A Fairytale's Mishap

By itsailsworld

1M 13.1K 3.2K

In the modern kingdom of Zanarkand, every young girl dreams of marrying the handsome prince someday and have... More

A Fairytale's Mishap
CHAPTER 1: Promises
CHAPTER 2: Meet The Bestfriend
CHAPTER 3: Bow And Arrow
CHAPTER 4: Thunder
CHAPTER 6: A Doll
CHAPTER 7: Five Years Later
CHAPTER 8: Wishing Star
CHAPTER 9: Smile
CHAPTER 10: Kongrachuleyshons!
CHAPTER 11: Six Years Later
CHAPTER 12: You And I
CHAPTER 13: The Mishap
CHAPTER 14: Wounded
CHAPTER 15: Choices
CHAPTER 16: Forgive Me
CHAPTER 17: The Other Side
CHAPTER 18: Barbie
CHAPTER 19: Aquarium
CHAPTER 20: Cry Me A River
CHAPTER 21: He Hates Me?
CHAPTER 22: Reminds Me Of You
CHAPTER 23: Banana Pancakes
CHAPTER 24: Hate That I Love You
CHAPTER 25: To Leave Or To Stay
CHAPTER 26: Just Breakfast
CHAPTER 27: Day-Off
CHAPTER 28: The Lecture
CHAPTER 29: Folk Dance
CHAPTER 30: Unfair
CHAPTER 31: Mine
CHAPTER 32: Forever
CHAPTER 33: Dinoflagellates
CHAPTER 34: The Plan
CHAPTER 35: The Tournament (Part 1)
CHAPTER 36: The Tournament (Part 2)
CHAPTER 37: The Tournament (Part 3)
CHAPTER 38: The Finish Line
CHAPTER 39: Goodbye
CHAPTER 40: Change
CHAPTER 41: Flight 347
CHAPTER 42: Escape
CHAPTER 43: Sunrise
Announcement
A Fairytale's Mishap (Book 2)
CHAPTER 1: Cheesy Or Sweet
CHAPTER 2: Three Points
CHAPTER 3: Bubble World
CHAPTER 4: Bare Feet
CHAPTER 5: Flow
CHAPTER 6: Save Me
CHAPTER 7: Deal
CHAPTER 8: Food Tray
CHAPTER 9: GT311
CHAPTER 10: Tryon
CHAPTER 11: Lady
CHAPTER 12: Apartment
CHAPTER 13: Canteen
CHAPTER 14: Swings
CHAPTER 15: Say My Name
CHAPTER 16: Royalty
CHAPTER 17: Threatened
CHAPTER 18: Night Sky
CHAPTER 19: Agreement
CHAPTER 20: Underground
CHAPTER 21: The Fight

CHAPTER 5: Bang! Bang! Bang!

21.2K 205 26
By itsailsworld

Lumipas ang ilang buwan ay labis na nga niyang naging matalik na kaibigan si DJ… Gustung-gusto niya lagi itong nakakasama dahil marami itong naiisip na ideya sa kung ano ang mga lalaruin nila… Dati ay masaya na siya sa pakikipaghabulan lang sa mga kalarong kapitbahay o kaklase… Pero ngayon ay tila naiinip na siya sa ganoong mga laro… At kahit tawagin pa siya ng mga ito ay pilit na siyang tumatanggi…

Kathryn, bakit ayaw mo ng makipaglaro sa amin?

Tanong iyon ng isa niyang lalaking kaklase habang naglalakad na sila pauwi galing paaralan…

Pano kasi meron na siyang kalarong iba… at siguro naaaliw siya dahil mukhang halimaw ‘yun!

Nagtatawanan ang mga iba pa… Ilang beses na niyang naririnig sa ibang mga bata na halimaw daw ang kaibigan niya. Labis siyang nasasaktan sa tuwing sinasabi nila iyon. Kaya hindi lang iisang beses na nakikipag-away siya dahil doon…

Pero sa pagkakataong ito ay pinili na niyang ‘wag makipag-away. Nangako kasi siya kay DJ na hindi na siya muling makikipagsuntukan pa… Kaya nagbibingi-bingihan na lang siya habang binibilisan na ang paglalakad…

Pagdating niya sa loob ng bahay ay agad na siyang nagbihis ng pambahay na damit. Sasamantalahin niya ang pagkakataong iyon dahil nasa bayan ang kanyang ina at kapatid… Mabilis na niyang tinungo ang daan patungong kagubatan…

Natitiyak niyang naghihintay na roon ang kaibigan… Bagama’t magka-edad lamang sila ay hindi na nakapag-aral ito. Kung tutuusin ay makakaya naman sana nitong tustusan ang sarili sa mga gastos sa pag-aaral dahil sapat na rin ang kinikita nito mula sa pangangaso…

Pero napansin niyang sadya atang may katamaran ito sa pag-aaral… Kaya mas pinili na nitong ‘wag pumasok. Pinipilit din naman niya itong turuan kung minsan. Nakikinig din naman. Pero nakikita niyang parati itong naghihikab…

Nang malapit na siya sa bangin ay agad na niyang natanawan ang tinitirhan nito. Habang tumatagal ay mas nagmumukhang maayos na ang bahay dala na rin ng mga ilang pagbabago…

Kathryn: DJ!... DJ!...

