Beautiful Eyes (GxG)(Lesbian...

By Chienk21

346K 7.4K 354

Ang mga mata niya, napanganga nalang ako tapos yung smile at ang boses niya.. Nawala nalang ako bigla sa sari... More

Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Credits

Chapter 8

9K 205 9
By Chienk21

Hailey's POV


Nag-uusap na ng maige si Yuri at Lilian na parang mga matatalik na kaibigan. Feeling close naman kasi itong si Yuri eh at parang napilitan lang naman din  itong si Lilian. Halatang mabait lang talaga ito.


Napa-isip din ako kung paano ko sila mapapalapit ni Andy.


"Hey, mukhang malalim iniisip mo diyan ha? puna sa akin ni Andy.


"Yeah at alam ko matutuwa ka sa naiisip ko at pati mga kabanda natin" ngiti ko sa kanya.


"At ano naman yun H?"


"Alam ko na kung paano pakakalmahin itong tigre ng banda" nguso ko sa direksyon ni Yuri.


"Paano?"


"Pasalamat kayo at genius ako, nasa harapan lang pala natin ang sagot"


"So, ano nga?"


"Hindi ano kung hindi sino?" pambibitin ko pa sa kanya at ngumusong muli sa direksyon nila Yuri.


"Si Lilian?" puzzled na sabi niya.


"Yup, nagets mo din, kung napapansin mo, kagabi pa lang sila nagkakilala at ang gaan-gaan na agad ng loob nito at bihira lang natin makitang ngumiti yang si Yuri. Isa pa, nagiging kalmado siya tuwing nandyan si Lilian, hinintay ko na nga na sumabog siya kanina pero nakita niya lang si Lilian, kumalma nalang bigla" mahabang eksplanasyon ko sa kanya.


"May tama ka H pero sa tingin ko may iba pang rason ng pagiging malapit niya dito."


"Ha?" ako naman ngayon ang walang clue sa sinasabi niya.


"Sa tingin ko dapat na nating pag-usapan ang tungkol kay Faith, iniwasan niyo laging dalawa ang topic na yun. It's about time na i-open ang topic na yun" dugtong pa nito.


"Anong ibig mong sabihin?"


"Iiwasan mo pa rin ba hanggang ngayon H? Sa tingin ko nakikita ni Yuri ang character ni Faith kay Lilian at alam kong alam mo ang ibig kong sabihin. Namiss na niya yung bestfriend niyang si Faith at nakikita niya yun sa katauhan ni Lilian" seryosong eksplanasyon sa akin ni Andy. Alam ko ang ibig sabihin ng sinabi nito pero pilit kung iniiwasan yun. Hindi mo aakalain na si Andy ang kausap ko ngayon, minsan lang kasi magseryoso ito at tagos na tagos ang lahat ng sinabi niya sa akin ngayon.


"Please huwag ngayon Andy" pakiusap ko sa kanya at iwas ko sa topic. Napabuga nalang ito ng hangin para pagbigyan ako.


"Salamat" pilit na ngiti sa kanya. Nagsimula na akong ihanda ang kailangan para sa practice namin. Nagsimula na din siyang magpraktis ng mahina lang sa kanyang keyboard.


"Hoy mga bugok, tumulong nga kayo dito!" sita at sigaw ko naman sa iba pang miyembro ng banda. Paeasy-easy lang kasi ang mga ito. Si Richard, Nelson at Mike nakikipag-flirt lang naman sa mga babaeng fans ng banda. Si Oliver naman natutulog lang sa bakanteng upuan habang may earphone sa tenga nito at naka-shades pa. Ayoko naman gisingin ito, yung mga bugok nalang baka masuntok pa ako, ka-babae kong tao pagsinuntok ako nito siguradong sa hospital ang punta ko. Iba kasi ito pag-ginigising nanununtok. Sabi nga sa kasabihan diba! 'Biruin mo lang ang lasing huwag lang ang bagong gising'.


Tinulungan naman ako ng mga bugok kong kabanda. After 15 mins. natapos din kami sa paghahanda. Naglakad naman ako papunta sa kanila ni Yuri para maumpisahan na din ang practice.


Halata namang napilitin lang si Lilian na makipag-usap ng matagal kay tigre. Ang bait lang talaga nito.


"Sige una na ako Yuri, mukhang nakakaistorbo na ako sa inyo, magsisimula na yata yung practice niyo" pagpapaalam naman nito kay Yuri.


"Hindi naman Lil, ang saya mo ngang kausap eh, manood ka nalang ng practice namin, siguradong mag-eenjoy ka promise!" pigil naman nitong si tigre.


"Hay, naku Yuri, pabayaan muna si Lilian, obvious naman na kanina pa niya gustong umalis eh at tsaka paano mo nasabing  na-enjoy niya yung pakikipag-usap mo sa kanya? Halos ikaw lang naman ang nagsasalita sa whole conversation niyo at ang masaklap pa halatang-halata na hindi siya makarelate sa sinasabi mo" sabat ko sa usapan nila.


"Anong sabi mo?" nakapameywang at nakataas na kilay na tanong niya sa akin.


"Sabi ko nga manood ka muna Lilian ng practice namin. Siguradong mag-eenjoy ka at sa boses ba naman ni Yuri sinong mabobore sa pagkanta niya right?" baliktad ko naman sa sinabi ko at ngumiti ng pilit kay tigre kasi mukhang papatay na ito kung makatitig sa akin ng matalim eh.


"Good, sige na Lil, please..please...." wow maka-Lil naman itong si Yuri parang matagal na silang magkaibigan.


"Okay, pero mga 15 mins. nalang ha? Patay ako kay best nito eh! Sure ako kanina pa yun naghihintay sa akin" pagsang-ayon nalang nito kay Yuri. Ang bait niya talaga, nakita ko naman ang lungkot sa mata ni Yuri pagbanggit ni Lilian sa bestfriend niya pero hindi niya pinakita yun at sa halip ay niyakap lang nito si Lilian. Nagulat naman ito sa biglaang pagyakap sa kanya at tumingin sa akin ng nakakunot ang noo pero gumanti nalang ito ng yakap. Nagkibit lang ako ng balikat at ngumiti sa kanya.


"Thanks talaga Lil, your the best!"

*****

A/N: Ano kayang topic ang iniiwasan nila Yuri at Hailey? At sino naman si Faith?

Thanks for the reads guys :])

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 80.4K 40
~ COMPLETED ~ Started: June 10, 2021 Ended: July 24, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 **** UNEDITED ****
47.9M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
1.5M 44.3K 23
~ COMPLETED ~ Side story 1 of Sweet Surrender 🦋 Started: July 24, 2021 Ended: October 30, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****
1.7M 55.2K 30
~ COMPLETED ~ Side Story 2 of Sweet Surrender 🦋 Started: October 23, 2021 Ended: March 05, 2022 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****