Kabanata 19

79 20 0
                                    

Pananatili

•••

Lunes, nakatitig lamang ako sa monitor ng aking pc dito sa office. Kahapon kasi nagdecide ako na magmove-on na sa nadarama ko para kay anna, at dahil patapos na din naman ang first term ng hawak kong klase, napagpasiyahan ko na magresign na bilang isang part time professor ng mga BSIT-1B. Siguro magbibigay na lamang ako ng taning na papasok na lamang ako kapag defense na nila at ibibigay ang kanilang grades agad sa registrar upang doon na lamang nila kunin ang kanilang class card.

"So, ano ang i-ta-type mo r'yan, 'dre? Huling habilin ba?" tanong ni aguilar na galing sa pantry na nag-refill ng tubig sakaniyang tumbler.

"Resignation letter ko sana para ro'n sa pinapasukan kong part time."

"Oh, bakit? Na-bully ka ba ng mga estudyante mo? Hindi ba maganda trato sa'yo ng mga katrabaho mo? Puro ka ba issue?"

"Gagu, hindi. Wala lang...ayoko na magturo."

"Bakit naman? Sa tingin ko nga nag-eenjoy ka, eh? Akala ko pa naman balak mo rin mag full time ro'n, anong nangyari?"

"Nag-eenjoy naman ako sa pagtuturo, sa totoo lang. Kaso, kasi, para bang wala naman akong mapapala kung tatagal pa ako ro'n. Wala roon 'yong hinahanap ko."

"Ano ba kasi hinahanap mo? Sarili mo? Hinahanap mo ba sarili mo, 'dre?"

"Basta! Alam mo, huwag ka na nga lang mag-talk ng mag-talk diyan, nag-iisip ako kung paano 'to sisimulan, eh!"

Hindi ko alam kung paano ko ba sisimulan ang resignation letter ko na balak ko rin ipasa ngayong araw. Maghalf day lang kasi ako sa trabaho ngayon dahil wala naman kaming ginagawa at pinayagan naman ako ng manager namin, nirason ko kasi na masama ang pakiramdam ko...bibigyan niya sana ako ng sick leave kaso sabi ko half day na lang ako ngayong araw at syempre hindi alam 'yon ni aguilar. Bahala siya r'yan ma-surprise.

"Simulan mo sa pagbati, 'dre!" sambit ni aguilar sa akin na nakapuwesto na sa kaniyang work station na katabi lang sa akin.

"Pagbati? Ano, binabati kita, gano'n?"

"Gagu hahahaha! Ako nga gagawa!"

"Ayon! Sige sige ayusin mo, ha?"

"No prob, 'dre! Just trust me on this! This is easy!"

"Lul, hindi ka katiwa-tiwalang nilalang minsan, aguilar!"

Natawa lamang si aguilar sa sinabi ko. Pilit kong sinisilip ang ginagawa niyang letter kaso pilit niya akong pinapalayo at tinatakpan niya 'yong monitor sa akin.

"Siguraduhin mo lang na maayos 'yan, ha? Yari ka sa akin kapag hindi!" banta ko sakaniya na tinawanan niya lang.

Kagaya kay lance, duda rin ako sa pagkatao nito ni aguilar, eh. Pero dahil hindi ko alam kung paano sisimulan ang isang resignation letter, eh, hinayaan ko na lamang siya na gumawa nito. Hindi pa kasi ako nakakapag-resign sa trabaho, itong una kong trabaho na yata ang magiging huli rin, ganito siguro ako ka-loyal? Kahit na habang tumatagal, eh, hindi ko nakikita ang sarili ko na u-me-excel sa trabaho na ito.

Nag-focus na lamang ako sa trabaho ko at paggawa ng user interface design ng isang client namin.

"Tapos na!" wika ni aguilar makatapos ang ilang minuto.

"Pabasa nga!"

"Sinend ko sa email mo, tignan mo."

"Personal email o 'yong work email?"

"Personal syempre!"

Binuksan ko ang aking email; n1cc0l0nu3v0@gmail.com

Binuksan ko ang message na mula kay aguilar at akin itong binasa ng tahimik.



Kapag Ayaw, May Dahilan (Life Series #4)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن