Kabanata 13

66 22 0
                                    

Ako at sikreto

•••

Nagmadali akong bumaba ng hagdan habang nagsusuot ng t-shirt hanggang sa hindi ako nakatapak sa isang baitang at naging sanhi ng paghulog ko ng malakas sa lapag namin na gawang tiles.

"Ouch!" bulyaw ko.

"Bakit?! Ano 'yon?! Nangyari sa'yo?" ani jaq na may pag-aalala.

"Nahulog ako..."

"Hala!" singhap ni lance, napatingin kami sa kaniya. "May dadating na tinidor!"

Nakakunot ang noo naming tatlo na nakatingin sa kaniya.

"Bakit?" aniya na parang walang sinabing pambobo.

Umiling-iling lang 'yong dalawa sa kaniya at tumayo na ako mula sa aking pagkakaupo sa sahig. Buwisit na mga tropa ito, hindi man lang ako tinulungan tumayo...sabagay katangahan ko rin.

"Kapag may lalaki na nahulog, may dadating na tinidor. Kapag babae naman nahulog, may dadating na kutsara!" pag-eexplain ni lance sa sinabi niya kanina.

Tinungo na namin ang sala kung saan nakapuwesto ang aming mga laptop at iba pang scratch paper at kung ano-ano.

"Hindi niyo ba alam ang tungkol doon? Bagong kasabihan na 'yon ngayong taon!" pag-iingay pa rin ni lance.

"Pauso ka palagi seb." ani jaq.

"Hindi niyo man lang ako tinulungan no'ng nahulog ako..." pagsabat ko na may pagtatampo.

"Nahulog ka mag-isa, matuto kang bumangon ng mag-isa." ani lucas.

"Utol ba talaga kayo o ulul?"

"Sometimes both, tol!" sabi ni lance.

Katabi ko ngayon si lance sa sofa, nasa aming binti nakapatong ang aming laptop. Si jaq nasa may lapag nakaupo, laptop niya ay nakapatong sa mesita namin. Si lucas ay nasa paborito niyang airbag chair at nakapatong sa binti nito ang laptop niya.

"Ang sama talaga ng mga ugali ninyo." sabi ko.

"Aware na kami r'yan, matagal na." sabi ni jaq.

Saglit na katahimikan ang pumalibot sa sala, imposibleng may anghel na dumaan kasi aware na ako na wala ni-isa sa amin ang may guardian angel kasi unti-unti na kaming naniniwala na baka kampon kami ng kasamaan...lalo na dahil tropa namin si lance.

"Ano pala nangyari ro'n sa mga bata mo, pare? Nasuspend ba?" tanong ni lance bigla sa akin.

"Gagu, buti nga hindi sila nasuspend eh, mabait si ma'am felipe...binigyan 'yong mga bata ko ng second chance. Nakakagaan ng damdamin taragis!"

"Sinuwerte ka lang tanga! Siguro kasi nilambing mo kaya pumayag!"

"Gagu! Hindi noh! Tama nga talaga si mommy no'ng sinabi niyang, I am blessed."

"Blessed? Pfft! Suwerte lang sa buhay kamo, malas sa pag-ibig!"

"Hello! pinagdadasal ko kaya sa Diyos na sana si anna na talaga, kasi feeling ko siya na talaga!"

"Bobo ka talaga ano? tsk tsk tsk..." pagkadismaya ni lance at pailing-iling. "Minsan kung sino pa sinasama mo sa prayers, eh, sa huli sumasama naman sa iba!"

"Naknampotsa lance, huwag ka magdrama! Ayan ba kuwento ng pag-ibig mo? Kawawa ka naman!" wika ko habang tinatapik-tapik ang likod niya.

"Pota...hindi gano'n 'yong love story namin...medyo parang gano'n na rin, pero hindi gano'n!"

"Sabi mo, eh."

At syempre hindi mawawala sa eksena si lucas na pangangaralan na naman kami sa buhay at pag-ibig.

Kapag Ayaw, May Dahilan (Life Series #4)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora