Page 38

12 1 0
                                    

Kapuso

Mayroong dalawang uri ng pangangamusta.

"Kumusta ka na?" at "Nagsusulat ka pa ba?"

Sa dalawang ito. Aaminin kong mas nababagabag ang loob ko sa mga tanong kung nagsusulat pa ba ako, dahil ang totoo ay hindi naman talaga ako tumigil sa pagsulat.

Tumigil lang ako sa pagbabahagi, itinigil ko lang at hinadlangang huwag mabasa ng mundo kung ano ang laman ng puso ko. Tunay naman kasing hindi lahat ay maintindihan ang lalim ko.

Akala ko kasi noon, walang sinuman ang marunong lumusong sa dilim ng mga talinhaga. Akala ko palagi nalang ay kakailanganin kong idetalye at babawan ang mga salita para lang maintindihan ako ng iba.

Akala ko lang pala.

Mayroon parin pala talagang natural na bihasa sa pag-intindi ng akda ng iba. Mayroon pala talagang kahit ang buntong-hininga mo'y alam kung ano ang ibig-sabihin. Mayroon parin palang taong sinisiyasat ang lahat sayo sa paniniwalang lahat ng binibitiwan mong salita ay may higit pa na ibig-sabihin bukod sa isa.

Totoo nga na kung may karugtong ka ng bituka ay tiyak may kapareho ka rin ng tibok ng puso.

Hindi mo kailangan hanapin kung sino.

Kusa mo itong matatagpuan.

A day in Jun3Where stories live. Discover now