Lumipas ang ilang linggo ay balik pa rin ang lahat sa dati. Naghahanapbuhay siya habang nag-aaral. At ang ina naman ay mukhang wala pa ring ipinagbago. Patuloy pa rin ito sa pagsermon, pagbugbog at pag-inom. Siguro nga ay tama ang kanyang kaibigan. Dapat na lang niyang ‘wag itong pansinin.
Kailangan na lang siguro niyang isipin kung paano maitataguyod ang sarili at ang kapatid….
Sa kasalukuyan ay abala siyang naglilinis ng bahay… Sa ganito man lang paraan ay baka sakaling hindi na niya marinig ang nakaririnding sermon ng ina… Pero maya-maya lang ay may naririnig siyang mga ingay na nagmumula sa labas…
“Ang prinsipe! Ang prinsipe!”
Na-curious agad siya kung ano ang kaganapan. Agad na siyang lumabas ng bahay…
Kathryn: Ate! Ano pong nangyayari?
“Ang prinsipe! Nasa bayan ang prinsipe!”
Tumatakbo ang kanilang kapitbahay habang sumisigaw. Kaya hindi na niya magawang makapagtanong pa ng ibang detalye. Ang pagtataka ay napalitan na ng labis na excitement…
Nagmamadali na siyang tumakbo papunta sa kaibigan… Humahangos na siya ng makarating sa ibaba ng puno…
Kathryn: DJ! DJ! Deejay!!!!
Walang sumasagot mula sa bahay nito. Pero naramdaman niyang may kumakalabit sa kanyang likuran…
DJ: O, anong sinisigaw sigaw mo jan?!
Kathryn: Kelangan mo akong samahan sa bayan!
Napakunot ito.
DJ: Bakit?!
Kathryn: Nasa bayan ang prinsipe!!!
Nagtatalon na siya dala ng sobrang excitement… Bahagya itong natitigilan…
DJ: N-Nasa bayan daw siya? Sinong… Sinong may sabi?
Kathryn: Sabi ng kapitbahay namin! Nasa bayan daw ang prinsipe!
DJ: At naniwala ka naman? Ano namang gagawin nun dito?
Kathryn: Kaya nga aalamin natin ‘di ba?! Kaya ‘wag ka ng tanong ng tanong! Tara na!
Hinawakan na niya ang kamay nito. Bagama’t mukhang ayaw ay nagpahila na rin sa kanya….
______________________________
Pagdating nila sa bayan ay napakarami na ngang tao na nagtitipun-tipon sa labas ng isang malaking bahay. Napansin niyang bahay iyon ng kanilang mayor….
Habang hawak pa rin ang kamay ni DJ ay pinilit nilang makihalo sa mga tao. Naghahanap siya ng paraan kung paano makikita ang kanina pa’y tinitingnan ng mga naroon. Malayong mas matangkad ang kaibigan sa kanya kaya may nasusulyapan na ito…
Kathryn: DJ! Anong nakikita mo?! Nasa labas ba ang prinsipe?!
Nakakunot pa rin ang noo nito at tila may pilit hinahanap…
DJ: Wala naman eh… Isang magandang sasakyan lang…
Kathryn: Baka…. Baka nasa loob siya ng sasakyan!
Nagkibit-balikat ito…
DJ: S-Siguro… Alam mo, buti pa uwi na lang kaya tayo… Ang daming tao eh!...
Kathryn: Ano ka ba, DJ?! Matagal ko ng hinihintay na makita ulit ang prinsipe… Kaya pwede ba ‘wag kang KJ!
“Ang prinsipe! Kumakaway ang prinsipe!”
Namimilog na ang mata niya… Ang kaibigan ay walang kahirap-hirap na nakatingin sa kinaroroonan ng prinsipe…
Kathryn: Uy! Nakikita mo ba?! Hindi ko makita eh!...
Tumatalon siya pero wala pa ring makita…
DJ: Ayun! Kumakaway lang naman...
Kathryn: Buhatin mo ako!
DJ: Huh?
Kathryn: Buhatin mo na ‘ko! Para makita ko ang prinsipe! Sige na!
Alam niyang hindi masaya ang kaibigan. Pero mas nangingibabaw ang excitement na nararamdaman niya. Atubili man ay pumunta na ito sa likuran niya at humawak sa magkabilaan niyang bewang saka siya inangat nang walang kahirap-hirap…
At tama nga ito… Naroon ang isang napakagarang sasakyan… Pero ang labis niyang napansin ay ang isang kamay na nakalabas sa bintana… Patuloy lamang iyon sa pagkaway… Pinilit niyang tingnan ang nasa loob… Bagama’t tinted ang bintana ay naaaninag niya ang imahe ng isang bata sa loob… Nakasuot iyon ng sombrero…
DJ: N-Nakita mo na ba?
Kathryn: Kamay lang niya eh!...
DJ: Huh? Anong kamay lang? Eh nakasilip lang siya sa bintana kanina ah!
Kathryn: Sumilip siya kanina?! Nakakainis naman eh! Bakit ayaw na niyang magpakita?!
Maya-maya lang ay may lumabas ng isang tao mula sa sasakyan…
“Kagustuhan ng prinsipe na makasalamuha kayong lahat… Ngunit mahigpit siyang pinagbabawalan ng mahal na hari… Pero sa takdang panahon ay magaganap ang pangyayaring iyon… Sa ngayon ay ikinalulungkot po namin…”
Hind rin nagtagal ay may mga lumabas ng ilang mga tao mula sa bahay ng mayor. Mukhang matataas ang posisyon ng mga iyon sa palasyo… Pumasok sila sa isa pang sasakyan at magkakasabay na ring umalis kasama ng sinasakyan ng prinsipe…
Laglag ang balikat niya sa kalungkutan… Ibinaba na rin siya ni DJ sa pagkakabuhat…
“Siguro kinakausap na nila si mayor sa kung sino ang mga babaeng pwedeng kandidato sa mga pipiliing kalahok sa paligsahan para sa prinsipe…”
“Pero hindi ba dapat 18 years old sila bago ganapin ang paligsahan na iyon?”
Narinig niyang pag-uusap ng dalawang babae…
“Syempre ngayong bata pa lang sila, sisimulan na nila ang proseso… Mahabang proseso talaga ‘yan… dahil ang mapipili ay magiging prinsesa natin pagdating ng panahon… at syempre magiging reyna na rin…”
“Sabagay… ”
Iritado na si DJ sa naririnig…
DJ: Kath, tara na!… Uwi na tayo…
____________________________
Habang naglalakad pauwi ay hindi pa rin siya umiimik….
DJ: Uy! ‘Wag ka na ngang mag-drama jan! Para lang ‘yun, ikakasira na ng araw mo?
Napasimangot siya…
Kathryn: Bihirang dumating ang mga pagkakataong tulad kanina… Saka huli ko siyang nakita nung 7years old pa lang ako sa parade… Ang tagal na nun…
DJ: Sus! Anong ang tagal na?! Eh tingnan mo nga ‘yung kwarto mo… Punung-puno ng mukha niya!... Hindi ka ba nagsasawa? Tuwing gigising ka, ‘yun ang una among nakikita!...
Hindi niya pinansin ang sinabi nito…
Kathryn: Buti ka pa… Nakita mo siya kahit saglit lang… Teka!... Ano pa lang itsura niya?! Gwapo ba, ha?! Makinis ba?!
Umiwas ito ng tingin…
DJ: Ewan… Siguro… Wala rin naman akong karapatang sabihing pangit siya ‘di ba?
Kung minsan ay nagiging insensitive na rin siya. At nakakalimutan ang sitwasyon ng kaibigan… Napatingin siya sa mukha nito…
Kathryn: Eto naman!… Wala naman akong ibang ibig sabihin sa tanong kong ‘yon eh!..
DJ: Alam ko…
Pero halatang malungkot ito…
Kathryn: Alam mo ba… kung minsan nagtataka ako kung bakit sinabuyan nila ng asido ‘yang mukha mo?
DJ: B-Bakit naman?
Kathryn: Gagawin lang ng ibang tao ‘yun… dahil baka may gusto silang burahin sa’yo…
Huminto ito sa paglalakad…
DJ: A-Anong ibig mong sabihin?
Kathryn: Siguro… Siguro ang gwapo-gwapo talaga ng mukha mo noh?!... P-Pero syempre gwapo ka pa rin naman ngayon…
Kung minsan likas na talagang matabil ang dila niya… Pero nakita niyang bahagyang ngumiti ito…
DJ: Tama ka… Kaya binuhusan nila ako ng asido… Marami kasing mga tao ang naaaliw sa akin… Sabi nila, gwapo daw ako paglaki ko…
Napangiti na rin siya…
Kathryn: Wow ha! Talaga lang ha?! Na-curious tuloy ako bigla!...
Sumulyap ito sa kanya habang nakangiti…
DJ: K-Kung hindi kaya naging ganito ang mukha ko… M-Mamahalin mo na kaya ako?
Nagbibiro ang tono nito…
Kathryn: Uhmmm… Pag-iisipan ko… Pag-iisipan ko pa…
Ganting-biro rin niya…
DJ: Talaga? Kahit papano, may pag-asa pala?
Nauna na siyang naglakad dito…
Kathryn: May pag-asa naman din talaga eh!… Siguro mga after 50years!…
Sinabayan pa niya iyon ng tawa… Pero naramdaman niyang tila hindi ito sumunod sa kanyang paglalakad… Kaya muli siyang lumingon…
Nakita niya nakatulala lang ito sa kanya…
Kathryn: DJ?... B-Bakit?
DJ: K-Kath, may… may naupuan ka atang marumi…
Kathryn: Huh?! Anong dumi? Hindi naman ako umupo kanina ah…
DJ: Eh kasi… Kasi… May kulay-dugo jan oh…
Itinuturo nito ang likuran ng kanyang palda… Kunot-noo siyang tiningnan iyon…At mulagat ang mga mata niya sa nakita… Hindi iyon kulay dugo lang… dahil dugo talaga ‘yon!…
Kathryn: DJ!!!
Lumapit na ito sa kanya… At hinawakan siya sa balikat…
DJ: A-Ayos ka lang ba?
Kathryn: DJ! M-Meron na ako!
DJ: H-Huh?... Ah… Oo… M-Mukha nga…
Hindi niya maipaliwanang ang iba’t-ibang nararamdaman… Naroon ang kaba, takot… at excitement…
Napansin niyang may mga ibang tao pang naglalakad sa paligid…
Kathryn: Takpan mo ako!...
DJ: Huh?
Kathryn: Dun ka sa likod ko… Para hindi nila makita!... Dali!...
Natataranta man ay mabilis siya nitong sinunod… Pumwesto lang ito ng ilang dipa sa kanyang likuran habang nagpatuloy sila sa paglalakad…
Paminsan-minsan ay sumusulyap siya… At nakikita niyang nakatingin ito sa kanyang palda…
Kathryn: Ano ka ba?! ‘Wag mong tingnan!...
Napapangiti naman ito…
_____________________________
Nang makarating na sila sa loob ng bahay ay mabilis na niyang tinungo ang banyo… Ang kaibigan pa mismo ang inutusan niyang bumili ng ginagamit para sa may mga buwanang dalaw…
DJ: Kath! Ayos ka lang ba?! Baka kailangan mo ng tulong jan?!
Narinig niya ang pagtawa nito kasama ng kanyang kapatid…
Matapos ang mahabang sandali ay lumabas na rin siya… Nadatnan niya ang dalawa sa sala na nagbubulungan… Nang makita siya ay agad din naglayo…
Kathryn: O, Anong pinagbubulungan niyo ha?!
May itinatagong ngiti ang mga ito…
Kathryn: Nash! Ano ‘yun?!
Nash: S-Sabi po kasi ni Kuya DJ, k-kong-kongrachuleyshons daw po…
Kathryn: Huh?! Bakit naman? Hoy DJ! Ano bang mga tinuturo mo dito ha?!
DJ: Wala naman eh…Ewan ko ba jan sa kapatid mo… Mukhang nagmana sa’yo…
Hindi pa rin maalis ang pilyong pagkakangiti nito…
Kathryn: Bakit ka ba ngiti ng ngiti jan?!
Lumapit ito sa kanya… At agad na pinisil ang dalawa niyang pisngi… Saka mabilis siyang hinalikan sa noo…
DJ: Dalagang-dalaga na ang mahal ko ah!...
Napangiti na rin siya…
Kathryn: Syempre naman noh!...
Pagmamayabang pa niya… Ngunit walang sabi-sabi ay niyakap siya nito… Mukhang nainggit naman ang kapatid kaya nakiyakap na rin…
Nash: Kongrachuleyshons ate!… Kongrachuleyshons!
Patuloy pa rin nitong sabi… Natatawa na lang siya sa pagkakayakap ng dalawa… Ngunit sa kanyang kalooban ay talagang masaya siya…
Bagama’t marami ng bagay ang hindi nasusubaybayan ng kanyang ina sa kanyang paglaki, naroon naman ang kaibigan na laging nakaalalay… Naroon lang ito parati sa kanyang tabi… At masaya siya… masaya siya dahil nakilala niya ito…….
_______________________________
Chapter 11: Six Years Later… ^__^
Your votes and comments mean a lot… Thanks!