Page 3

86 9 0
                                    

Kumusta?

Hi, kumusta?
Nandito ulit ako, palagi naman.
Nagbabakasakali uli na madinig mo ang tinig kong minsan mo nang sinabi na pandayo
Basta sa malapit lang.

Napaka bilis kung lumipas ng panahon ano?
Parang kailan lang ay isinusuggest mo pa na browny ang itawag nalang sa akin
Palagi pang ang biro mo kapag ako ay gumaganti ng asar ay
Dapat akong isako, lagyan ng pabigat at saka itapon sa dagat

Parang kailan lang at busog na busog tayo sa asaran
Halos hindi na tayo matunawan sa mga biruan
Nakakatuwa't hanggang ngayon ay tinik parin sa lalamunan ko
Ang bawat biro at pang-aasar na iniwan mo

Naaalala ko pang malinaw ang kwento mo
Siyang tunay nga namang nakakabilib ang pusa nyo
Aba'y kahit anong lapag ng ulam sa kung saan ay hindi kinakain
Ikaw ba naman ang hainan ng asin

Sana maayos ang lagay mo riyan
Kahit ayaw mo ay palagi ka sanang mag-iingat
Huwag kang makikipag-patintero sa mga sasakyan
Hindi ikaw si superman

Palagi kang kakain ng marami ha
Kahit tumaba ka't rumami ang bilbil sa tiyan
Tanggap ko yan.

Napakarami ko nang alam patungkol sayo
Saulado ko na ang pasikot-sikot ng nakakapanloko mong isipan
Kung ano pa ang mga pangarap mo sa buhay
Sana palagi kang magtagumpay

Pero kung ako man iyan,
Kaganda naman ng pangarap mo

Sana talaga ay magkaroon ng pagkakataon
Na makapag-salo tayo sa iisang headset
Sabay tayong makikinig sa musika
Tapos sayo yung hindi gumagana

Sana rin ay makasama kita mag Grocery
Masayang bibili ng kung ano-anong mga bagay
At sa pagkakataong naka pila ka na sa counter
Ay nako, hindi na kita kilala

Naalala mo ba ako?
Kung oo, aba ay dapat lang
Ikaw nga ay palaging tumatakbo sa isipan ko e
Manawa ka naman sana

Palagi ka sanang maging masaya
Kung may lungkot man, sana mabilis lang
Huwag mo nang papapasukin ang mga iyan
Pagsarhan mo palagi ng pintuan

Hangad kong lagi ang kaligtasan mo
Ang kapayapaan ng isipan mo
Kaya naman lubusin mo ang mga panahon
At see you nalang kung nagkataon!

A day in Jun3Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt