CHAPTER 1: FIRST DAY

507 69 19
                                    

[Joanna Beatrice Mariano]

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

[Joanna Beatrice Mariano]

"Ang aga namang magising ng alaga ko ngayon, excited ka 'ata?" tanong ni Yaya Rosie nang makababa ako sa hagdan ng aming bahay na nakabihis na para sa school.

"Of course not, what's exciting about school?" masungit na tanong ko sa kaniya. There's nothing to be excited about going to school. I don't feel like talking to fake people today.

"Sabagay, plastic nga pala ang mga friends mo kaya there's nothing to be excited with," tatango-tangong sagot ni Yaya. Si Yaya talaga, ang dami niyang alam. She actually knows everything about me.

Si Yaya ang nag-aalaga sa akin dahil busy palagi ang mga parents ko sa work. Sa katunayan ay nasa Germany sila ngayon para mag-asikaso ng businesses kaya kaming dalawa lang ni Yaya ang naiwan ngayon dito sa bahay. My yaya knows me more than my parents do. Maging ang mga fake friends ko ay madali niya ring makilatis. Well, that's because I don't have any real one.

"Bilisan mo sa pagkain, baka nakakalimutan mong pagco-commute ang transportation mo ngayong school year," pagpapaalala sa akin ni Yaya. That's how pathetic my parents are when giving punishments.

"Siyempre hindi ko naman makakalimutan 'yun, kaya nga maaga akong nagising ngayon eh," masiglang sagot ko sa kaniya. Ang totoo ay maaga talaga akong nagising ngayon dahil sa katangahan ko, imbes na 5 a.m. ay 4 a.m. ang nailagay kong alarm sa phone ko. Dahil hindi na ako makatulog, nag-decide na lang akong mag-prepare na para sa school.

"Siya nga pala, 100 pesos lang ang daily allowance mo this year ayon sa parents mo," sagot ni Yaya. Siya kasi ang humahawak ng allowance ko na galing sa parents ko.

Grabe naman palang magbigay ng parusa ang parents ko, tinanggalan na nga ako ng driver, binawasan pa ang allowance ko. Ito ang parusa nila sa akin dahil hindi nila nagustuhan ang grades ko last school year.

Why do they keep on pushing me to do things that I don't want to? Being studious makes me feel like I'm not being myself anymore.

"Okay," I smirked.

Maaga pa kaya wala pang masyadong dumadaan na tricycle kaya wala akong choice kung hindi ang maglakad papunta sa terminal ng mga jeep. Nasayang lang ang nilagay kong very light na make up dahil pinagpawisan lang ako at naalikabukan dahil sa mga dumadaang sasakyan. Minsan ay naiisip kong hindi talaga ako mahal ng parents ko kaya ginagawa nila ito sa akin.

Nang makarating sa sakayan ay maswerte namang may isang jeep pa ang kulang ng isang pasahero kaya sumakay na ako. 10 minutes lang ang biyahe mula sa terminal ng jeep papunta sa Carreon East Academy kaya 6 a.m. pa lang nang nakarating ako.

Pagkarating sa school ay naabutan ko ang nagkukumpulang mga students sa bulletin board, mga transferees siguro. Hindi ko na kailangang makipagsiksikan dahil nakita ko na sa Facebook page ng school namin ang section ko pati na rin ang room number. Aside from that, hindi naman magbabago ang mga classmates ko dahil may rule sa Science Class na bawal madagdagan ang mga students sa isang section.

My Intelligent Boyfriend [COMPLETED]Where stories live. Discover now