Kabanata 25

73 19 3
                                    

BSIT-1B iiyak

•••

Tatlong taon na ang lumipas. Si jaq at Xowie pa rin, wala na yatang titibag sa tagal ng relasyon nila...sana ako rin kaso wala akong bebe. Si Lance at Daniel nagkabalikan na rin, matagal na. Nagulat pa nga kami no'n kasi may nagchat sa amin sa messenger na Bryce Mejia ang pangalan, humihingi ng favor para magkita at magkaayos 'yong dalawa. Ewan ko kung bakit sa National Museum of fine arts pa, ang daming tao roon, magbabati lang naman 'yong dalawa tapos syempre alam naman namin na hindi na magpapakipot si lance, hindi pa 'yon nakakamove on, nagbabaka sakali rin ang kupal na balikan siya ni daniel. At dahil March na ngayon, at no'ng March 3, nagcelebrate si lucas ng kaniyang birthday sa café ni sining ng isang simpleng celebration lang, walang alak kasi nandoon din si daniel, good boy ang kupal na si lance. Si lucas naman ay nagpasya ng huminto sa pagiging part time prof para naman magkaroon siya ng pahinga at tulog...pinilit namin siya para sa kalusugan niya. Health first before wealth!

Tatlong taon na rin at malapit na rin naming matapos ang laro na aming pinaghihirapan gawin. At Ako, patuloy pa rin ako sa pagtuturo bilang isang part time prof tuwing sabado. Hindi ko tinantanan ang mga mandirigmang kabataan ko dahil ang kinukuha kong subject ay sa klase lang nila. Fourth year na sila, nasa huling baitang upang maka-graduate na at matupad na ang pangako namin sa isa't isa. Prof nila ako sa Seminar subject nila ngayong ikalawang semester at kapag nakapagtapos na sila, magpapaalam na ako sa pagtuturo at magpo-focus sa pagiging game developer.

Nasa trabaho ako, busy sa pinapagawang user interface ng aming visor nang biglang paulit-ulit sa pagvibrate ang aking iPhone sa aking bulsa. Hindi ko naman makuha dahil nasa office ang visor namin kaya kailangan ko pang magpanggap na nababanyo na ako para lang makita ang notif ko na mula sa GC ng mandirigmang kabataan.


Leopoldo Thirdy: Nabalitaan niyo na ba?

Katarina Santos: Legit ba leo? Seryoso yon?

Leopoldo Thirdy: ewan ko nga eh nabasa ko lang din sa fb.

Kyle Arizala: Gagu di nga? Uy! Kahapon nakikipag biruan pa yon eh!

Iqbal Munios: Legit nga! Nakita ko sa post ng ate niya!

Amorsolo Josue: Kailan tayo makikiramay?

Henry Vusco: grabe na talaga ang taon na ito :(


Medyo nagtataka ako sa tinutukoy nila, kahit nagback-read ako, eh, wala rin naman...kulang na yata ako sa information gathering?


Niccolo Rodriguez Nuevo: Anong meron? pabulong naman dyan! Anong chismis?

Leopoldo Thirdy: Sir, patay na daw po si ellaine.


Bigla na lamang akong kinabahan sa sinabi ni leo. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o magugulat.


Niccolo Rodriguez Nuevo: Hindi nga? Totoo ba yan? Kanino niyo nalaman? Huwag nyo ko binibiro ng ganyan ha! LEGIT?!


Binigay ni leo sa akin ang pangalan ng ate ni ellaine sa facebook, doon daw nila nabasa ang balita dahil naka-tag ang account ni ellaine sa post nito. Wala na rin kasi akong time para sa pagbubukas ng facebook...tadtad ako ng trabaho.


Elma Ferrer Ignacio

March 25 ng umaga, pumasok ka pa sa school ng masaya. Nakapagchat ka pa sa akin na sabihin ko kina mama na baka ma-late ka ng uwi dahil may gagawin ka pa para sa isang subject. Gabi, pag-uwi mo nakangiti ka naman. Sumabay ka pa sa amin kumain, tinawanan mo pa yung joke ni papa na paulit-ulit na natin naririnig. Pero hindi namin alam na ayon na pala ang huling pagtawa mo sa joke niyang korni, huling makakasabay ka na pala namin nun sa hapunan, huling chat mo na pala yon. Huli beses na pala yon na makikita ka pa naming buhay. Patawad kapatid, hindi man namin alam ang pinagdadaanan mo. Patawad, patawad. Wala kaming alam. Patawad, patawad, kasalanan namin. Rest well and in peace, Ellaine.


Kapag Ayaw, May Dahilan (Life Series #4)Where stories live. Discover now