Invisible

By michiimichie

13.1K 308 49

what if tanungin ka ng pinakamamahal mo na ganito, "Pwede bang si *insert name ng ibang girl* ka na lang? Can... More

Invisible
INVISIBLE 1: (ALEX)
INVISIBLE 2: (ALEX)
INVISIBLE 3: (ALEX)
INVISIBLE 4: (AINA)
INVISIBLE 5: (AINA)
INVISIBLE 6: (AINA)
INVISIBLE 7: (ALEX)
INVISIBLE 8: (AINA)
INVISIBLE 9: AINA
Invisible 10: AINA
Invisible 12: AINA
Invisible 13: ALEX
Invisible 14: ALEX
Invisible 15: ALEX
Invisible 16: AINA
Invisible 17: AINA
Invisible 18: ALEX
Invisible 19: AINA
Invisible 20: AINA
Invisible 21: AINA
Invisible 22: AINA
Invisible 23: AINA
Invisible: Epilogue

Invisible 11: LEO

337 9 0
By michiimichie

Napahigpit ang hawak ko sa baso nang umalis na sina Aina at Alex sa bar counter kung saan ako naruruon.

Boyfriend?  Paanong naging boyfriend niya agad si Alex?  Parang ang bilis naman 'ata.  The other day ay nakita ko pa siyang umiiyak sa labas ng room niya dahil sa gagong lalaking 'yon. Tapos ganito?

Napabuga ako ng hangin at inisang lagok ang shot na hawak ko. Sinalinan ko pa ulit ang shot glass at ininom ulit. Ramdam na ramdam ko ang init ng alak nang dumaan sa lalamunan ko pero ramdam na ramdam ko rin ang sakit sa dibdib ko. Ang kirot sa puso ko sa mga nasaksihan ko kanina.

Sh¡t!  Sh¡t!  Anong nangyayari?  Why all of a sudden Alex and Aina kissing in front of me?  At ipapakilalang boyfriend niya ito?  Fvck!  Are they fvcking kidding me?

Napasabunot ako sa buhok ko.  Hindi ko alam ang iisipin ko.  Nagseselos ako, oo pero si Aina, okay lang ba siya para tanggapin agad si Alex bilang boyfriend? Oo, mahal na mahal niya ito pero for fvcking sake! Alam ng lahat that Alex is not into her! Malabong sa loob lang ng isang araw ay nagising na lang si Alex na mahal na niya pala si Aina. Hindi nila ako maloloko.

"Fvck! Fvck!"

"Hey, Dude!"

Napalingon ako sa lalaking tumawag sa akin at umupo sa stool kung saan nakaupo kanina si Aina.  "Bakit andito ka?"

Ngumiti si Drew.  "Problema mo?"

Huminga muna ako ng malalim.  "Tell me, Drew, do you know that Aina and Alex are in a relationship?"

Hindi siya agad nakasagot.  "I didn't know. Alex didn't tell me anything and Aina didn’t say a word."

"Here."  I offer a shot for him.

"Thanks," he said.

"Aina left with Alex."  I said.  "Para akong natanga nang makita ko sila kanina.  Wala man lang nakaalam sa atin na sila na.  Akala ko ba hindi pinapansin ni Alex si Aina?  Anong nangyari?"

Hindi siya sumagot.  Siguro mahirap para sa kanya ang sumagot dahil kaibigan niya rin si Alex. O siguro clueless din siyang katulad ko.

Napahinga ako ng malalim at humarap kay Drew.  "Pwede bang kausapin mo si Alex?  Tanungin mo kung ano ang meron sa kanila ni Aina.  Kung talagang gusto niya si Aina."

Napangiti ng mapait si Drew.  Ininom niya ang shot na binigay ko sa kanya kanina.  Tumingin lang siya sa harapan niya.  "I don't think Alex will tell me what's with them."

"Can you at least try?"

Umiling siya.  "I don't want.  Alam mong hindi ako nakikialam sa lovelife ng mga kaibigan ko, ninyo."

Napabuga ako ng hangin.  "Kahit kaibigan mo pa siya, hindi ko siya mapapatawad kapag pinaiyak niya si Aina.  Bawat luhang tutulo sa mga ni Aina ay dugo ang katumbas niyon."

Tiningnan lang ako ni Drew ng walang karea-reaction.  Napangiti na lang ako ng lihim sa inaasal ni Drew.  Hindi iisipin ng ibang tao na kaibigan namin siya dahil kahit sa ganitong situation ay wala pa rin siyang pakialam.  Ang hirap basahin ng taong ito.

--

Laging pumupunta tuwing gabi sa bar si Alex to be with Aina.  Minsan nakikisalamuha siya sa amin, nakikipag-inuman.  He's too clingy.  Lagi siyang nakaakbay kay Aina o kung hindi naman ay nakahawak sa kamay.  At sa tuwing nakikita ko silang magkadikit ay gusto kong itulak si Alex at ilayo kay Aina.  Gusto kong baliin ang kamay nitong nakahawak kay Aina.  Gusto kong paduguin ang nguso nitong humahalik kay Aina.

Fvck!  I'm fvcking jealous at hindi man lang iyon napapansin ni Aina.  Oh crap!  Kahit kailan naman ay walang pakialam si Aina sa nararamdaman ko.

Pero I know, there's something in their relationship.  Aalamin ko iyon.  Hindi ako naniniwalang in a relationship na sila in just two nights.

"Hey," agaw pansin ni Edward.  "Baka matunaw silang dalawa."

Sinamaan ko lang ng tingin si Edward at iniiwas ko na ang tingin kila Aina at Alex. Masyadong masakit.

"Iinom mo lang 'yan!"  Malakas na sabi pa niya at ibinigay sa akin ang isang bote ng Johny Walker.

"Maka-offer ka ng iinom, sa atin naman ito."

Natawa lang siya.  "Let's drink!"

"Parang ikaw itong may pinagdadaanan ah!"  Pang-asar ko naman sa kanya.

"Well, alam nating hindi ko nararanasan iyang mga nararanasan ko.  Sabi ko naman kasi sa 'yo, don't stick with Aina. Alam naman nating she's not into you, dude.  Ang daming magagandang pumupunta rito sa bar para magpalipas ng oras.  Maraming babaeng hindi nangangailangan ng comitment. You just have to choose and pick one."

Sinapak ko siya na nailagan niya naman agad.  "Fvck you!  Igaya mo pa ako sa 'yo!"

Natawa lang si Edward.  "But seriously, Leo. Walang mapapala 'yang love mo para kay Aina.  Tingnan mo naman siya, halos magliwanag ang mga mata sa sobrang kinang kapag nakatingin kay Alex.  Talo ka na agad kahit pa sabihing hindi gusto ni Alex si Aina."  Umiling-iling pa si Edward.  “Kawawang Aina, she’s too blind to see that Alex is not into her.  Tingnan mo naman dude, si Alex parang walang pakialam kay Aina.  He’s just busy drinking.  His eyes are blank and not like what we saw in Ainas’ eyes.  Poor you.  Poor Aina.”

Napahigpit ang pagkakahawak sa baso ko.   Ang sarap ibato ng baso sa pagmumukha ni Alex.  So I am right.  Dahil hindi lang ako itong nakakapansin na may something sa relationship nilang dalawa.

Tumayo si Aina sa pwesto niya at lumapit sa amin.  "Guys, we need to go," paalam ni Aina sa aming dalawa.

Tumango lang ako.

"Ingat, Aina," magiliw naman na sabi ni Edward at nakipagbeso rito.

Nang mawala ang dalawa.  Nag-inuman na lang kaming dalawa ni Leo.  Si Drew ay wala na naman, kasama ang girlfriend niya.

--

Papunta ako ngayon sa room ni Aina.  Halos inaantok pa ako pero gusto ko siyang makausap kung ano ang meron sa kanilang dalawa ni Alex.  Kahit kasi anong isip ko ay hindi ko pa rin maisip kung ano ang pwedeng maging dahilan sa pagiging malapit nila nang ganoon kaikling panahon.

Malapit na ako sa kwarto ni Aina nang matigilan ako.  Napakuyom ako habang pinapanood ang dalawang taong naghahalikan sa may bukana ng pintuan ng kwarto.  Nakasuot ng mahabang tshirt ang babae na alam kong pagmamay-ari ng lalaki.  Isang perfect scene kung saan nagpapaalam ang partner sa babae.

May tumulong luha sa mga mata ko.  Wala na palang mas sasakit sa nakikita ko ngayon.  Talong-talo na talaga ako sa labang sa una palang ay hindi na ako kasali.

Napatalikod ako nang makita kong naglakad na papunta sa direction ko si Alex.  Nagmamadali akong nagtago sa may gilid para hindi ako makita ni Alex.

Nang maramdaman kong wala na talaga si Alex ay napasuntok ako sa may dingding.  Napasigaw rin ako.  How I wish I can punch Alex as hard as I can.  How I wish I can really hurt Alex to lessen the pain that I am feeling right now.

Napahinga ako ng maraming beses bago naglakad papunta sa kwarto ni Aina.  Kumatok ako ng dalawang beses at mabilis pa sa alas kwatrong bumukas ang pinto.  Ang nakangiting si Aina ang nakita ko pero ang ngiting iyon ay nawala nang makilala niya ako.

