CHAPTER 5: STREET FOODS

280 56 24
                                    

"Bring out your calculator, may quiz kayo ngayon about sa Slovin's Formula," pagkapasok pa lang ni Mr

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Bring out your calculator, may quiz kayo ngayon about sa Slovin's Formula," pagkapasok pa lang ni Mr. Niebes ay 'yan na ang ibinungad niya. Naalala kong hindi pa nga pala ako nakakabili ng scientific calculator dahil hindi naman namin ito masyadong gagamitin ngayong year.

"Sir, pwede po bang sa cellphone na lang gumamit ng calculator?" tanong ko na nagbabakasakaling pumayag siya. Kapag hindi siya pumayag ay mukhang babagsak ako, it's not a new scenario tho.

"Hinde, quiz 'yan kaya bawal kayong gumamit ng cellphone," sagot ni Sir kaya tinanggap ko na sa sarili ko na ito na ang ikasampung bagsak kong quiz ngayong school year.

"Pano ba 'yan, Sir? Wala po kaming calculator," pabebeng tanong ni Angelica.

"Sus maryosep kayong mga bata kayo, hindi ba't niremind ko kayo kahapon na gagamit kayo ng calculator ngayon dahil may quiz kayo?" sagot ni Sir kaya maarteng umupo na lang si Angelica dahil sa pagkapahiya. "Dalawa lang ang choice niyo, mag-solve kayo manually or humiram kayo ng calculator sa ibang section," dagdag pa ni Sir kaya umastang tatayo na sana ako para humiram ng calculator sa ibang section pero pinigilan ako ni Tristan na nakaupo sa likuran ko.

"Ito na lang ang gamitin mo," aniya na inaalok sa akin ang hawak niyang calculator.

"May extra ka pa ba?" tanong ko dahil ayoko namang siya ang walang gamitin dahil sa kapabayaan ko.

"Wala na, I can solve manually," mayabang na ngisi niya, magaling nga pala siya sa Math.

"Hindi na, manghihiram na lang ako," tanggi ko at naglakad na palayo, napansin kong sinundan naman ako ni Angelica.

Hindi na sana ako manghihiram dahil tinatamad ako at ayaw kong makasama si Angelica pero masyado namang nakakahiya kapag na-zero ako. Kung simpleng addition at subtraction lang sana ay kakayanin ko pa nang walang calculator pero Slovin's Formula ehh, ang daming pasikot-sikot.

Ang hirap kayang i-multiply ng margine of error sa total population tapos may pa-divide divide pa. Ibabagsak ko na lang siguro ito kung ipapa-solve nila ito sa akin manually.

"Saan tayo manghihiram ng calculator?" tanong ni Angelica na halos kasabay ko lang sa paglalakad. So kailangan palang magkasabay kami?

"Sa grade 9 na lang siguro, try natin," sagot ko. Sa tingin ko ay wala namang dalang calculator ang mga grade 7 at mas malapit naman ang room ng mga grade 9 compared sa grade 10 kaya sa grade 9 na lang kami manghihiram. Nasa iisang building lang kasi ang classrooms ng mga SSC.

"Okay. Nakakainis naman kasi si Sir nye nye eh," maarteng sagot ni Angelica na nag-roll eyes pa. Sir nye nye?

"Sinong Sir nye nye?" tanong ko sa kaniya. May bagong teacher ba kami?

"Duh, si Sir Joseph NIEbes. Ang slow mo talaga kahit kailan." sagot niya na diniinan pa ang unang syllable ng apelyido ni Sir. Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

My Intelligent Boyfriend [COMPLETED]Where stories live. Discover now