Kabanata 14

69 20 0
                                    

Ako at mga guro

•••

Nagpatuloy-tuloy ang mga special performance ng mga estudyante sa harap, madalas mga estudyante na kasali sa mga kung ano-anong organization mayroon ang school na extracurricular activity na rin nila.

"Oo nga pala, niccolo, pre..." bulalas ni lucas.

"Ano 'yon?"

"Maghanda ka na mamaya, alam ko magtatanghal ka, eh."

"Huh? Ako? Wala naman akong sinalihan, ah?"

"Ahh kasi ano...ako nagsuggest."

"Gagu! Anong trip mo?"

"Trip kasi nila ako, ayoko na magtanghal sa harap kasi nagawa ko na 'yon last year. Isang kahihiyan, embarassing moment ng buhay ko 'yon na ayaw ko na maulit pa."

"Kaya pinasa mo sa akin? Siraulo ka talaga! Nahahawa ka na yata kay lance, eh?"

"Siraulo. Atsaka huwag ka na magreklamo, sa pagkakaalam ko, type ni anna ang lalaking may maganda ang boses."

Siniko ko ng may kalakasan si lucas.

"Aray, Bakit?" aniya ng mahina.

"Naknampotsa ka lucas, kitang pangit boses ko, eh!" pabulong kong saad.

Tinapik niya ang isa kong balikat at tumawa ng mahina.

"Goodluck, pre. Sisiguraduhin ko na bi-video-han kita para masend ko kina lance at jaq sa gc."

"Para kang---"

"Sir Niccolo Nuevo, adviser of BSIT - 1B! Please come here on stage!" bulalas ng MC.

Naknampotsa, ano naman kakantahin ko?!

"Goodluck, pre hahaha!" pang-aasar ni lucas.

"Buwisit ka talaga! Malapit na kita i-un-friend sa facebook, eh!"

"Dalian mo na pumunta ka na roon! Atsaka type rin ni anna 'yong lalaking confident." pagtutulak niya sa akin palayo sa puwesto.

"Confident...siguraduhin mo, ah!"

"Oo!" sabay thumbs up pa niya sa akin.

Pagtungtong ko sa stage, tanaw ko kaagad ang madaming tao. Nakita ko 'yong mga mandirigmang kabataan ko kumakaway at sumisigaw-sigaw ng; "Wooohh! Go sir nuevo! Sir Nuevo Singerist!".

At syempre, tinungo rin ako ng aking mga mata sa puwesto ni anna, katabi ni ingrid sa may harapan...bandang left side. Nakangiti sa akin.

Naknampotsa, her smile can choke me, mommy!

"Ano pong kakantahin niyo, sir?" mahinang sabi no'ng estudyanteng naka assign sa sound system na nakapuwesto sa ibabang gilid ng stage.

"Ahmmm...when you say nothing at all." wika ko na medyo kaming dalawa lang ang nakakarinig.

"Okay sir!"

Nagsimula ng itugtog ang kanta. Hawak ng aking kaliwang kamay ang mic at sa kabilang kamay ay ang iPhone ko para sa ginugel kong lyrics ng kanta.


🎶When You Say Nothing At All by Ronan Keating🎶


"There's a truth in your eyes
Saying you'll never leave me.
The touch of your hand says you'll catch me wherever I fall..."

Pagkanta ko with feelings. Oo, dinamdam ko 'yong awitin tapos napapatingin ako sa puwesto ni anna. Nanonood lang siya at nakangiti sa akin. Dapat na ba akong kumuha ng voice lesson?

Kapag Ayaw, May Dahilan (Life Series #4)Where stories live. Discover now