Kabanata 16

66 19 0
                                    

Tayo sa perya

•••

"Sir, ito na po pala 'yong tula na ginawa ko." sambit ni ellaine sabay abot sa akin ng isang papel.

Medyo na-late ako ng dating sa klase ngayon dahil sa trabaho sa office na dapat asikasuhin. Hindi na tuloy ako nakadaan sa library pati sa faculty.

Ipinatong ko ang aking bag sa table at kinuha ang papel na inaabot ni ellaine sa akin.


Lost Souls
By: Ellaine Ignacio

We're going on a ride
To see the city lights
To see the running cars
To see people staring back at us

How the breeze blew our hair
How we breath the polluted air
How my hands wave
While your driving insane

Let's live for tonight
While we're still young
Let's drive around town
And never come back

Let's waste our time
Chasing cars
Chasing lights
And maybe, chasing us

The night is for us,
The brave lost souls.
We are the kids
That falls from words

Forget the street laws,
Forget the elders,
What they say
Isn't what you should do.

Let's risk our lives
Under this beautiful dark sky,
While the moon is watching us
Being happy for one last time.


Hindi ko alam kung may deep meaning ba ito o sadyang love poem na normal lang? Kasi hindi naman ako makata at hindi naman malalim ang pagkakaunawa ko sa mga salita.

"Maganda, ellaine. Kakausapin ko si miss asuncion tungkol sa tula mo. At magandang extra-curricular activity ang mapabilang sa pres org. Pagbutihan mo lang."

"Salamat po sir, pero wala po akong balak sumali sa org na 'yon, gusto ko lang ipabasa sa mga estudyante ang tulang isinulat ko."

"Ahh gano'n ba, sige. Kakausapin ko talaga si ma'am asuncion para mabilis na mapasama 'yong tula mo, at syempre babasahin ko bawat entry mo."

"Salamat sir!"

Nagsimula ang klase namin sa pag-aaral ng boolean array at kalagitnaan ay nagdeklara ako ng break time dahil hindi pa pala ako nagtatanghalian.

"Sir, gusto mo sumama sa amin?" sambit ni leo.

"Saan?"

"Doon sa aleng binibilhan namin ng meryenda, medyo malapit lang sa 7-11 sir, tago kasi 'yong lugar."

"Anong tinitinda?"

"Lumpiang toge, fishball, kikiam, cheese stick, dynamite, tapos mais con yelo, saging con yelo..."

"Atsaka kwek-kwek sir, tapos 'yong hotdog na may harina ng kwek-kwek!" bulalas ni kyle.

Balak ko sana magkanin-ulam kaso kung balak nila ako yayain, eh di sige.

"Sige sige, tara?"

Sabay-sabay kami ng mga estudyante ko na bumaba. Napadaan pa nga kami sa library tapos kinukulit ako ng mga bata na sumilay daw muna.

"Kapag sumilay ka sir baka mabusog ka na agad ah?" ani ni leo habang natatawa pa.

"Shh! huwag kayo maingay baka mabuking tayo."

Kapag Ayaw, May Dahilan (Life Series #4)Where stories live. Discover now