Kabanata 17

64 20 0
                                    

Ako at lakas ng loob.

•••

"Puwede bang magtanong 'dre?" wika ko sa katabi kong si aguilar.

Coffee break namin ngayon sa office at nandito kami sa pantry, nagtitimpla ng kape.

"Kung magtatanong ka kung magkano pamasahe pabalik sa maling tao, puwes, mura lang kasi hindi na mahal hahahaha!" aniya.

"Siraulo, hindi tungkol sa ganiyan."

"Eh tungkol saan naman 'dre?"

"Paano mo napasagot misis mo? 'di ba sa accounting department siya tapos ikaw sa I.T, kaya paano? Anong gayuma ginamit mo?"

"Seryoso ba iyan 'dre? Bakit mo naman natanong 'yan? May popormahan ka na naman ba sa accounting dep?"

"Pfft! basta sagutin mo na lang!"

"Aysus meron noh? Hahahaha sana true love mo na 'yan, ah! Sino ba?"

"'dre, kapag siya hindi talaga meant to be sa akin? Hindi na ako magmamahal kahit kailan!"

"Hindi ka na magmamahal ulit kapag hindi siya? Lul! Hindi mo ako maloloko 'dre! Alagad ka ng pag-ibig hindi ba?"

"Oo naman noh! I, Niccolo Rodgriguez Nuevo, alagad ng teknolohiya't pag-ibig! Hindi susuko sa ngalan ng pag-ibig...puwera na lang kung hindi talaga siya para sa akin huhuhuhu!"

"Kapag hindi siya 'dre, puwede naman kitang i-reto sa intern natin dito hahahaha!"

"Bata 'yon sakin 'dre, hindi ako pumapatol sa bata...pareho lang kaming imma no'n kapag gano'n."

"Para namang nasubukan mo na 'dre, ah? hindi mo pa nga nasusubukan..."

"Hindi ko na kailangan subukan para malaman, alam ko na gano'n ang mangyayari kasi kilala ko sarili ko."

"So, imma ka? Kung gano'n din pala...sino naman papatol sa'yo? Hindi naman puwedeng alagaan ka ng babae dahil una sa lahat, hindi sila ginawa para gawin lang 'yon. They're much more than that 'dre. Ayan ang sabi ng misis ko."

"Alam ko 'yon aguilar! Hindi gano'n 'yong dahilan, tanga. Ayoko lang ng pareho kaming imma kasi baka maging toxic 'yong relasyon, gusto ko 'yong matured na mag-isip para naman madamay ako sa way of thinking niya sa buhay."

"Daming alam 'dre, ah? Ikaw ba talaga 'yan?"

"Hindi, aguilar. Ako 'to, si Alden Richards." pagbibiro ko.

"Hahahaha sige na nga kung diyan ka masaya."

Umupo kami sa puwestong malapit sa may bintana at doon nagkape.

"Ano nga aguilar...paano mo napasagot 'yong misis mo no'ng nililigawan mo pa lang siya?" tanong ko sa katabi ko na dinadamdam ang magandang tanawin mula sa labas.

"Hmmm, sa naaalala ko pinag-test niya pa ako no'n, eh?"

"Test? Anong test?"

"If I can speak fluent english daw ba, tapos sagot ko, Oo...ta's naglabas siya ng babasahin at pinabasa sa akin."

"Ano 'yon? Elementary reading comprehension?"

"Anong elementary? Magugulat ka na lang kapag nakita mo 'yong print-out na pinabasa niya sa akin!"

"Ano ba pinabasa niya sa'yo?"

"Sa pagkakatanda ko parang ganito 'yon, eh..." kinuha niya ang kaniyang cellphone mula sa bulsa ng suot niyang pantalon at hinintay ko na lamang na matapos siya sa pagse-search.

Kapag Ayaw, May Dahilan (Life Series #4)Where stories live. Discover now