Kabanata 8

83 23 1
                                    

Nahuhuli ata

•••

nico nico nii: mga tol mukhang day off muna tayo sa pagprogram may reunion akong pupuntahan ngayong gabi.

utak sebo: utut anong day off? nandito na nga kami sa bahay mo bobo!

jaq ass sent a photo



"Naknampotsa naman talaga oh!" irita kong sabi sa hawak-hawak kong iPhone.

Nakatayo pa lang ako sa may parking sa tabi ng aking motor. Nagsend si jaq ng litrato nilang tatlo na iniinvade ang kusina ng bahay ko tapos si lance tinutunggaan yung 1 liter kong chuckie.



nico nico nii: Inamo lance! Nauna ka pa sa first uminom diyan sa chuckie ko! Bayaran mo yan! At paano kayo nakapasok sa bahay ko?

utak sebo: duplicate key mah men!

nico nico nii: Naknampotsa! tumira na lang kaya kayo diyan sa bahay ko? Mga walang bahay!

jaq ass: wala naman talagang bahay si seb hahahahaha!

utak sebo: Inamo niccolo! Titira talaga ako dito bwisit ka! Patirahin mo ako dito! Gusto mo yon?

nico nico nii: ipatira kita diyan sa asong kalye! Utut mo!

utak sebo: utut ko mabango tanga!

Lucalucas: tatagal ka ba sa reunion niyo? hintayin ka na lang namin ni lance dito.

nico nico nii: Ayieee naman! Ang sweet naman ng mga tropa ko! Love na love ako!

utak sebo: kami na lang nagmamahal sayo kaya dapat tratuhin mo kami ng mabuti! Pag uwi mo pasalubong!

nico nico nii: ina nito kapal talaga ng apog mo! Bow down talaga ako sayo lance! Sa sobrang bait ko na sayo baka kunin na ako ni lord agad!

utak sebo: tanga hindi ako papayag na kunin ka kaagad ni lord dahil madami pa akong kakailanganin sayo! HAHAHAHAHA!

nico nico nii: patayin mo na lang kaya ako?

jaq ass: tangina sad boi manipulative ang drama ni niccolo hahahaha!

utak sebo: HAHAHAHAHA trut!



Hindi na ako nagreply pa at sineen ko na lamang ang mga kutong lupa na mga kaibigan kong iyon dahil anong oras na rin kailangan ko ng dumiretso sa reunion ng mga tropa ko no'ng highschool.

Sinuot ko ang aking itim na helmet. Aking pinaandar ang mamahalin kong kulay pulang The KRGT-1 a.k.a The Keanu Reeves GT-1 na motor. Pinag-ipunan ko pa 'yan ng isang taon tapos syempre mahal na mahal ako ni mommy siya na nag-abono ng kulang.

Sa isang resto bar sa makati naganap ang reunion namin. Nagpark ako sa may parking nila at halos madaming motor at kotse ang nakaparada rin.

"Ina...mukhang bigatin na rin ang mga tropa ko ah?" sambit ko habang tinitignan ang mga nakaparadang motor at kotse sa tabi ko na hindi ako sigurado kung kanila ba iyon.

Naka suot ako ng checkered long sleeves na kulay dark blue at aking tinutupi ang manggas nito hanggang siko. Panloob ko naman ay kulay gray na plain t-shirt.

"Hoy niccolo!" sigaw ng isang lalaki na nakaupo sa may bandang gitna, sa may mahabang mesa.

"Hoy pare! Hahahaha!" bati ko kay miguel.

Tumabi ako sa kaniya at binati isa-isa ang mga kaklase ko no'ng highschool.

Noong first at second year ng highschool ko ay nag-aral ako sa isang private catholic school kaso sumunod na taon nagtransfer ako sa isang public highschool kasi ro'n sa private hindi ko mapagyabang na mayaman ako kasi may mas mayaman pa sa akin! Kaasar 'yon sa dignidad ko!  Atsaka kailangan sundin mo 'yong mga hour prayer nila tapos 'yong mismong mga prayers nila dapat kabisado rin, e hindi nila alam na karamihan sa mga tropa ko roon eh alagad ng demonyo. Pero ang totoong rason kung bakit ako nilipat nila mommy sa isang public school ay dahil palakol ang grades ko, sayang raw 'yong tuition.

Kapag Ayaw, May Dahilan (Life Series #4)Where stories live. Discover now