CHAPTER 19: BIRTHDAY GIRL

189 48 44
                                    

"Ano ang balak mo sa birthday mo?" biglang tanong ni Yaya habang kumakain kami ng popcorn at nanonood ng movie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ano ang balak mo sa birthday mo?" biglang tanong ni Yaya habang kumakain kami ng popcorn at nanonood ng movie. Wala naman kasi akong homework na kailangang gawin kaya nag-decide kami na mag-movie marathon na lang.

"Huwag mo munang isipin 'yun, Yaya. Malayo pa naman," sagot ko. Ayaw ko munang pag-usapan ang tungkol sa birthday ko dahil hindi naman ako excited.

"Malapit na kaya, next month na rin 'yun," sambit niya. Mas excited pa siya palagi sa birthday ko kaysa sa akin. "Ayaw mo naman ng enggrandeng party tulad ng gusto ng parents mo," sinimangutan niya ako.

"Aanhin ko naman ang enggrandeng party kung wala naman sila sa tabi ko? Anong gusto nila? Ako ang mag-entertain sa mga business partners nila?" parang may ipinaglalaban pa na sagot ko. Kung ang iba ay gusto ng bonggang party sa birthday nila, hindi ako ganu'n.

"Edi tayo-tayo na lang, 'yung mga kaibigan mo," pamimilit niya pa. Halatang ayaw niya talagang maging boring ang birthday.

"Kaibigan? Ano 'yun?" ngiwi ko.

"Huwag ka nang magpanggap na loner diyan, sino nga ulit 'yung mga new friends mo? Shanayn ba 'yun? Tsaka si Angel. Tapos pwede mo ring imbitahan si Luke! Mag-unli samgy tayo." Kiniliti niya pa ako sa tagiliran. Kung makakiliti, mali naman ang pagkakabigkas sa pangalan nina Shannyn at Angela.

"Shannyn at Angela kasi 'yun," inirapan ko siya.

"Edi Shannyn at Angela kase, ang arteng bata nito!" maarteng sagot niya at ginulo pa ang nananahimik kong buhok.

"Sige na," pagsuko ko.

"Payag ka nang imbitahan sila?" excited na tanong niya.

"'Di mo sure," biro ko.

"Joanna naman," sinamaan niya ako ng tingin.

"Oo na," napipilitang tugon ko. Problema ko pa tuloy niyan kung paano ko iimbitahan si Luke.

DAIG pa ng nanay itong sina Shannyn at Angela dahil hindi sila mapakali habang naghihintay sa resulta ng contest nina Tristan. Alas singko na pero hindi pa rin kami nakakauwi dahil gusto nilang hintayin muna namin ang pagbabalik nina Tristan mula sa MEU kung saan ginanap ang contest nila.

"Ang tagal naman nila, kinakabahan na ako," ani Shannyn habang palakad-lakad sa parking lot ng campus.

"Chill ka lang, sis. Mukha kang nanay ni Tristan diyan sa totoo lang," biro sa kaniya ni Angela. Hindi ko sila masyadong pinapansin dahil iniisip ko pa kung paano ko babatiin si Tristan incase na nanalo siya.

"Ano ka ba, masaya lang talaga ako kapag may nanalong representative mula sa school natin. Mas masaya kung mga kaklase natin," paliwanag ni Shannyn. Tama nga naman siya, ang tagumpay ng isa ay tagumpay naming lahat dahil nire-represent nila ang pangalan ng buong school.

My Intelligent Boyfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon