Kabanata 1

259 40 26
                                    

Si Niccolo

•••

Love is indeed the most shining, shimmering, splendid thing in the world! lalo na kung 'yong mahal mo ay mahal ka rin, kaso bakit ganito ako? Anong mali sa akin?

"Bakit? Bakit hindi niya ako minahal? Bakit?! Mabango naman ako, mamahalin pabango na nga 'tong gamit ko, eh! Bakit nagbigay siya ng motibo sa akin na parang gusto niya ako pero hindi naman pala! Masaya ba ako pagtripan, ha?! 'yong isa kong ex, pinagpalit ako sa malapit! 'yong isa naman niloko ako! Bakit nangyayari 'to sa akin? Bakit?! Tell me, why?!"

"Hindi ko po alam sir...hindi naman po ako backstreet boys, grab driver niyo lang po ako. "

Lasing na naman ako dahil sa pag-ibig! I'm drunk in love! Akala ko pagka-graduate ko sa college makikita ko na ang the one for me pero anong nangyari? Baka tama nga si lance, alak nga yata ang the one for me kahit hindi naman ako tumatagal sa inuman!

Naramdaman ko ang pag-alalay sa akin ng isang lalaki pagkarating ko sa bahay.

"Tangina ka niccolo, ano na nangyayari sa'yo?" sambit ng isang pamilyar na boses.

"Jaq! Hahahaha namiss kita pare! Balik ka na sa bahay ulit please? Hmmm?"

"Inamo, tuwing gabi tayo nagkikita! Atsaka ano kita? Syota?"

"Pinagpalit mo ako sa pinsan ko! Pinagkamalan ko pa si lance ang may gusto kay xowie, ikaw pala! Tangina nito!"

"Ang ingay mo, kaladkarin kita papasok, eh!"

Pagkapasok namin sa bahay ko malakas akong ibinagsak ni jaq sa sofa. Nakatulala lang ako sa kisame at para bang dinaig ko pa ang may sakit dahil sa katamlayan ko.

"Ouch! My heart! It hurts so bad!" pagdadrama ko.

"Tangina, wala ng pag-asa 'yan boy." rinig kong banggit ni lance.

"Hoy lasenggo! Gagawa pa tayo ng codes, hoy! Umayos ka diyan, ano ba problema mo?" rinig kong sabi ni lucas.

"Nandito kayo? Bakit? Dadamayan niyo ba ako sa dalamhati kong ito? Napakabuti niyo naman mga kaibigan talaga!" bulyaw ko.

"Bobo! Dalamhati mo mukha mo! Umayos ka na diyan kailangan na namin 'yong output mo!" sabi ni lance sa akin.

Sabagay hindi naman marunong makiramay 'tong si lance, hay nako! Hindi niya mararamdaman ang hinanakit ko!

"Osya kailangan ko na muna umalis, susunduin ko pa si salem sa airport kaya kayo na muna bahala kay art, ha?" sabi ni jaq habang nakatingin kay art na kandong kandong ni lance.

Bigla akong napabalikwas ng upo, "Uuwi na si xowie?!" tanong ko.

"Oo, uuwi na siya para magbakasyon kaya ayus-ayusin mo muna buhay mo niccolo baka ako pa sisihin no'n dahil pinabayaan kita uminom mag-isa!"

Nag-iba na talaga si jaq simula no'ng grumaduate siya at no'ng umalis si xowie papuntang spain tapos no'ng dumating si art sa buhay niya. Napalibutan na siya ng blessing lalo na dahil kaibigan niya ako, isang blessing in disguise talaga ako sabi ni mommy.

Inayos ko ang upo ko sa sofa at tinignan si jaq.

"Kasi 'yong babaeng gusto ko, hindi pala ako gusto." malungkot kong sabi.

"Share mo lang?" pag-eepal ni lance sa pagdadrama ko.

Dumampi ang isang kamay ni jaq sa aking balikat at dahan-dahan tinapik ito.

"Condolence, pre." aniya.

Pagkasabi niya no'n ay agad niya ng tinungo ang pinto at umalis. Tinignan ko ang dalawang kupal na nakatingin sa akin.

Kapag Ayaw, May Dahilan (Life Series #4)Where stories live. Discover now