Kapag Ayaw, May Dahilan (Life...

Od kapewrite

3.2K 718 113

[COMPLETED] Pagkatapos sa kolehiyo, Si Niccolo ay nakikipagsapalaran sa pag-ibig. Ang kaniyang mga nakaraan n... Viac

DISCLAIMER
•••
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 18.1
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Epilogue
Author's Note

Kabanata 4

109 28 11
Od kapewrite

Tayo at ang pag-ibig

•••

Sabado, maaga na naman ako umalis sa office para syempre makasilay na naman sa library. Pagpasok ko sa loob may i-ilang estudyante ang nakaupo at gumagawa yata ng research paper nila. Si Anna ay nakapuwesto sa librarian's desk. Pumasok ako sa loob at lumapit sa xerox machine para magphotocopy ng lesson na hindi ko pa naman itatalakay sa mga mandirigmang kabataan ko.

Dahil parang isang magnet si anna, hindi ko mapigilan ang aking sarili at iniwan ko na lamang ang xerox machine at tinungo ang table niya.

"Hi,  Anna. How's your day?" bati ko sa kaniya sa isang mapang-akit na boses...medyo garalgal. Sabi kasi sa google naaakit ang mga babae sa mga husky at deep voices na lalaki. Gwapo raw pakinggan.

"Oh, Niccolo, ayos lang naman." nakangiti niyang tugon.

"Nag lunch ka na ba?"

"Oo, napaaga 'yong lunch ko, eh. Gusto mo ng apple?" abot niya sa akin ng isang maliit na platito na may nakapatong na mga slice apples. Kumuha naman ako ng isa.

"Salamat." sambit ko na medyo nahihiya pa nga.

Sana puso niya na lang inalok niya sa akin, aalagaan ko pa ng bukal sa kalooban ko 'yon. Pero mansanas? Baka may nais siyang iparating sa akin dito?

"Alam mo, may ibang meaning kapag binigyan mo ang isang tao ng apple..." sambit ko habang nginunguya ang kinuhang isang slice.

"Oh, Talaga? Is it...an apple a day keeps the doctor away?" sabi niya naka ngisi pa.

"Hindi 'yon noh! Sa hospital lang 'yon effective, eh! Gusto mo na ba ako paalisin?"

"Hahahaha sorry, ano pala?"

Inubos ko muna ang kinakain ko bago ako tumingin sa kaniya ng seryoso. 

"E di, you're the apple of my eye." walang utal-utal kong binigkas pero nahiya rin ako kaya napatakip pa ako sa aking mukha.

Tinawanan niya lang ang sinabi kong iyon.

"Ikaw talaga niccolo mabiro ka!" aniya na parang nagpakaba sa akin.

Ouch! Mukha ba akong nagbibiro palagi? Mukha ba akong isang joke? Grabe!

"Mukha ba akong nagloloko?" sambit ko na may pagturo pa sa aking sarili, "Maganda ka kaya anna! Actually, gusto nga kita e hahahaha!" dugtong ko na wala naman halong biro.

Dineretsa ko na baka sakaling mutual feelings nga ito, e di tapos na ang lahat dito! Hindi na ako mahihirapan pa.

"Hahahaha salamat niccolo." Tugon niya sabay balik ng kaniyang atensyon sa kaniyang ginagawa.

Naknampotsa, salamat? Ano 'yon? Ano gagawin ko do'n? Ako ba'y na salamat lang? Wow! Ako na 'to, ah! Ayaw pa? Grabe standard nito! Hindi madali makuha loob ni anna...hindi siya easy to get!

"Hahahaha joke lang 'yon, ah!" pagbawi ko sa pag-amin kanina dahil sa sagot niyang mapanakit kalooban. "Pero maganda ka talaga...ayon...hindi 'yon joke." Dugtong ko.

"Salamat." nakangiti siyang napasulyap sa akin.

