Kabanata 23

79 17 0
                                    

Defense

•••

Miyerkules, at nasa jollibee ako na malapit sa building ng kompanya namin. Wala kasi akong baon para kumain sa pantry at si aguilar ay kasabay maglunch ang kaniyang misis.

"Here's your order, sir. Okay na po ba lahat?" tanong ng crew.

"Okay na po, salamat."

One piece chicken with rice at isang large coke lang ang aking inorder. Kinuhanan ko rin ito ng litrato sabay send kay mommy para alam niya ang ganap sa everyday life ko.

Susubo na nga sana ako sa aking pagkain ng makita ko 'yong dalawang estudyante na magkatabi't magkatalikuran sa akin na napaka sweet. Nakapatong ang ulo ng babae ro'n sa balikat ng lalaki, ta's iyong lalaki parang nakaakbay pa sa babae.

"Naknampotsa naman talaga, oh. Sana pala nag-take-out na lang ako." mahina kong sambit na ako lamang ang nakakarinig. "Pakainin niyo naman ako ng masaya, potsa." mahina kong pagreklamo.

Lumipat ako ng puwesto para hindi ko makita ang magsyotang naglalambingan. Pagkatapos kumain, niligpit ko ang pinagkainan ko sa table upang hindi na mahirapan pa ang crew sa paglilinis ng table ko. Pagkatapos kumain ay naglakad na ako pabalik sa kompanya.

"Akala ko pa naman bida ang saya sa jollibee, bida pala lambingan do'n, kainis." pagmamaktol ko.

Dahil mahaba ang pila pasakay sa elevator, kinuha ko ang aking iPhone sa bulsa ng suot kong pantalon. Unang nagpop-up ay 'yong GC ng mga mandirigma kong kabataan.



Leopoldo Thirdy: Guys! Wala si maam san jose ngayon! Isesend na lang daw mamaya yung link ng exam tapos sasagutan bago matapos yung araw na ito!

Kyle Arizala: Legit pre? Online ang exam?

Leopoldo Thirdy: oo pre, may sakit daw si maam ngayon.

Kyle Arizala: pasabi get well soon! Mamahalin ko pa siya hahahaha joke!

Henry Vusco: saan ipapasa yung exam?

Leopoldo Thirdy: Naka docx daw sesend niya sakin tapos doon na din daw sagutan. Ipasa sakaniya sa gmail niya. Mamaya send ko buong details.

Amorsolo Josue: Salamat leo. Pasabi kay ma'am san jose pagaling siya agad.

Katarina Santos: Sabihin mo get well soon sabi ng dyosa hahaha!

Iqbal Munios: GWS kamo.

Leopoldo Thirdy: kayo na lang magsabi sakaniya! Hahahaha chat niyo ng get well soon baka sakaling may bonus yung exam hahahaha!



Huh? akalain mo 'yon, dinadapuan pa ng sakit ang babaeng 'yon? Akala ko pa naman, eh, immune na siya sa lahat ng sakit.

Pagkarating ko sa loob ng office, wala pa si aguilar. Umupo ako sa aking swivel chair, pinaduyan duyan ito habang hawak-hawak ko ang aking iPhone.

"Kumusta naman kaya 'yong babaeng 'yon?" sambit ko habang hinahampas hampas ang iPhone sa aking palad.

"Teka! Bakit ba ako nag-aalala sakaniya? Wait, normal lang naman na mag-alala ako sakaniya, eh? Co-teachers kami, tama! Atsaka final exam dapat ng mga mandirigmang kabataan ko, bakit online? 'yong iba siguro sa mga 'yon walang internet connection!"

Ako, mag-aalala sa babaeng 'yon? Pffft! As if!



Niccolo Rodriguez Nuevo: Hi, ma'am? Balita ko may sakit ka daw ngayon tapos hindi ka nakapasok sa klase ng mga bata ko.



Kapag Ayaw, May Dahilan (Life Series #4)Where stories live. Discover now