Kabanata 27

72 16 0
                                    

Uusad lahat

•••

Pagkaalis ng jeep na sinasakyan ni ingrid, eh, bumalik ako sa bahay ng pamilya ni ellaine upang makisali sa larong lucky nine ng mga mandirigmang kabataan. Bandang alas-diyes no'ng nagpaalam na kami sa magulang ni ellaine na uuwi na.

Pagka-uwi ko sa bahay, nakita ko si jaq na prenteng naka-upo pa rin sa sofa, hawak-hawak ang cellphone nito.

"Umuwi na 'yong dalawa?" tanong ko dahil pasado eleven-thirty na.

"Oo, kanina pang ten-thirty."

"Bakit hindi ka pa umuwi? Anong oras na, ha? Paano si art?"

"Maaga pinatulog ni mama si art, atsaka walang tao rito, baka mapasukan ng magnanakaw kaya hinintay na lang kita."

Napahiga pa nga siya sa sofa at nakatuon pa rin ang kaniyang atensyon sakaniyang cellphone. Napaupo ako sa single couch at pinatong ang aking paa sa maliit na mesa na nasa gitna.

"Tapos na video call session niyo ni xowie?" tanong ko.

"Kanina pa, alam mo naman na anim na oras ang timezone pa-manila to madrid. Naka beauty sleep na 'yon ngayon."

"Malapit na siya gru-ma-duate."

"Kaya nga, eh. Malapit na rin siya umuwi...as in uwi, hindi bakasyon."

Bilib talaga ako sa tatag ng pagsasama nilang dalawa...ilang taon na sila tapos LDR pa. Ang pag-ibig nga naman wala talaga sa distansya.

"Oo nga pala, jaq, may tanong ako sa'yo." sambit ko sakaniya habang sumasandal sa inuupuan ko.

"Ano 'yon? Huwag lang math, ah!"

"Math? Alam mo naman bobo tayo ro'n, eh!" natawa lang siya.

"Hindi ba dati, no'ng college tayo..." hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sakaniya na hindi magpapatrigger sakaniyang nakaraan. "Nevermind na lang pala." tangi kong nasabi.

"Ano nga 'yon? Tanungin mo na habang nandito pa ako."

"Baka ma-offend ka kasi..."

"Hindi 'yan."

Napabuntong-hininga muna ako, tinignan ko na lamang ang kisame.

"Noong panahon na hinihiwa mo 'yong...wrist mo...bakit mo 'yon ginagawa? Balak mo ba no'n magpakamatay? Suicidal ka ba no'n?" seryoso kong tanong.

"Hahahaha hinay-hinay lang sa pagtanong, ha! Hmm, ano ba una kong sasagutin sa tanong mo?"

"Alam mo, hindi mo naman kailangan sagutin 'yon kung ayaw mo."

"Bakit mo muna natanong, ha? May problema ka ba?"

Rinig ko ang pag-ayos ni jaq sakaniyang pagkakaupo sa sofa. Panigurado ako na nakatingin na siya sa akin.

"Iyong pinuntahan ko kanina, lamay 'yon ng isa sa mga estudyante ko. Suicide ang cause of death."

Rinig ko ang pagsinghap niya, hindi naman malakas parang sakto lang na maririnig sa tahimik na paligid tulad ng sala namin.

"Wala ba siyang iniwan na suicide letter?" tanong niya.

"Wala nga, eh."

"Baka akala niyo lang wala...pero ang mga taong nakakaramdam ng matinding pagkalumbay, eh, kakaiba 'yan mag-isip. Baka may hints na siyang pinapakita dati pa pero wala lang nakakapansin?"

"Kagaya naman ng ano?"

"Halimbawa na lang ako, dati. Palagi akong nakasuot ng jacket kahit mainit, hint na 'yon na may tinatago ako na hindi puwedeng makita ng iba."

Kapag Ayaw, May Dahilan (Life Series #4)Where stories live. Discover now