A Fairytale's Mishap

By itsailsworld

1M 13.1K 3.2K

In the modern kingdom of Zanarkand, every young girl dreams of marrying the handsome prince someday and have... More

A Fairytale's Mishap
CHAPTER 1: Promises
CHAPTER 2: Meet The Bestfriend
CHAPTER 3: Bow And Arrow
CHAPTER 4: Thunder
CHAPTER 5: Bang! Bang! Bang!
CHAPTER 6: A Doll
CHAPTER 7: Five Years Later
CHAPTER 8: Wishing Star
CHAPTER 10: Kongrachuleyshons!
CHAPTER 11: Six Years Later
CHAPTER 12: You And I
CHAPTER 13: The Mishap
CHAPTER 14: Wounded
CHAPTER 15: Choices
CHAPTER 16: Forgive Me
CHAPTER 17: The Other Side
CHAPTER 18: Barbie
CHAPTER 19: Aquarium
CHAPTER 20: Cry Me A River
CHAPTER 21: He Hates Me?
CHAPTER 22: Reminds Me Of You
CHAPTER 23: Banana Pancakes
CHAPTER 24: Hate That I Love You
CHAPTER 25: To Leave Or To Stay
CHAPTER 26: Just Breakfast
CHAPTER 27: Day-Off
CHAPTER 28: The Lecture
CHAPTER 29: Folk Dance
CHAPTER 30: Unfair
CHAPTER 31: Mine
CHAPTER 32: Forever
CHAPTER 33: Dinoflagellates
CHAPTER 34: The Plan
CHAPTER 35: The Tournament (Part 1)
CHAPTER 36: The Tournament (Part 2)
CHAPTER 37: The Tournament (Part 3)
CHAPTER 38: The Finish Line
CHAPTER 39: Goodbye
CHAPTER 40: Change
CHAPTER 41: Flight 347
CHAPTER 42: Escape
CHAPTER 43: Sunrise
Announcement
A Fairytale's Mishap (Book 2)
CHAPTER 1: Cheesy Or Sweet
CHAPTER 2: Three Points
CHAPTER 3: Bubble World
CHAPTER 4: Bare Feet
CHAPTER 5: Flow
CHAPTER 6: Save Me
CHAPTER 7: Deal
CHAPTER 8: Food Tray
CHAPTER 9: GT311
CHAPTER 10: Tryon
CHAPTER 11: Lady
CHAPTER 12: Apartment
CHAPTER 13: Canteen
CHAPTER 14: Swings
CHAPTER 15: Say My Name
CHAPTER 16: Royalty
CHAPTER 17: Threatened
CHAPTER 18: Night Sky
CHAPTER 19: Agreement
CHAPTER 20: Underground
CHAPTER 21: The Fight

CHAPTER 9: Smile

19.4K 204 45
By itsailsworld

Isang umaga, hindi pa man siya gaanong naaalimpungatan ay dinig na dinig na niya ang mga panenermon ng ina mula sa ibaba ng bahay…

Nanay: Ikaw bata ka! Wala ka na lang bang ibang inaatupag kundi puro laro ha! Lagi ka na lang laro ng laro!

Hindi naman tumitigil mula sa pag-iyak ang kapatid. Mukhang pinapalo na naman ito…

Nanay: Pagkatapos kong mapagod sa trabaho, ganito pa ang madadatnan ko! Ang dumi-dumi ng bahay! Wala pang nalutong pagkain! Leche namang buhay ‘to!

Narinig niya ang magkakasunod na hampas na lalo namang ikinalakas ng iyak ng kapatid…

Nash: Nanay! Tama na po!

Nanay: Bakit hindi ka nagsaing ha?! Bakit wala man lang makain?! Anong ginawa niyong magkapatid ha?!

Mabilis na siyang bumaba…

Kathryn: Nay! Tama na po!

Lumingon sa kanya ang ina. Mabilis siya nitong nilapitan saka agad pinagsasabunutan…

Kathryn: Aray! ‘Nay tama na po!!!

Pilit niyang inaalis ang mga kamay nito sa kanyang buhok pero sadyang mas malakas ito…

Nanay: Isa ka pa eh! Bakit ang dumi-dumi ng bahay?! Bakit wala kang hinandang pagkain?! Eh alam mong ngayon ako darating! Talaga bang nanadya kang bruha ka! Ha?!

Kathryn: Pano ako magluluto eh wala naman po kayong iniwang pambili?!

Paminsan-minsan ay natututo na rin siyang lumaban…

Nanay: At talagang sumasagot ka pa ha?! Eh san napupunta ‘yung mga kinikita mo?! Ipinagdadamot mo na ba pati ‘yon?!

Lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang buhok…

Kathryn: Pero sapat  lang po ‘yun para sa baon namin ni Nash, ‘nay!

Nanay: Eh anong kwenta ng mahal mong kaibigan?! Balita ko malaki na raw kumita! Bakit hindi mo gamitin ‘yang utak mong bobo ka!

Marahas pa nitong dinuro ang kanyang ulo…

Kathryn: Mas gugustuhin ko naman pong maging bobo kesa maging walang-hiya! Mas tumutulong pa nga po si DJ kesa sa inyo eh! Oo! Nagtratrabaho nga kayo! Pero ni hindi man lang kayo magbigay! Lagi na lang sa walang kwentang alak niyo pinupunta!

