Page 13

32 4 0
                                    

Hindi na ako bata.

Hindi na ako tulad ng dati. Malayo na ako sa dati. Hindi na ako bata.

Nagigising na ako mag-isa. Bumabangon na ako ng kusa sa umaga. Hindi na ako kailangan pang silipin sa kuwarto't marahang tapikin sa braso. Hindi na ako bata.

Ibinabangon na ako ng mga responsibilidad, ng mga bagay na nakatakda kong gawin sa maghapon, ibinabangon na ako ng mga pangarap ko. Hindi na ako bata.

Nasanay na akong magtimpla ng gatas mag-isa. (Hindi ako pwede sa kape) Ako na ang nagpapainit ng tubig sa kusina. Ako na ang kumikilos para sa sarili ko. Hindi na ako bata.

Kaya ko na magmaneho mag-isa. Natuto nga ako ng walang nagtuturo e. Mahusay na akong mag one hand sa daan, nakataas pa ang paa. Mag-isa ko nalang kung harapin ang buhol-buhol na trapiko sa bayan. Saulo ko na ang kahabaan ng kalsada. Hindi na ako bata.

Hindi na ako takot mapag-isa. Pinipilit kong makisalamuha sa iba't ibang tao para sa pangarap. Hindi na ako mahiyain tulad ng dati. Kailangan kong magkaroon ng makapal na mukha. Hindi na ako bata.

May mga pangarap na kasi ako. Gusto kong matupad yun. Kaya kahit may mga mahirap na sitwasyon na akong pinagdaanan. Hindi na yun nalaman ng iba. Kaya ko naman na kasing humarap sa problema kahit wala akong tao na kasama. Pasan-pasan ko na ang mga pananagutan sa magkabilaan kong balikat. Bugbog narin naman sa trabaho at expectation ang katawan ko. At kapag hindi ko maiwasang mapundi ay  inihihinga ko nalang ng malalim saka bato ng buntong-hininga. Hindi na ako nakikipagtalo. Hindi naman na ako bata.

Pilit ko nalang pinatatatag ang loob ko. Kinakaya namang balansehin ang mga pananagutan awa ng Diyos. Kahit na minsan ay gusto ko nalang  hatiin ang katawan ko para sabay-sabay na maasikaso ang lahat.

Sinisikap ko namang mapunan lahat ng mga kailangan kong gawin. Hindi na kasi ako pwedeng maging iyakin at umayaw nalang bigla kapag napagod na. May consequences na kasi mga yun kasi hindi na ako bata.

Hindi na ako bata.

Hindi na nga ako bata.

Hindi na talaga ako bata. Hahaha!

Hindi na ako bata, pero namimiss ko parin yung mga pagkakataon na wala pa akong problema.

Nakakamiss rin yung mga panahon na nakahain na sayo lahat. Magaan ang buhay kasi limitado pa ang kakayahan.

Nakakamiss rin pala maglaro,

Maligong dagat ng walang paalam; makipagtaguan sa mga kalaro saka uuwi ng bahay, makipag chinese garter, spaghetting pababa at showdown tuwing uwian sa eskwela. Nakakamiss rin pala ubusin ang baon sa maghapon sa computeran. Nakakamiss ang text, pogs at paninirador sa bubungan.

Nakakamiss yung mga pagkakataon na ang problema ko lang ay paano tumakas sa pagtulog sa hapon para lang makapaglaro.

Sana pala natulog nalang ako noon. Antaba narin kasi ng eyebags ko ngayon.

Sayang lang. Hindi na ako bata.

— Salomrele🤸‍♀️

A day in Jun3Where stories live. Discover now