Medyo ang awkward sa pakiramdam no'n, ah? Ano kaya tumatakbo sa isipan niya? Ano kaya tingin niya sa akin talaga? Ayaw niya ba talaga sa akin? Pero ang pagmamahalan nagsisimula naman talaga sa love and hate o minsan friendship! Baka hindi na talaga siya single?

"Single ka pa ba, Anna?" biglaan kong natanong, "Pasensya na ha? na-curious lang kasi ako..."

Nagkibit balikat lamang siya habang nakangiti...iyong pabebe na ngiti...iyong numinipis 'yong labi. Sa tingin ko mas lalo siyang naging cute sa paningin ko no'ng gawin niya iyon. Samahan pa ng bilugin niyang mata. Pero bakit ba ayaw nito sabihin 'yong tungkol sa buhay pag-ibig niya? Paano kung aasa na naman ako sa wala? Masakit 'yon...kasawa na maging sawi sa pag-ibig palagi! Nakakaumay! Palaging talo sa laro ng pag-ibig...kahit na tinataya ko naman na lahat ng mayroon ako...lahat ng kaya kong ibigay! All in ako palagi sa sugal ng pag-ibig pero laging talo ang resulta!

"Para ka ring si Ma'am Ingrid ano..." ani ko.

"Bakit mo naman nasabi 'yon?"

"Ayaw niyo pag-usapan ang tungkol sa pag-ibig. May allergy ba kayo sa usaping pag-ibig, ha?"

"Hindi mo pa rin ba alam ang kuwento ni Ingrid? Hindi ba sa iyo na i-kuwento ni lucas?"

Umiling-iling lang ako sa kaniya. Inalukan niya ulit ako ng apple at kumuha ako. Umupo ako sa isang upuan na malapit sa desk niya. Nakatingin lamang siya sa PC niya at nagta-type. Ang cute niya kapag seryoso siya sa trabaho niya. Tama lang talaga ang desisyon kong pumasok ng maaga.

Pakonti ng pakonti ang mga estudyante dito sa library dahil siguro lunch time na.

"Ichismis mo naman sa akin, Anna! Hindi ko ipagkakalat na ikaw nagkuwento! Promise! I swear with all my life, kidney, and liver!" panata ko para lang makasagap ng chismis.

"Sigurado ka, ha? Hindi mo ipagkakalat talaga?"

Tumango-tango ako sa kaniya. Nag puppy eyes nga rin ako eh para mas effective. Baka makakuha ako ng puwedeng gamiting pangblackmail kay Ingrid din.

"Kung tungkol sa love, ibang-iba ang kuwento namin. Si Ingrid kasi wasak."

Napasinghap ako sa sinabi niya. Napatakip rin ako ng aking bibig dahil sa pagkakabigla.

"Wasak na siya!? Wow! Wild pala siya eh!"

"Hindi 'yong wasak na iniisip mo! Hahahaha baliw ka talaga niccolo!"

Gusto ko talaga 'yong pagtawag niya sa akin sa pangalan ko eh, ang cute pakinggan hindi nakakasawa!

"Gano'n ba...bakit mo naman kasi sinabing wwasak Iyong choice of word mo kasi..." sabi ko.

Sayang, magandang pangblack mail pa naman 'yon kay ingrid kapag aasarin niya ako kay anna!

"I mean, bigo siya sa dating asawa niya." pag explain niya ng medyo malinaw.

"Asawa? Kasal na siya?"

Tumango-tango si anna pero ang focus niya pa rin ay 'yong sa monitor.

"Oo, maaga siyang kinasal...twenty-two yata siya no'n?"

Twenty-two? Masyado pang bata 'yon para ikasal, ha? Grabe naman excited no'n magkaasawa. Ayaw magpahuli!

"Ang bata niya pa...tapos?" wika ko, lumalalim ang pagka-curious tungkol sa usapin.

"Last year lang no'ng nagfile siya para sa annulment." 

