CHAPTER 35: LOVE TRIANGLE

181 44 16
                                    

Sa lumipas na mga araw ay naging busy kaming lahat sa school dahil malapit na ang Christmas break kaya tinatambakan na kami ng mga school works ngayon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Sa lumipas na mga araw ay naging busy kaming lahat sa school dahil malapit na ang Christmas break kaya tinatambakan na kami ng mga school works ngayon. Tapos na rin ang mga contests at hindi yata swerte ang school namin ngayong year kaya walang masyadong winners mula sa school namin  sa Division Level.

"Joanna, may tanong ako. Medyo seryoso 'to," wika ni Shannyn habang kinukulayan namin ang poster para sa final output namin sa isang subject.

"Parang may something kasi sa inyo ni Tristan. Alam ko naman na magpinsan kayo, pero parang may kakaiba talaga. No offense ha," seryosong saad niya. Parang concern lang naman siya sa amin dahil hindi nga naman maganda ang may something sa inyo ng pinsan mo.

"Sa atin lang 'to ha, hindi talaga kami magpisan ni Tristan... mahabang kwento," sagot ko. Hindi ko alam kung tama bang sinabi ko ito nang hindi alam ni Tristan.

"Paano nangyari 'yun? Hindi ba't magpinsan ang mga nanay niyo?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Sorry, pero wala talaga ako sa posisyon sabihin sa iyo," pagtatapat ko na mukhang naintindihan naman niya.

"Okay lang. Hindi ko rin ipagsasabi iyon, pati kay Angela." Hindi namin kasama ni Angela ngayon dahil sa ibang group siya napunta.

"Joanna!" Napalingon naman kaming pareho nang bigla akong tawagin ni Tristan.

"Ano na namang ginagawa mo rito, insan?" tanong ko sa kaniya. Trip ko talagang tawagin siyang insan para maasar siya.

"Thank you nga pala doon sa binagay mong book, ngayon ko lang natapos. Ang ganda!" pagpapasalamat niya. "Dahil diyan, may pa snacks ako sa 'yo!" Iniabot niya sa akin ang mga chips at chocolates na binili niya siguro sa cafeteria.

"Owemji, salamat sa snacks, Tristan!" sabi ni Shannyn at kumuha sa mga pagkain.

"Para kay Joanna 'yan, hindi sa 'yo!" sigaw ni Tristan at inagaw kay Shannyn ang chips.

"Friends naman kami ni Joanna, siguradong bibigyan niya rin naman ako!" depensa ni Shannyn at inagaw ulit iyon mula kay Tristan.

"Ang takaw mo talaga! Bakit hindi ka humingi roon sa Grey mo?" pang-aasar ni Tristan sa kaniya.

"Baket? Pinsan ko ba siya?" Napatiklop si Tristan nang sabihin iyon ni Shannyn.

"Hindi ko rin naman pinsan si Joanna," dahan-dahan at mahinahon niyang sambit. Isang lihim na naman ang nabunyag nang wala sa oras.

"Weh? Paano nangyari 'yun? Diba, magpinsan ang mga nanay niyo?" tanong sa kaniya ni Shannyn na para bang hindi pa siya nagtanong kanina sa akin.

"I'm adopted, mahabang kwento," simpleng sagot ni Tristan.

"Aww, sorry, Tristan," malumanay na wika ni Shannyn.

My Intelligent Boyfriend [COMPLETED]Where stories live. Discover now