CHAPTER 38: NEW SCHOOL YEAR

161 44 5
                                    

TIME flies so fast, parang kailan lang ay first day ko pa lang sa grade eight pero ngayon ay grade nine na kami

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

TIME flies so fast, parang kailan lang ay first day ko pa lang sa grade eight pero ngayon ay grade nine na kami. Ang kaibahan nga lang, loner ako noon pero may mga kaibigan na ako ngayon. Salamat sa mga taong mas ginawang meaningful ang buhay ko.

Pagkapasok ko pa lang sa gate ng aming campus ay natanaw ko na kaagad sina Shannyn at Angela na masayang nag-uusap sa may school park. Wala pa ring pinagbago, maingay pa rin sila. Ilang metro pa ang layo ko mula sa kanila pero dinig na dinig ko na kaagad ang usapan nila.

"Talaga? Sa sokreyts din siya?" tanong ni Shannyn kay Angela. Hindi ko alam kung sino na naman ang laman ng usapan nila.

"Oo, hinanap ko pa talaga ang pangalan niya sa list of sections," abot tenga ang ngiti na tugon ni Angela.

"Sino na naman 'yang pinag-uusapan niyo?" sabat ko sa usapan nila.

"Si Angela kase, may crush sa sokreyts," walang alinalangang sagot ni Shannyn sa akin.

"Sokreyts?" nagtatakang tanong ko.

"Oo, 'yung section sa grade 11-STEM," sagot ni Angela.

"Sokreyst ba 'yun? Hindi ba So-cra-tes?" tanong ko pa. Hindi rin kasi ako sure sa tamang pronunciation niyon. Mahirap na, baka sila pala ang tama tapos mapahiya ako.

"Oo, basta, 'yun na rin 'yun," wika ni Angela na panay ang pagtingin sa mga dumadaan, halatang may hinahanap.

"Sino ba 'yang crush mo? Baka kilala ko pala," sabi ko sa kaniya.

"Secret lang natin to ha, pero John ang pangalan niya," pag-amin niya.

"Wow, hindi man kayo mahilig sa mga names na galing sa bible, 'no? Si Shannyn, may Grey Matthew. Tapos ikaw naman may John," panunukso ko sa kanila.

"Tapos ikaw may Luke. Matthew, Mark, Luke, John. O diba? Frienship goals tayo," pagtatapos niya sa sinabi ko.

"Duh, team Tristan pa rin ako hanggang ngayon. Tsaka bakit walang Mark?" Pagkasabi ni Shannyn doon ay siya ring pagdaan ni Sir Mark na ang balita ko ay magiging teacher daw namin ngayon. Napalingon ito sa amin dahil narinig niya ang pangalan niya. "Sorry po. Tinatanong ko lang po sila kung bakit walang mark 'yung class program namin hehe," pagpapalusot niya pero tinanguan lang siya ni Sir at kusang naglakad palayo.

"Muntikan tayo dun ah, ang ingay mo kase," bulong ni Angela nang makaalis si Sir Mark.

"Sorry na nga eh. Malay ko bang darating siya? Tsaka hindi naman siya 'yung tinutukoy natin," depensa ni Shannyn.

"Chill, guys. Pangalan lang 'yang mga iyan, baka magkawatak-watak pa tayo," pang-aawat ko sa kanila.

"What's up, guys?" Bigla namang dumating si Tristan. Hindi ko kaagad nakilala ang boses niya dahil parang mas lumalim ito. Napalingon din ako sa kaniya at kapansin-pansin ang pagtangkad niya.

My Intelligent Boyfriend [COMPLETED]Where stories live. Discover now