"Bakit? Hindi na niya mahal 'yong lalaki? Abusive ba?"

"Hindi abusive. Atsaka mahal niya 'yon...sobra. Pero kasi...para bang mali lang siya ng taong minahal...parang gano'n."

"Huh? Ang gulo ha! So, hindi niya mahal 'yong ex niya na 'yon?"

"Mahal niya nga ng sobra, eh!" medyo naiirita niyang sabi.

"Sabi mo kasi mali lang siya ng taong minahal, e di hindi niya mahal? Ang gulo mo ha!" pagkairita ko naman.

Oo, crush ko siya pero ang gulo rin niya kausap ha! Bobo na nga ako sa lahat ng bagay pati sa pag-ibig tapos pinapabobo niya pa ako lalo! Tapos wala pang math sa usapan na ito!

"Hahahahaha pasensya na niccolo," malambing niyang sambit.

Aysus, akala niya madadaan niya ako sa malambing na boses? Lambingin niya pa ako!

"Hindi ako tumatanggap ng pasensya na...bahala ka d'yan." pagtatampo ko kunwari.

"Hahahaha ayaw mo ba ipagpatuloy ko 'yong chika?"

Hindi mo ba muna ako lalambingin? Naknampotsa na 'yan!

"Sige na nga, continue na miss librarian." Sabay kuha ko na naman ng apple sa desk niya.

"You know, niccolo, sometimes we give love to the wrong person kasi..." aniya.

"Hmmm..." patango-tango kong sambit habang ngumunguya ng apple. "Tama, I know that feeling! Alam na alam ko 'yan! Suki ako sa ganiyan, eh!" dugtong ko.

Napangisi lamang siya na may kasabay na pag-iling. Hindi na naman yata naniniwala sa akin.

"Kapag na-realize mo 'yon, magtataka ka na lang bigla. Paano ko naibigay ang pagmamahal sa taong iyon? Hindi niya naman 'yon deserve." Sambit niya.

Hindi ko alam kung tungkol pa ba 'to kay Ingrid o sa kaniya, eh? Parang masyado niyang sineseryoso at dinadamdam.

"Do you think that loving the wrong person doesn't mean that you're stupid?" tanong niya.

"Oo naman! I think it's not stupid...it was stupid of that person not to appreciate your love! It's not your fault!"

"Yeah, I think so. Pero si Ingrid, she doesn't believe it na..."

"Bakit naman?"

"She loved him...'yong ex niya, And they were together since college. They were a perfect couple, smart and competitive sa acads. I know everything about them...magkaklase kasi kami ni Ingrid."

"What?! Magkaklase kayo!?"

Mas nakakagulat ang rebelasyon na iyon kaysa sa kuwentong pag-ibig ni Ingrid! Magkaklase sila? Ibigsabihin...magtropa rin sila?

"Psycho grad ka rin?" tanong ko at tumango-tango siya.

"Bakit librarian trabaho mo?"

Nagkibit balikat lang siya.

"I don't know...siguro gano'n talaga ang buhay, ano? We ended up to be something we didn't expect to be."

Baka nga gano'n? Tapos suwerte na lang 'yong ibang nakakamit 'yong bagay na gusto talaga nilang makuha. Malas naman 'yong mga tao na nangangarap pero iba ang nakukuha. Ayon yata ang failed dreams? Hindi ka naman sumusuko para makuha 'yon pero sadyang iba talaga ang binibigay sa'yo.

"Little by little, day by day, what's meant to be will finds its way." mahina kong sabi sa kaniya.

"Yes, it did...it does ." nakangiti niyang sabi sa akin na parang nagpapahiwatig na ayos lang naman sa kaniya.

"We always outgrow what we once thought we couldn't live without, and then we fall in love with what we didn't even know we wanted. Life keeps leading us on journeys we would never go on if it were up to us." sambit niya.