Magkakasunod na sampal ang kanyang nakuha…

Nanay: Anong tingin mo jan sa ginagawa mo ha?! Lapastangan kang bata ka! Walang-hiya ka! Matapos kitang ipanganak ganyan pa ang isusukli mo!!! Wala kang utang na loob!

Patuloy na siyang umiiyak…

Kathryn: ‘Yun lang naman ang ginawa niyo eh! Ipinanganak niyo lang kami! Kung ‘yun lang ang magiging utang na loob namin, sana pinalaglag niyo na lang kami!!!

Isang sampal ang dumapo sa kanyang pisngi. Sa sobrang lakas ay naibaling patagilid ang kayang mukha…

Nanay: Wala kang kwentang anak!... Lumayas ka!... Lumayas ka sa harapan ko!

Muli siya tumingin dito…

Kathryn: Alam mo, ‘nay… Minsan hinihiling ko… Sana hindi na lang nagkasakit si tatay… Sana hindi na lang siya namatay… Sana andito pa siya… Para kahit papano… maramdaman man lang namin kung paano magkaroon ng isang magulang…

Natigilan ito sa sinabi niya… Sinamantala na niya iyon para makalabas ng bahay at mabilis nang tumakbo…

Sunud-sunod na sa pagtulo ang mga luha niya. Pero hindi niya ‘yon alintana… Pakiramdam niya, mapapanatag lamang ang kalooban niya pag nakita ang kaibigan…

______________________________

Sunud-sunod na katok ang ginawa niya sa pintuan… Pagkabukas ay tila kagigising pa lamang ni DJ… Pero halatang nagulat ito ng makita siyang umiiyak…

DJ: K-Kath?... Anong nangyari?

Mabilis niya itong niyakap… Saka nagpatuloy siya sa paghagulgol… Naramdaman niyang yumakap na rin ito…

DJ: Tahan na… Tahan na, Kath…

Kathryn: Lagi na lang niya kaming sinasaktan… Pagod na pagod na ‘ko, DJ….

DJ: Sshhh… Tahan na…

Matagal lamang sila sa ganoong posisyon… Patuloy lamang siya nitong inaalo… Iyon ang gusto niya dito… Sa ilang taon nilang magkaibigan, lagi niya itong sinasandalan sa tuwing pinapaiyak siya ng ina… Tila ba dito siya humuhugot ng panibagong lakas…

Matapos nilang magyakap ay hinawakan na nito ang kamay niya at pinaupo siya sa kama… Saka dahan-dahang dinama ang kanyang pisngi… Mukhang nakikita nito ang lamat ng sampal… at halatang galit ito…

Agad itong tumayo at may kinuha sa kung saan… Pagbalik ay may hawak ng basang tela… Marahan iyong pinahid sa kanyang pisngi…

Kathryn: A-Aray…

DJ: Tiisin mo lang… Makakabuti ‘to…

Malamig ang basang tela… At tama nga ito, hindi nagtagal ay mukhang naiibsan kahit papano ang hapdi… Hindi pa ito nakuntento at kumuha pa ng suklay…

DJ: Grabe naman ‘yang nanay mo…  Gusto ka pa atang gawing bruha eh…

Nasa likuran niya ito at unti-unting sinusuklay ang pagkakabuhol sa kanyang mahabang buhok… Patuloy lang siya sa paghikbi…

DJ: Uy, Tama na… ‘Wag ka ng umiyak… Alam mo namang nalulungkot din ako ‘pag umiiyak ka eh…

Matapos siyang suklayin ay umupo na rin ito sa tabi niya saka siya inakbayan…

DJ: Uy! Kathryn!

Lumingon siya… Ngumiti naman ito at pinunasan ang mga luha niya…

DJ: ‘Wag mo ng pansinin ‘yung nanay mo… Hayaan mo na ‘yun… Matanda na kasi kaya nagiging bugnutin na…

Natawa ito sa sinabi…

DJ: Ngiti ka na… Uyyy! Ngingiti na ‘yan…

Malungkot pa rin siyang nakatingin dito…

DJ: Kath, ngiti ka na oh!... Sige ‘pag hindi ka ngumiti, hahalikan kita!

Kunyari ay tinutusuk-tusok pa ng hintuturo nito ang kanyang pisngi… Patuloy siyang tinutukso… Maya-maya lang ay napapangiti na rin siya…

DJ: O! Bakit ka ngumiti?! Dapat hindi ka na lang ngumiti! Kainis naman eh! Pano na kita mahahalikan nyan?!

Halata na namang nagpapa-cute ang kaibigan. Pero alam niyang masaya na ito dahil nagawa na naman siyang mapangiti…

__________________________

Before turning to the next chapter, I would love to hear your comments… ^__^

Continue Reading

You'll Also Like

185K 12.3K 56
| COMPLETED | METRO MANILA, PHILIPPINES YEAR 2051 Kaya mo bang lumaban para mabuhay? O magiging duwag ka hanggang sa mamatay? Kaya mo bang makatakas...
815K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
1.2K 272 3
Có tin đồn lớn! Sakura Haruka có bạn gái rồi! Thậm chí còn ôm hôn nữa cơ!!! Mạc Kỳ Khuê Đăng tải trên nền tảng Wattpad và Face ở page: Lạc vào biển C...
10.6K 377 69
neardy type na mahilig magbasa ng novel about reincarnation ngunit paano kapag napunta Siya sa pinaka favorite niyang libro?... nanaisin niya pa bang...