Kabanata 20

102 21 0
                                    

Kami sa café

•••

Pagka-uwi ko sa bahay, nagpalit ako ng plain white t-shirt na may baybayin print, 'yong binigay ni lucas sa akin dati, at cargo short. Pagka-upo ko sa sofa, binuksan ko ang TV upang manood ng anime sa Netflix habang umiinom ng chuckie na bagong bili ko lang sa 7-11 kanina.

Tinignan ko ang oras sa malaking wall clock namin, alas-kuwatro pa lang at naboboringan na ako sa bahay, ang boring mag-isa talaga!


nico nico nii: uy guys, suggest naman kayo ng malalabuyan...ang boring sa bahay! :(

jaq ass: bakit nandyan ka? hindi ka pumasok?

nico nico nii: half day ako ngayon bibi boi

jaq ass: bibi boi? pakyu!

nico nico nii: naboboringan na ako dito! I need to breath!

utak sebo: beer house pre! hahahaha doon maganda huminga at mag unwind!

lucalucas: ayaw ng irereto sakaniya pero gusto makabingwit sa beer house?

utak sebo: no to reto kasi tol! Yes to unexpected meet up!

lucalucas: hindi totoo ang tinadhana tanga!

nico nico nii: ano na? recom na habang nasa mood pa ako gumala!

jaq ass: punta ka sa café ni sining, sa may makati ave. daanan kita doon pagka-out ko.

utak sebo: Uy! malapit lang pala pauwi sa amin yan! Punta rin ako diyan pagka out ko!

lucalucas: same.


Chinat ni jaq sa akin ang location ng sinasabi niyang café ni sining. Madaming resto at coffee shop dito sa makati ave. buti na lang, eh, madali lang matagpuan ang kay sining...ang TEA-BOOK CAFÉ.

"Welcome to tea-book café, where you're in a sweet haven full of books and coffee." bati sa akin ng babae na parang isang staff at naka destino sa information desk na maliit lang at katabi ng entrance.

"Ahh...salamat."

"Entrance fee is only twenty pesos, sir."

"Huh? May entrance fee?"

"Yes, sir. Hindi po kasi ito basta coffee shop and café na kagaya sa iba. With the entrance fee, you can read any books you like with unlimited time hanggang magsawa ka. The second floor is the library section, sir. Doon po 'yong mga books and may mga tables and chairs po roon na puwede niyong tambayan while reading."

"Eh 'yong kape?"

"You can order coffee in the counter, sir. Coffee and other foods available here ay hindi po sakop ng twenty pesos entrance fee. The twenty pesos is only for the second floor."

"Ahhh so, first floor niyo coffee shop? Tapos 'yong sa taas ang library?"

"Yes, sir."

"Ahhh...paano kapag hindi naman ako aakyat? Ayoko kasi sa library, hard pass ako ngayon doon, kailangan ko pa ba magbayad pa for the entrance?"

"Yes, sir."

"Luhh, ang unfair naman no'n? Gusto ko kausapin may-ari ng store niyo, magrereklamo ako!" sambit ko pero nag-abot pa rin ng bente pesos.

"Sorry, sir. Wala pa po si ma'am fedeli..."

"Kapag dumating siya, sabihin mo na gusto raw magreklamo ni niccolo nuevo, 'yong pinaasa niya kamo na reretohan niya ng isang nursing student no'ng college kaso wala siyang nireto."

Kapag Ayaw, May Dahilan (Life Series #4)Where stories live. Discover now