Kabanata 18.1

55 11 6
                                    

Special Chapter

Inuman session

•••

Matapos ang kantahan na iyon, ibinagsak namin ang aming sarili sa sopang malambot.

"Kakapagod maging sawi ta's stress at the same time!" sigaw ko.

"Kulang, pre! Kulang talaga tayo ng alak! Hindi mapapawi ang mga kalungkutan at dalamhati natin ng kape-kape lang! Kulang tayo sa alak at outing, eh! Tara, dagat tayo tapos doon maglaklakan!" sambit ni lance.

Tinignan lang namin siya na may pagkairita. Napangiwi na nga lang rin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.

"Tignan mo ang hinayupak na 'yan. Ang lakas ng loob mang-aya pero wala namang pera!" sambit ko, talagang nagpaparinig kay lance.

"Bakit naman tayo magdadagat, ha? Gusto mo lunurin ka namin?" tanong ni jaq.

"Kasi nga sawi si niccolo!" tugon ni lance na may pagturo pa sa akin.

"Oh tapos? May pera ka ba?" wika ko.

"Ako, wala. Pero kayo, meron! Atsaka kung iiwan niyo ako sigurado akong makokonsensya lang kayo kasi maawain kayong demonyo! Sasabihin niyo na dapat pala sinama natin si lance kasi hindi tayo buo kung wala siya..."

"Kami makokonsensya sa'yo? Ano ka, ginto? Atsaka masaya kami kahit wala ka. Madalas hindi ka namin sinasama sa bilang kasi wala ka namang ambag kundi sama ng loob." sambit ni lucas.

"Makokonsensya kayo dahil ako ang konsensya niyo! 'tsaka love niyo ko, eh, hiya pa kayo umamin!" sabay pagtawa ni lance na mala-kontrabida.

"Feeling ko, seb, Ikaw talaga 'yong sawi rito. Mag iisang taon na rin pero hindi ka pa rin maka-move on talaga, ano? Kaya siguro gusto mo mag dagat para mag-unwind na naman?" saad ni jaq.

"Move forward lance, habang tumatagal ay lilipas din 'yong araw at makakalimutan mo rin 'yon si daniel. Hindi habang buhay stuck up ka lang sa nakaraan." sabi ni lucas.

Tinignan ko si lance na siyang katabi ko. Tingin na parang naaawa sa kaniya.

"Hindi ka rin pala pinili, ano?" malungkot kong sabi sa kaniya habang hinahaplos ang kaniyang likod. Nagbusangot pa nga ako para makisabay sa pagiging sad boy niya.

"Huh? Bobo ka ba? Pinili kaya ako! Tanga nito...ako nga nang-iwan, hindi ba? Atsaka hello! Nakamove on na 'ko! Hindi naman tumagal relasyon naming dalawa no'n, saglit lang din. Hindi ako gano'n kabaliw sa kaniya...please lang. Gawang kwento kayo. Kayo yata hindi pa makatanggap na wala na kami!" mabilis niyang pagdepensa sa sarili.

"Hindi, hindi naman si daniel ang tinutukoy ko."

"Oh, e di sino pala?"

"Iyong daddy niya! Bobo ka kasi, maling tao kinulam mo! Magpapakulam ka na rin lang hindi mo pa dinamay 'yong daddy! Hina talaga ng function ng brain mo lance! Effective na sana 'yong pina-inom mo na gayuma ro'n sa bebot mo, eh! Pero sana naisip mo rin 'yong pamilya no'n kung magugustuhan ka rin 'di ba?"

Hinawakan naman ni lance ang isa kong balikat at medyo niyugyog ito ng marahan. Mata niya'y nandidilat at dalawang kilay nito'y nakataas.

"Bobo, hindi lang daddy niya ang may ayaw sa akin pati buong angkan niya kamo! Maghihirap ako kapag buong angkan nila pinakulam ko, tanga! Atsaka hindi ko nga siya ginayuma! Tangina, naakit siya sa gwapo kong mukha, okay?" aniya na tinawanan namin ni jaq.

"Alam ko na kung bakit hindi ka type ng daddy ni daniel..." sabi ni lucas sabay higop sa kaniyang kape.

"Bakit?" tanong ni lance.

Kapag Ayaw, May Dahilan (Life Series #4)Место, где живут истории. Откройте их для себя