"Find the lessons and trust the journey? gano'n ba?"

"Find the lessons, and trust the journey. Gano'n nga."

Natapos ang usapan namin ng biglang pumasok sa library 'yong college vice president ng school na ito. Agad akong napatayo sa pagkakaupo at binati siya 'tsaka kinuha 'yong mga papel na pina-photocopy ko at tinahak na ang pinto palabas.

•••

Pagpasok ko sa faculty nakita ko si Ingrid kumakain mag-isa ng sinampalukang manok.

"Wow! Penge naman niyan ma'am, favorite ko 'yan eh!" masigla kong bungad habang papaupo sa aking pwesto.

"Magluto ka ng para sa sarili mo, sir. I don't do feeding program." pagtataray niya.

Napangiwi na lamang ako sa sinabi niya. Kinuha ko sa messenger bag ko ang aqua flask ko na may lamang tubig at 'yong dalawang classic long john donut at isang delight. Inabot ko sa kaniya ang delight.

"Akala ko ba lulunurin mo ako sa delight? Ano 'to? Isa lang na maliit? Binigay ko sa'yo no'n kalahati ng 400ML." reklamo niya sa akin habang hawak hawak ang aking binigay.

"Pasensya ka na ma'am, ha! Ubos na 'yong 400ML eh, pagsisikapan ko na lunurin ka talaga sa delight next time!"

Lunurin ko 'to araw-araw ng delight makita niya.

Habang kumakain siya hindi ko napipigilan hindi tumitig sa kaniya. Nang mapansin niyang tinitignan ko siya ngumiwi lamang siya pero walang nagpatinag sa amin. Walang nagtanggal ng tingin sa amin. Para kaming nasa staring contest...ang unang bumitaw ay talo.

"Tinitingin tingin mo d'yan, ha?" aniya na medyo galit.

"Tinitingin tingin mo rin, ha?"

"Baliw ka talaga...godbless na lang sa'yo." sabay pagkalas ng kaniyang tingin sa akin.

Inayos ko ang aking pagkakaupo. Nakapatong ang braso ko sa desk at agresibong tinignan si ingrid.

"Mag tropa pala kayo ni anna hindi mo man lang sa akin sinabi." ani ko.

"Hindi mo naman kasi tinanong."

"Kahit na! Dapat sinabi mo sa akin para naman natanong kita tungkol sa mga bagay-bagay na gusto niya!"

Tumigil siya sa pag kain at nagbuntong hininga.

"Ako na magsasabi sa'yo...hindi kayo bagay. Goodluck na lang sa'yo kung magugustuhan ka talaga niya."

Ang negative naman nito sa future lovelife ko! Banas! 

"Ganito na lang ma'am...ireto mo ako kay anna ta's irereto kita kay lucas." ngumisi pa ako sa kaniya pagkasabi ko sa aking malupitang alok.

"Sir, kung talagang seryoso ka kay anna, paghirapan mo siyang kunin ng mag-isa. Puwede ba huwag mo akong idamay sa trip mo sa buhay?"

"E di huwag! Dami mong sinasabi. Oo nga pala, may nasagap akong chismis tungkol sa'yo..."

"Chismis?"

"Oo, tungkol sa dati mong asawa..."

"Kinuwento ni anna sa'yo?"

"Huh? Hindi si anna, ah! Ano akala mo sa kaniya, chismosa? Nasagap ko lang kay ano...kay...kay lucas! Hindi mo kasi kilala ang isang 'yon! chismoso 'yon! Pasmado bunganga!"

"Uh-huh," bakas sa mukha niya ang hindi paniniwala sa sinabi ko.

"Pero totoo nga na annulled ka na?" tanong ko.

"Ano naman sa'yo kung gano'n nga?"

"Pambihira naman ma'am, tinatanong lang eh! Chill!"

"Tsss...oo nagfile ako ng annulment last year kaso matagal na proseso pa 'yon kaya hindi pa ako totally annulled."

