A day in Jun3

By Salomrele

2.1K 147 0

Some why's and explanation on how a month can change your life. More

I.
Page 1
Page 2
Page 3
Page 4
Page 5
Page 6
Page 7
Page 8
Page 9
Page 10
Page 11
Page 12
Page 13
Page 14
Page 16
Page 17
Page 18
Page 19
Page 20
Page 21
Page 22
Page 23
Page 24
Page 26
Page 27
Page 28
Page 29
Page 30
Page 31
Page 32
Page 34
Page 35
Page 37
Page 38
Page 39
Page 40
Page 41
Page 42
Page 43
Page 44
Page 45
Page 46
Page 47
Page 48
Page 49
Page 50
Page 51
Page 52
Page 53
Page 54
Page 55
Page 56
Page 57
2021 - 2023

Page 15

25 1 0
By Salomrele


"Mahal ko ang sarili ko
Iingatan ko ang sarili ko
Pagyayamanin ko
Ang turing ko sayo'y sarili ko"

Hindi bat mahalaga sa atin ang ating sarili? Hindi ba't iingatan natin ito anuman ang mangyari? Hindi ba't nais natin kung ano ang makakabuti para sa atin?

Kaya pala.

Kaya pala palagi kang nariyan kapag panandalian akong nanghihina. Kaya pala handa kang sumaklolo kapag pakiramdam ko'y nagugupo ako sa kapaguran. Kaya pala pinalalakas mo ang loob ko. Kaya pala mahal mo ako.

Kaya pala ramdam ko ang lambing ng iyong boses kapag minsan tayong di magkaunawaan. Kaya pala ang bilin mo palagi ang ingatan ko ang sarili ko at huwag akong magpapagutom gaano man ako ka-busy. Kaya pala palagi kang nagpapa-alala na ako ay mag-ingat.

Kaya pala manghang-mangha ako sa husay mo magsalita. kaya pala palagi kang nagbabahagi sa akin ng kuwento, mapa nakakatawa man; nakakalungkot, nakakatuwa at nakaka-inis. Kaya pala tinuturuan mo ako sa maraming bagay. Kaya pala nais mong bumuti ang buhay ko sa hinaharap. Kaya pala palaging ang bilin mo ay mag-aral ako ng mabuti at tumupad lang ng tumupad. Kaya pala nais mong mapagyaman ko ang mga kakayahan ko.

Kaya pala mahal mo ako. Kaya pala pinag-iingat mo ako. Kaya pala tinuturuan mo akong mapagyaman ang sarili ko. Kaya pala, sapagkat ang turing mo sa akin ay sarili mo.

Ayaw mo kamo akong nasasaktan sapagkat nasasaktan ka rin. Ayaw mo kamo akong nagkaka-sakit sapagkat nag-aalala ka rin. Gusto mo kamo akong mag-ingat sapagkat tayo'y magkikita rin. Gusto mo rin kamong pagbutihin ko sapagkat pinagbubuti mo rin.

HIndi na ako magtataka kung bakit ang turing natin sa isa't isa ay iisa. Palagi bagang magkarugtong ang bituka.

Ako ay Ikaw. Ikaw ay ako.

Ikaw at ako.

Continue Reading

You'll Also Like

3.1K 312 199
Anthology/Book Of Poems Part 3
3.2K 3K 43
𝐁𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐧𝐭𝐢𝐠 𝐧𝐠 𝐥𝐞𝐭𝐫𝐚 𝐤𝐚𝐚𝐤𝐢𝐛𝐚𝐭 𝐚𝐲 𝐬𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐝𝐮𝐫𝐮𝐬𝐚 𝐥𝐮𝐥𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐬𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐥𝐚𝐚𝐥𝐚 𝐢𝐥�...
61.1K 323 32
#1-tula 12/072018 Kapag nagmahal ka at nasaktan may mga bagay na nagagawa mo na hindi mo namang inaasahan na magagawa mo.that's what love can do. Cha...
532 40 33
"Yugto ng aking mundo, sa bawat tula na aking binubuo. alamin ang kwento ko, sa bawat pahina ng libro." © Krungybrmnd 2020 Started: Feb. 22, 2020 Fin...