Page 45

15 0 0
                                    

A Work From: 66 Weeks Ago

Noon, sa pagkakataong hindi pa umuusbong ang damdamin ay nababakas na sa bawat mong iniiwang talinhaga na may nais kang ibabala sa akin.

Ipinakita mo sa akin na ikaw ay kalmado't nirbiyeso, hapo at mabilis mabugnot— pero hindi mo alam na masigasig akong magtiyaga.

Sinabi mo sa akin na malayo ka sa perpekto't maraming kulang at mali sayo kung kaya't itinaboy mo ako palayo— pero hindi mo nalamang napagtanto kong nagtatago ka lamang sa mga salitang iyon upang subukin ang bata kong loob kung mananatili ba ako.

Ipinarinig mo rin sa akin ang mararahas na kuwento mula sayong buhay, sa nangyari sayo kahapon, ngayong araw at tinakot mo ako sa maari kong sapitin sa kinabukasan kung magpapatuloy pa akong makinig— pero hindi mo nakitang hindi ko tinakpan manlang ang aking tenga mula sayong mga kuwento kundi hinayaan kong lamunin nila ako, nang sa ganoong paraan ay malaman mong karamay mo ako.

Ipinalasap mo sa akin ang pait, at alat ng bawat mong pagpapatawa nang sa gayon ay masubok mo ako kung daramdamin ko ba iyon— pero bigo ka sapagkat hindi mo nalamang nilasap ko ang lahat ng iyon na tila ba sila ang  pinaka masarap na kombinasyon ng pagka-asim at pagka-tamis kung kaya ay nabusog ako.

At ngayon, sa pagkakakataong namulaklak na ang bawat pag-aalaga mo sa pagtaboy sa akin palayo— nananatili, tuwid parin akong nakatayo.

Hindi ka nagtagumpay na takutin ako sa sayo, ikaw ang natakot sa sarili mo— at narito lang muli ako, mahal ka ng buo.

A day in Jun3Where stories live. Discover now