Kabanata 2

142 25 7
                                    

Sa library lang titingin

•••

Pagka-uwi ko sa bahay galing trabaho nagulat na lang ako bigla dahil bukas ang pinto, hindi naka-lock. Sa pagkaka alam ko ay ni-lock ko ito kaninang umaga bago umalis.

What the fuck? Pinasukan yata ako ng magnanakaw, ah?

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at ang tumambad sa akin ay ang mga ulo ng mga bwisita ko na prenteng nakaupo sa sofa.

"Pambihira! Bahay niyo?!" tanong ko sa kanila. "Atsaka paano kayo nakapasok dito?" dugtong ko habang padabog na isinara ang pinto.

"May duplicate key ako na binigay ni salem, 'di ba?" sambit ni jaq.

"Tapos 'yong duplicate key niya, eh, dinuplicate rin namin ni lucas." saad ni lance.

"Wow! Bahay ng lahat na pala ang bahay ko!" naiinis kong sabi sa kanila.

Hindi man lang ako ininform ng mga 'to! Desisyon na sila!

"Oo nga pala niccolo," lumapit sa akin si lance at inakbayan ako.

"Bakit?" naiirita kong pagtanong.

Basta sa lalaking 'to, iritang irita agad ako.

"May pera ka ba d'yan?"

"Wala."

"Luh? ikaw? Aysus! Ikaw, mawawalan ng pera? Hindi ikaw 'yan!"

"Tangina anong akala mo sa akin may partnership sa microsoft?"

"Galit na galit? Ano, nabusted ulit?" pang-aasar pa ni lance sa akin.

"Tanga! Hindi, nasa process pa ako ng pagmomove-on!"

"Ahh, hindi mo talaga ako papautangin?" nilahad ni lance ang kaniyang palad sa harapan ko.

"Pambihira, magkano ba?!"

Pesteng sarili 'to, masyadong mabait! Kaasar!

"Five bucks, bayaran ko sa sahod, promise! Cross my heart! Mamatay man ako, pamilya ko, kapitbahay namin, kamag-anak ng kapitbahay namin!" pamamanata ni lance sa akin na may kasama pang paawa effect.

"Five? Gagu! Anong akala mo sa akin nagtatae ng pera?" pag angal ko.

"E di ten?"

"Five na lang! Bayaran mo ako kupal ka, ah!"

Kumuha ako sa pitaka ng limang libo at inabot ito kay lance. Sabagay, nag-iipon din siya para makabili ng motor at bagong bahay. Dapat sa isang 'to inuunawa palagi, eh. Buti na lang maunawain ako.

Umakyat ako sa kuwarto upang magpalit ng simpleng damit. Bitbit ko na rin ang laptop ko pagbaba sa sala.

"Kumusta naman pala ang unang araw mo sa pagtuturo?" tanong ni jaq sa akin na medyo huli na dahil no'ng nakaraang sabado pa 'yon.

"Easy, basic." tugon ko na confident pa nga.

"Anong tinuro mo?"

"Wala! Pinauwi ko kaagad sila! O 'di ba easy, basic."

"Sabagay, first day pa lang naman..." sambit ni lucas.

Bukas ang unang totoong turo ko sa mga estudyante. Hindi ko alam kung paano ko ba gagawin iyon dahil no'ng first year college ako chill lang naman ako no'n, puro kalokohan pa nga...hindi pa ako seryosong tao no'n.

"Ahh basta! Sisiguraduhin ko na may matututunan ang mga kabataan na hawak ko sa akin hahahaha!" sabi ko.

"Hindi na ako aasa...duda ko sa'yo." wika ni jaq.

Kapag Ayaw, May Dahilan (Life Series #4)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin