Page 55

10 0 0
                                    

Patapos na naman ang taon.

Akalain mo iyon? Nasa ika-labing dalawang buwan na pala tayo ng taon. May promo na namang 12.12 ang shoppe. On the way na ako sa pagiging Platinum member.

Pasalubong na ang lakad natin sa panibagong taon. Ang taong 2024.

Akala ko dati hindi na aabot ang mundo sa taon na ito. Subalit, heto. Bilang nalang ang mga araw at Enero uno na naman.

Anraming nangyari nitong 2023. Hirap, pagod sa katawan at stress ngunit buti nalang mas lamang ang pagtatagumpay kaysa sa kabiguan. Nagbukas ang taong ito ng maraming oportunidad at salamat sa Diyos, nakapagtataguyod parin tayo sa mahirap na buhay na ito.

Ano kaya ang sasalubong sa atin sa 2024? Sana naman ay wala ng kalungkutan. Pero imposible itong mithiin ko na ito. Partner na ata kasi ang saya at lungkot. Mabuti pa ang lungkot at mahusay mag ayaw-ayaw. Para bagang kabisado na niya at naka schedule na kung kailan kakatok at lalabas.

Mabuti nalang sanay na tayo. Kulang nalang ay makipag-boxing tayo sa lungkot dahil labas-pasok siya sa pinto. Sanayan lang rin talaga. Kaya nga kakantyawan ka pa ng iba kapag nanghihina ka. Hindi pa daw ba tayo nasanay?

Iyon na nga e. Sanay na tayo at heto na naman siya.

Dinabale. Tatapang pa tayo. Tatatag pa ang ating puso. Mas makakaya na natin sa susunod. Sisisiwin na natin ang problema.

Sa susunod na taon, tayo naman.

Tayo naman ang bundok hindi na ang lungkot.

A day in Jun3Where stories live. Discover now