CHAPTER 8: JEALOUS

253 52 35
                                    

Kanina pa ako inaasar ni Yaya kay Luke dahil kinwento ko sa kaniya ang ginawang panlilibre sa akin ni Luke kanina

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Kanina pa ako inaasar ni Yaya kay Luke dahil kinwento ko sa kaniya ang ginawang panlilibre sa akin ni Luke kanina. Wala siyang ibang bukambibig ngayon kung hindi si Luke, kung hindi siya titigil ay iisipin ko talagang siya ang may gusto kay Luke.

Minsan, nalilito rin ako kay Yaya. Sabi niya sa akin ay masyado pa raw akong bata para sa boyfriend boyfriend na 'yan. Pero ngayon ay inaasar niya ako.

"Ayos naman si Luke, gwapo tapos matalino pa!" pambubuyo pa ni Yaya.

"Ang gulo mo, Yaya. Sabi mo masyado pa akong bata para sa love life tapos ngayon ine-encourage mo ako," panunumbat ko sa kaniya pero ginantihan niya lang ako ng malakas na tawa.

"Ako ka ba, crush lang naman. Unless may iba kang ibig sabihin?" nanunuksong sagot ni Yaya. Ano ba ang pinagsasabi niya?

"Hindi ko nga siya crush!" depensa ko kaagad. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nagsisinungaling ako nang sabihin ko iyon.

Crush ko na ba si Luke?

"Okay, ba't defensive?" mapang-asar pang tanong ni Yaya.

"Kailan nga pala uuwi sina Mommy at Daddy?" pag-iiba ko sa usapan.

"Sa December pa siguro, baka hindi sila makakauwi sa birthday mo," malungkot na sagot ni Yaya.

Bigla naman akong nagsising pinalitan ko pa ang topic, nalulungkot ako kapag naiisip kong walang time para sa akin ang parents ko. Never silang nagkulang sa pagbibigay sa akin sa mga materyal na bagay pero hindi ko kailangan ang mga 'yon, oras at atensyon ang kailangan ko.

"Ayos lang naman na maging crush mo si Luke, isu-support kita!" binalik ni Yaya ang topic kay Luke para pagaanin ang atmosphere.

"Tigilan mo ako, Yaya. Kaunti na lang ay iisipin kong ikaw talaga ang may gusto sa kaniya," pang-aasar ko sa kaniya. Isang beses niya pa lang naman nakita si Luke pero grabe siya kung mang-asar.

"Kadiri naman ang trip mo, hindi ako pumapatol sa mga bata," nakangusong sagot niya. Nandiri siguro sa idea ko.

"Bakit ba kasi inaasar mo ako sa kaniya? Kilala mo ba ang ugali niya?" panunumbat ko. Ginantihan niya ako ng nanunuksong tingin.

"Hindi naman, napapansin ko lang kasi 'yung nga tinginan mo," sagot niya. Ano namang meron sa mga pagtingin ko?

"Napano?" naguguluhang tanong ko.

"Basta, alam kong may gusto ko sa isang tao base sa paraan ng pagtingin mo sa kaniya," makahulugang sagot niya. Expert talaga si Yaya pagdating sa ganyang mga bagay. Pero hindi ko pa rin matanggap ang fact na may napapansin daw siya sa pagtingin ko kay Luke.

"Dala lang siguro 'yan ng kakapanood o kakabasa mo ng romantic stories, Yaya. Normal lang ang tingin ko kay Luke, hindi ko siya crush," pagtanggi ko sa paratang niya kahit ako mismo ay hindi sigurado sa sinasabi ko.

My Intelligent Boyfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon