa school na ‘to para mag-aral, not to be the talk of the town. Ayokong mas lalong gumulo pa ang buhay ko at buhay ni Xian dahil lang sa fact na classmates kami at seatmates pa. Isa pa ho, I’m not dropping literally but I’m going to change my subject.”

Nag-isip siya ng konte. “Okay, mukhang tama ang sinasabi mo. Pumapayag na ako.” Buti naman at pumayag ‘yung dean.  

It’s been what? 2 weeks mula ng magpa-change schedule ako. Maraming nagtatanong sa akin about sa real status namin ni Xian. Pero nanatiling nakatikom ang bibig ko. Wala na kasi kaming communication. Naging busy ako sa  2 weeks na ‘yun. I focused more on my studies. Plus umuwi ang parents ko for a 1-month vacation. Maya’t maya kong iniisip si Xian. Pero dahil nga nandito ang parents ko, pinilit kong huwag siyang isipin. Last week, I had my 3-day vacation in Palawan. Napansin kasi ata ni Daddy na haggard ako.

Ngayon, magkasama kami ni Steph. Nandito kami sa mall. Shopping mode para naman mawala ang pagod. Hindi niya ako tinanong kung ano ang nangyayari. Siguro kasi ayaw niyang pilitin ako.

“Alam mo Kimmy, alam kong may problema ka. Buong Pilipinas ang nakibalita sa chismis tungkol sa’yo. Wala ka mang sinasabi, alam kong mabigat ang pakiramdam mo. Keep in mind that I’m the gorgeous Steph, your best friend forever. So don’t hesitate to talk to me. Take your time, ‘di kita pinipilit na mag-share akin. All I need you to know is that, I’m here for you no matter what.”

Napatigil ako sa paglalakad sa sinabi niya. Niyakap ko siya. “Thank you Steph! You don’t know how hard it is to handle all these things. Thank you kasi nandyan ka for me.”

“OA mo ha. Kung makayakap naman! Alis nga diyan. Baka ma-issue ka pang lesbyana ka. Nako, ewan ko na lang!”

Bumitiw ako sa pagkakayakap. Hinila ako ni Steph sa isang restaurant. Habang nag-aantay sa in-order naming pagkain, minabuti kong i-share na lang sa kanya.

Ikinwento ko mula sa dinner namin sa EDSA Shang hanggang sa mga nangyari sa amin. Napabuga siya ng iniinom niyang smoothie. Wow, nakakadiri lang talaga!

“Pusang ligated! Ang engot mo talaga bitch! Diyos ko naman! Ano bang pumasok sa utak mo at ginawa mo ‘yun, ha?!”

Napayuko lang ako.

“Oh, ano na? Magsalita ka kaya diyan Kim!”

“Eh kasi naman Steph, mahal ko ‘yung tao. Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko at ganu’n. Knowing that he’s a playboy, umaasa pa rin ako that he’d chase me. He’d come to me, running at sasabihing, ‘Kim, handa akong panagutan ka.’ But no. Hindi ‘yun mangyayari. Ang tanga ko Steph. Ang dami kong choices pero ang bobo ko, kasi mas pinili ko siya more than those better choices. Sumugal ako. Sumugal ako kahit alam kong sa simula pa lang, talo na ako. Sa 1 week na magkasama kami, feeling ko, nagkaroon ako ng chance na maging kami. Akala ko, magtutuluy-tuloy. Pero hindi. For the nth time, mali na naman ako. Engot na kung engot…” Huminga ako ng malalim dahil sabay-sabay umagos ang luha ko. “…pero kung sana, sinabi niya na magiging okay lang ang lahat, handa akong maging pampalipas oras niya. Hindi ako magrereklamo kasi mahal ko nga siya. Kaso hindi eh, pinagmukha niya akong kaladkarin.”

Malungkot din ang mga mata ni Steph. “So, Kimmy. Ano na ang plano mo?”

“Siguro, mas pagbubutihan ko muna ang pag-iwas. Hindi pa kasi ako handa na makita siya. Baka kasi ‘pag nagkita kami, mas mahalin ko siya despite sa ginawa niya.”

“Alam mo Kim, sa sobrang pagiging martyr mo, pwede mo ng palitan si Rizal sa piso.”

Natawa ako sa sinabi ni Steph. Sa bagay, totoo naman ‘di ba?

“Siya nga pala Kim, alam mo na ba ‘yung balita? ‘Wag kang mabibigla ha.”

----Ano kaya ang sasabihin ni Steph? Abangan! Let me know kung kamusta ang chapter na ‘to. Thanks.

Follow on Twitter: @kimxi_gensan

Follow me on Twitter and on IG: @miadelafuente

-Mia

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

209K 1.4K 10
Kung may paligsahan lang ng mga tanga at martyr ay panalo na siguro si Catania sa larong ito. Her husband, Levirr, was always hurting her emotionally...
391K 7.3K 50
Meet Elaine, the girl who filthy rich.Prinsesa nga kung maituturing.. Nagbago ang buhay nya ng makapasok sya sa Luxury University na naka encounter...
4K 361 25
She only wants to be love. She only wants to be protected. She only wants to be taken care of. Actions that is not scripted. Words coming from the he...
84.5K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...