"So, parang kayo pa rin ng ex mo?"

"Hindi na noh! Wala na kami pero hindi pa kami puwede ikasal sa iba parang gano'n...matagal pa...ilang taon pa hihintayin."

"Grabe naman 'yon! Kabagot naman 'yon! Hindi ko lang alam kung ayos lang kay lucas maghintay ng ilang taon, ha? kasi kung sa akin lang, hindi!"

"Pake ko sa opinyon at nararamdaman mo? Tssss." pagtataray na naman niya at pagpapatuloy sa pag kain.

Goodluck na lang sa lalaking magkakagusto rito kay ingrid. Baka mahuli na siya sa ikot ng buhay at senior na sila ikasal.

"Pero balita ko rin na minahal mo ng sobra 'yong taong 'yon, ah?" sambit ko habang pinapanood siya.

"Ang chismoso mo talaga, ano?"

"Na-curious lang kasi ako sa kuwento ni lucas, eh! Masama ba na ma-curious sa buhay mo?"

Tumahimik lang siya saglit. Hinintay ko kung magsasalita ba siya dahil kung pangungunahan ko na naman siya ay baka hindi na ito magkwento. Chismoso ako, eh!

"Minahal ko siya ng sobra...bobo ako sa kaniya noon eh." seryoso niyang sambit habang patuloy sa kaniyang ginagawa at hindi ako tinitignan.

"Alam mo, lahat naman ng tao nagiging bobo pagdating sa pag-ibig, eh. Normal naman 'yon."

"Motto mo ba 'yan? nakuwento kasi sa akin ni lucas kung gaano ka kabobo sa pag-ibig, eh."

"Aruy ko naman! Hindi naman ako gano'n kabobo! Siguro medyo-medyo lang? Atsaka kasalanan bang magmahal agad pagkatapos mabigo?"

"Alam mo sir, hindi mo ba naisip na baka kaya ka pa single ngayon ay dahil baka pangkabit ka?"

Gagong babaeng 'to...gusto pa akong gawing makasalanan na tao!

"Bastos rin 'yang bunganga mo minsan ma'am."

Tumango-tango lang siya habang nakangisi.

"Eh...kumusta na 'yong dati mong asawa?" tanong ko.

"Ayon may bago na."

"E ikaw?"

"Wala. Ayoko na. Kapagod, puro drama."

"Alam mo, ayan ang mali sa'yo, eh. Kapag sinayang ka, lumandi ka! Hindi siya kawalan!" sambit ko. "Huwag mo ipakita sa kaniya na naging miserable ka dahil sa kaniya!" dagdag ko.

"Hindi ako miserable noh!"

"Sorry, okay? hindi ka na miserable."

Tinitignan ko lang siya habang kumakain siya. Nakapangalumbaba na rin ako sa desk, seryoso lang siyang kumakain.

"Minahal ka ba niya?" tanong ko.

Nakakaawa naman kasi kung hindi at kung hindi, sana makita ko 'yong lalaking 'yon para masapak ko siya ng malakas kasi dahil sa kaniya may isang taong hindi na naniniwala sa pagmamahal at pag-ibig. Ang lungkot kaya no'n!

"Sir, it's like, you know...someone is going to look at you with a light in their eyes you've never seen, they'll look at you like you're everything they've been looking for their entire lives and when they have you completely and whole, that someone will soon realise it's not you who they want to spent their entire lives with." tugon niya.

"Pero kung mahal mo siya, bakit hindi mo ipinaglaban?"

"Someone wise told me, when the pain of holding on is worse than the pain of letting go, it is time to let go."

"Kalokohan! Love is war! A battlefield! You must learn to fight for what you love! Sino naman nagsabi sa'yo no'n, ha?"

"Si lucas."