Patuloy niyang sigaw sa baba ng puno… Hinihintay niyang ibaba nito ang hagdanang gawa sa tali…

DJ: Umakyat ka na!

Base sa pinanggagalingan ng boses ay wala ito sa loob ng bahay… Mukhang nakatago nanaman ito sa iba pang malalaking puno na nasa paligid…

Kathryn: Ibaba mo na muna ‘yung hagdan!

DJ: ‘Di ba sabi ko ‘wag kang masanay na ‘yun ang ginagamit?! Akyatin mo na!

Kathryn: Eh nakapalda ako eh!

DJ: Bakit kasi nagpalda ka?! ‘Di na bale… Tayo lang naman andito eh!

Ang alam kasi niya ay hindi sila aakyat sa mga puno… Pero tila iyon ata ang gusto nitong laruin ngayon… Hindi na siya nagdalawang-isip pa… at nagsimula na niyang akyatin ang malaking puno na wala man lang masyadong makapitang sanga… Mukhang mahirap ang pag-akyat… Ngunit may mga itinuro itong pamamaraan…

Dati-rati ay ni hindi man lang siya nagsusubok na gawin ang bagay na ‘yon. Pero nang makilala niya ito ay napakarami na nitong mga itinuturo… Gaya na lamang ng pagpapa-apoy gamit ang mga ilang natuyong dahon at piraso ng kahoy…

Maging ang pag-tumbling o kaya ang tahimik na pagsisid sa tubig ay itinuro rin nito sa kanya… Labis siyang natutuwa sa mga bagong natuklasan… At utang na loob niya ang lahat ng iyon kay DJ…

Nang makatuntong na siya sa isang malaking sanga ay pilit niya itong hinahanap…

Kathryn: Nakaakyat na ‘ko! Nasan ka ba?!

DJ: Hanapin mo ako!

Alam niyang gumagalaw ito habang nagsasalita. Tila tumatalon ito sa mga sanga-sanga ng puno…

DJ: Kath! May hawak akong baril! Magtago ka na! ‘Pag nakita kita… babarilin kita!

Napangiti siya sa sinabi nito. Tinutukoy nito ang laruang baril na binili nito sa bayan. Dalawa ang binili nito… para tig-isa raw sila….

Mabilis na niyang tinungo ang loob ng maliit na bahay nito at hinanap ang isa pang baril…. Nang makita iyon ay agad na niyang kinuha at lumabas na rin siya… Pakiramdam niya ay may tunay talaga siyang baril na hawak…

Nagsimula na rin siyang umakyat pa sa ibang mga sanga ng puno… Napakadali na lang niyang nagagawa iyon nang walang anumang pangamba kung mahuhulog ba siya…

Base sa mga naririnig na hampas ng mga dahon at langitngit ng mga sanga ay tila alam na niya kung nasaan ang kaibigan… At tama nga siya sa napuntahang direksyon dahil natanawan na niya ito sa ‘di kalayuan… Pero ikinainis niya dahil mukhang ito ang unang nakakita sa kanya…

DJ: Bang! Bang! Bang!

Nakatutok na ang baril nito sa kanya habang pinapaputok nito iyon… Kunyari ay umiwas naman siya… At nagsimula na rin siyang magpaputok…

Kathryn: Bratatatatatatat!!!!!

Nagtago ito sa isang puno… Maging siya ay ‘yun din ang ginawa… Muli silang naghulihan at nagpatuloy sa ginagawa… Matagal na ganoon lamang sila… Magtatago… tatakbo…. Tapos ay magbabarilan…

Pero maya-maya ay nakaramdam na rin siya ng pagod…

Kathryn: DJ! Ayoko na! Tama na! Pagod na ‘ko!

DJ: Sige! Mauna ka na sa bahay!… Susunod na rin ako! Ako ng bahala sa ibang mga kalaban!

Sinunod naman niya ang sinabi nito… at tinungo na ang tirahan… Nang makarating siya sa labas noon ay pasalampak na muna siyang umupo sa isang malapad na sanga… habang patuloy lang sa paghingal…

Kathryn: DJ! Lika na dito!

