Page 49

13 0 0
                                    

78.2

Maari ko bang itanong kung paano ang naging rebolusyon ng mga itinatawag mo sa akin ?

Natatandaan ko pa rin kasi ang bawat simula, hanggang sa ngayong kasalukuyan

Tanda ko pa kung ano ang una kong naramdaman noong binati mo ako ng "Napaka ganda mo", maraming pinagdaanan ang isang yan, maraming naging katatawanan sa tuwing nagtatawagan at nababanggit ang "Gusto ko na palaging nakikita ang mukha mo, lalo't pagkagising"

Magaling kang gumuhit ng ngiti sa mukha, ipinaparamdam mo na ako ang pinaka maganda sa lahat.

"Marahil, sentro ka ng atraksyon dyan sa inyo, Pero kung ako tatanungin, dapat nang iurong ang hapag sa suhestyon ukol sa kagandahan pagdating sayo. Hindi na kailangan, labis na ang sayo."

At kapag kokontra ka't mangangatwiran pa sa mga sinasabi niya'y— "Ang dagat ba'y kailangan pang kwestyunin kung bakit walang mga imprastraktura na masusumpungan sa laot? Hindi. Sapagkat ang dagat ay natural nang maganda. Isa kang dagat"

Maari ko bang itanong kung ano ang dahilan ng; "Baka maaga ako matulog ngayon" tungo "Sa maghapon, nakasubsob lang ako sa mesa. Nag-aaral. Nag-aasikaso ng kung anu-ano. Kaya reward ko sa sarili ko ang ganitong sandali na kausap ka. Reminding myself to pause for a while."

Palagian na ang pangangamusta tuwing pagsapit ng gabi't tapos na sa gampanin, hindi lang madalas— palagi.

Maraming beses ka ring nagtanong kung maari ka bang magtungo kung nasaan ako, sa mga pasintabi't kuwentong kwela mo,"—at ngayon kausap na ang babaeng nag pa-ibig sa akin ng Pangasinan. Ikaw."

Hindi ko alam ang dahilan kung bakit palaging gusto mo ng yakap, kung bakit gusto mo kamo akong makatabi, kung bakit mag-aanimo kang ahas sa pagligkis sa braso ko kapag nagkita tayo— hindi ko alam ang dahilan ng bawat mong pagpaparamdam kung paano maging masaya

Kung gaano kasarap ang maka-ibig ka, hindi ko alam ang dahilan dahil tulad mo, oo na sige na.

"Wag mo nang itanong dahil hindi ko rin naman alam ang dahilan, basta gusto ko lang."

A day in Jun3Where stories live. Discover now