Page 35

16 1 0
                                    

Pag-ibig

Gaano katindi ang pag-ibig?
Nakakatakot pala talaga, nakakapagpakaba ng dibdib.
Alin ba kasi talaga ang depinasyon?
Kapayapaan ba sa gitna ng pananatili at determinasyon?

Napagtanto ko lang na talaga palang malawak ang pag-ibig. Hindi natatapos sa kilig, hindi palaging ang uwi ay pagluha. Malinaw parin naman sa akin ang lahat, ikaw parin ang sigaw ng bawat malakas na pagpintig ng puso ko. Nagpapakatatag parin ako't matiyaga sa aking payak na paghihintay.

Payapa parin naman ang buhay ko. Iginugugol ko ang ibayo kong atensyon sa paglilingkod at pag-aaral akay na hangaring magtagumpay at magkamit ng kaligtasan pagdating ng araw. Nakasubaybay ako, nag-aabang habang sinisikap na mapabuti ang buhay.

Madalas naiisip ko,
Alin kaya ang magiging kahihinatnan nito?
Kung hindi man gaya ng inaasam ay ayos narin siguro. Kasabay naman ng pagyakap ko sa pangako ay ang pagtanggap ko sa mga maaring mangyari sa susunod na mga bukas.
Sapat na siguro ang pangako,
Na kahit minsan man lang sa iyong buhay ay naging sigurado ka sa isang tao at inasam mo na makasama sa pang habang-buhay.

Hindi ako nagiging negatibo ha,
Ang totoo ay nagiging bukas lamang ako,
Hindi ko naman kasi nais na ikulong ka dito
At dumating ang pagkakataon na pigilan mo ang nararamdaman mo tungo sa isang tao,
Pero kung ako naman talaga ang hanap ng puso mo...
Siyang tunay, maligayang-maligaya ako.

Kumusta ka?
Abala lang ako sa pag-aaral at pagtupad kung kaya't hindi na ganoon kadalas kung makapag-alay ako ng mga tula't pagliham sayo
Pero gabi-gabi?
Tuwing bago ako matulog ay palaging may bukas na palad at puso na hiling ang kapayapaan at pagtatagumpay mo.

Palagi ang Diyos na ang bahala sa ating dalawa. Gaya ng sabi mo sa liham, siya ang masusunod kung muli niyang pagtatagpuin ang landas at ating mga puso.

Nangungulila na ako sayo, sa mga matamis na pag-ngiti mo. Pasensya na kung araw at gabi ay hanap ko ang boses mo. Gayunpaman, sinisikap ko na huwag makapagdulot ng kahit anong alalahanin sayo, kung kaya naman nag-iingat ako sa bawat pagkilos ko't salitang binibitiwan sa mga pagliham kong ito.

Araw-araw man akong subukin, sisikapin ko na palaging maipaglaban ang pag-ibig ko sayo.

Palagi kitang ipinagmamalaki. Palagi akong nakasubaybay sa bawat mong paglago.

Mag-iingat ka at nais pa kitang makita.

A day in Jun3Where stories live. Discover now