CHAPTER 25: RESEARCH BUDDIES

187 47 24
                                    

"Your cousin is weird," bulong ni Luke nang makapasok kami sa library

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Your cousin is weird," bulong ni Luke nang makapasok kami sa library.

"I think so. Huwag mo na lang pansinin iyon," mahinang sagot ko. Hindi kami pwedeng magsalita nang malakas dahil lagot talaga kami sa librarian namin.

"Shall we start?" pormal na tanong niya.

"Yes, we shall," pormal ding sagot niya. Akala mo naman tinatanong ng "shall we go?" sa date eh.

Sinimulan na nga namin ang paggawa sa chapter two which is the methodology at katulad ng inaasahan ko ay may mas ihihirap pa pala ang research. After ng chapter na ito ay kailangan muna naming gawin ang experimentation bago namin magagawa ang next chapter.

"Hala, paano niyan? Wala pa tayong mga insects!" problemadong sambit ko. Kailangan ay one month before the experimentation ay prepared na ang mga insects namin. Kailangan na naming gawin ang experimentation next week para makahabol sa deadline ng next chapter.

"Ms. Mariano, you have to get out of this library if you can't remain silent," sita sa akin ng librarian kaya napatakip ako sa bibig ko.

"Sorry po," paumanhin ko.

"Ssh, you have to relax. I can handle that," mahinang sabi ni Luke. Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa dahil imposibleng marinig namin ang sinasabi ng bawat isa kapag magkalayo kami.

"Luke, hindi natin mabibili ang mga insekto," paalala ko sa kaniya incase na balak niyang bumili.

"Who told you that I will buy insects?

"Eh paano ka manghuhuli? Takot ka nga sa ipis, diba?"

"Will you please stop mentioning that I'm afraid of ipis especially when we are in public places? Come on, I can't buy and catch insects but I already paid someone to catch them for me."

"Wow! Iba talaga kapag mayaman."

Ibang klase talaga itong si Luke. Kaya pala matagal na niyang hindi binabanggit ang tungkol sa literal na mga pesteng iyon, nagawan na pala niya ng paraan.

"Hello, Joanna! Hi, Luke!" napatingin kami kay Angelica nang bigla niya kaming batiin. Kasama niya rin si Jermela, bati na sila.

"Hi!" bati ko sa kanila. Si Luke naman ay binigyan lang sila ng tipid na ngiti.

"Congrats nga pala sa inyo, isa kayo sa mga pride ng school natin," bati naman ni Jermela sa amin.

"Salamat," tugon ko.

"Thanks," ani Luke.

Ayos na ako kina Angelica at Jermela, nagbago na sila at ramdam kong hindi na sila plastic sa akin. Friends ko na rin ulit sila pero hindi na katulad ng dati, hindi siguro talaga kami compatible para maging close friends. Masaya na akong sina Shannyn at Angela ang palagi kong kasama pero madalas ko rin namang kinakausap sina Angelica at Jermela.

My Intelligent Boyfriend [COMPLETED]Where stories live. Discover now