CHAPTER 17: TRAINING BUDDIES

196 47 27
                                    

9 a

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


9 a.m. na yata nang makarating ako sa school. Okay lang na ma-late ako ngayon dahil hindi naman ako papasok sa klase at magte-training lang ako buong araw. Medyo masaya pala sa feeling kapag nasa training, ayos lang na bumangon nang late. 'Yun nga lang, magiging late rin ang pag-uwi namin.

Ang saya rin dahil yellow paper at mga ballpen lang ang dala ko ngayon dahil excuse naman kami sa klase. Nagdala na ako ng isang pencil case na may sandamakmak na ballpens para hindi na maulit ang nangyari noon. Baka bigyan na naman ako ng G-tec ni Luke, nakakahiya na hehe.

Walang katao-tao sa corridor habang naglalakad ako dahil nasa klase ang lahat. Dumeretso na ako sa Science Lab 1 dahil doon daw ang training ng lahat ng mga kasali sa Science Fair. Nang makarating ako ay halos nandoon na ang lahat kaya bigla akong nahiya. Baka isipin nilang tini-take advantage ko ang pagiging excused namin sa klase para makapasok nang late.

Natanaw ko naman si Luke na mag-isang nagbabasa ng book sa isang table. Medyo puno na rin ang ibang upuan sa ibang table at hindi ko naman kakilala ang karamihan sa kanila kaya nilapitan ko na lang si Luke.

"Hi," bati ko. Huminto siya sa binabasa at pinagmasdan ako. "Anong tinitingin-tingin mo?" tanong ko nang hindi niya pa rin inaalis ang tingin sa akin.

"May chocolate ka sa blouse," sagot niya. Hindi na niya ako pinansin pagkatapos nu'n at tinuloy na ang pagbabasa. Manggugulo talaga ako kapag hindi nanalo 'to. Wala na yatang ibang ginawa sa buhay kung hindi mag-aral.

Napatingin naman ako sa blouse ko at nakitang napakarami nga ng natapong chocolate sa blouse ko. Bakit naman kasi naisipan ko pang bumili ng chocolate frappe kanina sa village huhu. Proud na proud pa man din ako kanina habang naglalakad, 'buti na lang walang tao. Nakakainis, magmumukha talaga akong kinder na kumain ng chocolate hanggang mamaya.

"Joanna, nandiyan ka na pala. Kanina pa kita hinahanap." Hindi ko napansing nakapasok na pala si Ma'am Zeny dahil busy ako sa kakaisip kung ano ang gagawin ko sa blouse ko.

"Sorry po, Ma'am, medyo na-late ako hehe," sagot ko. Dapat talaga maaga na lang akong pumasok, edi sana hindi na ako bumili ng frappe.

"Okay. Anyway, bibigyan muna kita ng babasahin about sa paggawa ng essay. Kailangan ko pa kasing pumasok sa klase ko," sagot ni Ma'am. Inabot niya sa akin ang isang folder na naglalaman ng mga papel.

"Sige po," tugon ko.

"Okay, see you later," sagot niya at umalis na.

Napatingin ako sa hindi naman karamihang sulat na kailangan kong basahin. Tinitignan ko pa lang ito ay tinatamad na ako. Tama ba ang desisyon kong sumali sa contest na ito? Baka naman pwede pang mag-quit.

"Sinong coach mo?" tanong ko kay Luke dahil naiinip ako. Ang alam ko kasi ay hindi si Ma'am Zeny ang coach niya dahil coach ko na si Ma'am sa essay.

My Intelligent Boyfriend [COMPLETED]Where stories live. Discover now