Akala niya siguro ay bumalik si Alex.

Tiningnan ko mula ulo hanggang paa si Aina at alam kong na-consious siya sa kanyang ayos.

"Ahmn... can you please excuse me?  I just change my clothes," mahinang sabi ni Aina at isinara na ang pinto kahit hindi pa ako nagsasalita.

--

"Leo... bakit?"  Mahinang tanong ni Aina.  Nakaupo kami sa may maliit na dining table sa room ni Aina.

Tiningnan ko siya at malungkot na ngumuti. Umiling ako.  I felt like when I open my mouth, I can't control my tears for I am hurting right now.

"Ang kamay mo, Leo," hahawakan sana ni Aina ang kamao kong dumudugo nang iiwas ko.  "I'm okay."

"Leo, h'wag matigas ang ulo... akina ang kamay mo at gagamutin ko."  Hinawakan ni Aina ang kamay ko at hindi na ako umiwas. Naramdaman ko ang mainit na haplos ng kamay ni Aina.  Tiningnan niya iyon ng maayos.  "Sinong sinuntok mo?"

"Pader," maiikli kong sagot.

"Tsk!  Tsk!  Ano'ng problema, Leo?  Alam mong pwede mo akong pagsabihan ng mg hinanaing mo sa buhay."  Naging abala na siya sa paggagamot sa kamao ko.

Napangiti ako ng malunglot sa tinuran niya.  Paano ko sasabing siya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito?  Paano ko sasabihing nasasaktan niya ako?

"Leo..."  Tiningnan ako sa mga mata ni Aina na nakapagpalukso ng puso ko.  Ngumiti siya.  "Ingat ka lagi.  H'wag ka nang manununtok ng pader.  Kawawa lang 'yang kamao mo.  Alam mong wala kang laban sa pader."

Umiwas ako ng tingin sa kanya.  "Doon ko lang kayang ilabas ang sakit na nararamdaman ko."

Sa pagkagulat ko ay niyakap niya ako.  Natanga ako sa ginawa niya.  Hindi ako makagalaw.  Nakatayo siya habang ako ay naka-upo.  "Sorry for hurting you unintentionally.  Sorry, Leo for making you feel like this damn hurt.  I'm so sorry, Leo."

Sa sinabing iyon ni Aina ay tumulo ang luha ko.  Napahawak ako sa magkabilang braso niya.

"I'm so sorry.  I'm so sorry, Leo."

"Aina..." Ilalayo ko sana ang katawan ko kay Aina ngunit humigpit ang pagkakayap niya sa akin.

"Leo, pwede bang... pwede bang hayaan mo na muna ako kung ano ang ginagawa ko ngayon?  Pwede ba 'yon, Leo?  Can you at least bear the pain for now?  Ngayon lang kasi ako naging ganito kasaya eh.  Ngayon lang, Leo."

"Aina..."

"Leo, please.  I know this is too much for you.  Pero ikaw lang itong pinakanakakaalam kung ano itong nararamdaman ko para kay Alex.  Alam mo kung gaano ko kagusto ang kung ano’ng meron kami ngayon ni Alex."

"Pero nasasaktan na rin ako, Aina.  Masakit na rin na nakikita kita kay Alex.  Alam kong masaya ka pero hindi naman ako manhid, Aina para hindi ko maramdaman itong sakit sa puso ko sa tuwing makikita kitang kasama si Alex.  Ayokong makialam sa inyo pero masakit na."

"Leo! Please.  Pumikit ka na lang sa tuwing makikita mo kami ni Alex.  Umiwas ka na lang ng tingin."

Napahinga ako ng malalim.  Pilit kong inilayo si Aina sa akin para magkaharap kami.  Ngumiti ako sa kanya.

"Leo..."

Pinunasan ko gamit ang magkabila kong palad ang pisngi niya.  "Ano pa bang magagawa ko?  Alam mong hindi ko kayang kumalas sa banda dahil mas pinili mo si Alex over me."

"Leo..."

Ngumiti ako sa kanya.  "H'wag mo na lang akong pansinin, Aina.  H'wag mo na lang isipin na nasasaktan ako.  Isipin mo na lang ang sarili mong nararamdaman."

"Pwede ba naman 'yon?"  Malungkot niyang sabi habang walang tigil sa pagpatak ang luha.

"Basta kapag sinaktan ka niya, ako nang bahala."  Nakangiti kong sabi at tumayo na.  Nang nasa may pinto na ako ay lumingon ako sa kanya.  "Salamat sa paggamot nito."  Pinakita ko sa kanya ang kamao ko. Sana pati puso ko'y ginamot niya.

Continue Reading

You'll Also Like

395K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
3.3M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!