Pero hindi pa rin ito nagpapakita…

Kathryn: Ano ba?! Ang tagal mo naman eh!

Mula sa kung saan ay bigla na lang itong lumitaw… Hawak pa rin nito ang baril at mukhang babarilin siyang muli…

DJ: Bang! BANG!...

Napatigil saglit ito at tila namamalikmata sa nakita. Pero agad rin na nakabawi…

DJ: Bang! Bang! Bang! Kita ko ‘yung panty mo!!!! Babarilin ko ‘yung nandun! Bang! Bang! Bang!...

Hindi na niya napansin na nakabukaka nga pala siya at nakapalda… Agad niyang inayos ang pagkakaupo…

Kathryn: Bastos! Ang bastos-bastos mo talaga!!! Nakakainis ka na!!!

Nakangiti ito habang inilalagay ang baril sa bulsa.

DJ: Hindi ko naman kasalanan na makita ko eh… Dapat ikaw nga ‘tong nag-ayos sa pagkakaupo…

Kathryn: Pero kahit na! Dapat sinabi mo na lang! Kesa yung babaril-barilin mo pa!!!... I hate you!...

Tumalikod na siya dito habang naka-abrisiyete ang mga kamay sa dibdib…

DJ: Sus! May pa- I hate you, I hate you ka ng nalalaman ngayon ah!...Eto naman! Sorry na!...

Hindi na niya ito pinapansin. Nakatalikod pa rin siya. At kahit nang magpatuloy na ito sa pagkukwento ng kung anu-ano ay hindi pa rin niya ito kinikibo…

DJ: Grabe ka naman, Kath! Ang tagal mo namang magtampo ngayon… Sabi ko sorry na nga eh…

Nagmatigas pa rin siya…

DJ: Uy, Kath.. Kath… Kathryn, sorry na…

Kathryn: I hate you!

Hindi na ito umimik pa. Pero naramdaman niyang umalis ito sa pagkakaupo sa likuran niya. Hindi nga lang niya alam kung saan ito nagsuot…

Ilang sandali na ang lumipas ay hindi pa rin ito nagbabalik. Labis na siyang nagtataka. Kaya lumingon na rin siya sa kung saan-saan. Pero hindi na niya maramdaman na nasa paligid pa ito…

Kathryn: DJ?!... DJ?!...

Nagsimula na siyang magtawag. Pero walang sumasagot… Naisip tuloy niyang baka nasaktan ang kaibigan sa sinabi niya… Kung tutuusin din naman kasi siya ang may kasalanan eh… Dapat talaga nag-iingat siya…

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang may makita siyang bumababang isang napakagandang bulaklak… Nakatali iyon sa isang lubid at tila may naghahawak sa itaas…

Agad naman niyang tiningnan kung sino ang may gawa niyon. Paglinga niya ay nakita niya ang kaibigan na nakadapa sa isang mas mataas na sanga… Nakatingin ito sa kanya habang hawak-hawak ang mahabang lubid…

DJ: Sorry na oh… Bati na tayo…

Bahagya siyang umirap. Saka muling ibinaling ang tingin sa kulay-pulang bulaklak. Alam niyang sa tuktok lamang ng isang puno maaaring makuha iyon. At base sa tangkay nito ay mukhang kapipitas pa lamang…

DJ: Kath, bati naman na tayo oh…

Napabuntung-hininga siya... Kinuha niya ang lubid at pinigtas iyon para mahawakan na niya ang bulaklak… Pagkahawak ay agad niya itong inamuy-amoy…

DJ: Ayan! Bati na ulit kami!

Nakatingin lang siya sa bulaklak at hindi pa rin umiimik. Kahit kailan talaga… tila ang mga bulaklak ata ang kahinaan niya…

DJ: Kath! Hindi mo na ako hate ‘di ba?... ‘Di ba love mo na ulit ako?..

Luminga na siya dito. At nakita niyang naghihintay talaga ito ng kasagutan…

Kathryn: O, sige na nga… Bati na tayo…

Bahagya itong napangiti…

DJ: Love mo na ulit ako?

Bilang kasagutan ay magkakasunod na tango ang ibinigay niya dito habang maluwang ng nakangiti….

______________________________

Hope you leave your votes and comments… ^__^

Continue Reading

You'll Also Like

1.6K 110 58
"Kapag ba hindi tayo nagkita ulit, hahayaan mo ba ako na hanapin ka?"
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
185K 12.3K 56
| COMPLETED | METRO MANILA, PHILIPPINES YEAR 2051 Kaya mo bang lumaban para mabuhay? O magiging duwag ka hanggang sa mamatay? Kaya mo bang makatakas...
338K 7.6K 33
Bored ako