Page 50

18 0 0
                                    

81 Weeks Ago - Parola

Noong tanungin mo ako kung gusto kong makasama ka sa habang buhay, hindi ako nagdalawang-isip na isagot ang oo sayo. Gusto ko ang isiping malayo ka pero malapit, gusto kong maging payapa sa mga bisig mo kung saan tanaw ang karagatan ng walang kasiguraduhang lalim mo. Hindi ako nagsinungaling noong sabihin kong Ako ang hindi permanente sa ating dalawa. Marami ka pa kasing lalakbayin, marami ka pang makikilala, marami pang alala ang nanaisin mong buuin at gaya ng sinabi mo— kahit hindi ako kasama doon. Alam kong magiging maligaya ka. Pero kasalanan ba ang paghahangad ng habang buhay kasama mo? You are one of those memories, if ever. The happiest one. You seem like home to me too.

Hihintayin kita sa mga lugar kung saan mo ako nais makasama. Kahit isang dekada pa ang kakailanganin kong palipasin, sasalubungin at sasalubungin parin kita kahit gaano katagal, kagaya—DITO sa mga lugar na to na may tatak ng pag-ibig sayo.

A day in Jun3Where stories live. Discover now