Napa face palm na lamang ako. Since last year pa pala nagtuturo dito si lucas at teka...anong alam no'n sa pagmamahal muli? Kitang may bakas pa ng pighati 'yon ng nakaraan niyang pag-ibig!

"Huwag kang maniniwala ro'n! Matagal na panahon na siyang walang alam sa pag-ibig! Sa akin ka makinig kasi expert ako riyan!" sambit ko.

"Anong alam mo sa pagmamahal? E palagi ka ngang niloloko at iniiwan, 'di ba?"

"Aray ko ha! Grabe ka sa mga salita mo, ah! Pero ma'am, just an advice, always try to find love again after heartbreak, loss, and annulment."

Halos magkatama na ang dalawang kilay ni ingrid pero 'yong kaliwa niyang kilay ay halos nakataas.

"Go fall in love again, ma'am. Everyone is not like him." dugtong ko.

Pagkatapos kong sabihin 'yon, hindi na kumibo pa si ingrid. Tahimik lang siyang kumain tapos pinatawag pa siya ng college vice president sa office kaya no choice ako kundi umakyat na lamang sa computer lab at hintayin ang mga mandirigmang kabataan.

Inaya ko rin si lucas na dumaan sa hallway ng library upang silayan kung nandoon pa si anna pagkatapos ng klase naming dalawa ngunit wala ng tao sa library no'ng tinignan namin.

"Hay nako, hindi ko man lang naabutan, tagal mo kasi magturo, eh!" reklamo ko kay lucas.

"Ano ka ba niccolo, tigil-tigilan mo na nga 'yang pangdadawit sa akin sa trip mong 'to? Pina-apply kita rito para magtrabaho hindi para maghanap ng lovelife."

"Ikaw parang hindi ka tropa, ah! Tulungan mo naman kaya ako sa isang 'to? Feeling ko talaga siya na eh,"

"Siya na?" may pagdududa sa expression ni lucas.

"Oo siya na talaga lucas! Malakas ang kutob ng puso ko sa babaeng 'yon!"

Patuloy kami sa paglalakad patungo sa exit gate ng school.

"Niccolo, love isn't something that you find, it's something that finds you." pangangaral niya. "Stop waiting and searching for love and start living. There are many stories your life is meant to tell. Finding love is just one chapter." dugtong niya.

Tinignan ko lang si lucas na nangunguna sa paglalakad. Nakasabit ang isang strap ng itim niyang backpack sa kanan niyang balikat at ang kaniyang kaliwang kamay ay nasa kaniyang bulsa. Simula rin ng magturo siya, nagsimula na rin siya magsuot ng eye glass. Dati nagsimula lang siya sa radiation glasses. Sabagay, tutukan talaga sa computer radiation ang isang 'to.

Iba na talaga si lucas, kumpara no'ng college kaysa ngayon mas nagmature pa siya lalo. Mayaman ako sa kaniya pero sa tingin ko mas mayaman siya dahil tinitingala ko siya. Iyong pangarap na laro na ginagawa namin ay pangarap niya talaga...gusto namin makitang makamit niya lahat ng bagay na pinaghihirapan niya.

Lucas have so much to offer as the person he is right now.  He's always one decision away from a totally different life...sana ako rin.

•••

TBC.

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

126K 3.3K 36
𝘈 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘴𝘵𝘰𝘳𝘺 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘣𝘦𝘨𝘢𝘯 𝘢𝘧𝘵𝘦𝘳 𝘵𝘩𝘦𝘺 𝘦𝘯𝘥𝘦𝘥. They say that love is sweeter the second time around so what would happen...
435K 8.7K 43
Chandria Clara Contreras who seeks for the love of her father. Habang nasa proseso siya ng pakikipagkita sa kanyang Ama, iba ang nakita niya. A man w...
835 45 22
"Akala ko magiging maayos tayo pagbalik ko." mahinang sambit ko habang nasa loob ng Confession Room. "Bakit, Abel?" Isang mahabang buntong hininga...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...