CHAPTER 9: NUTRITION DAY

228 52 43
                                    

Maaga pa lang ay gising na ako dahil hindi naman ako masyadong nakatulog

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Maaga pa lang ay gising na ako dahil hindi naman ako masyadong nakatulog. Magkahalong kaba at excitement kasi ang nararamdaman ko dahil ngayon na ang contest namin para sa nutri jingle.

Excited ako dahil ito ang unang contest na sasalihan ko ngayong high school na mapapanood ng buong school. Kinakabahan din ako at natatakot dahil baka puro judgment lang ang matanggap ko mula sa ibang mga tao. Hindi pa man din kami masyadong nakapag-practice dahil hindi marunong maki-cooperate ang iba naming team members. Hindi ko naman sinasabing sina Angelica at Jermela ang mga ito pero parang ganu'n na nga.

"Anong nangyari sa mga mata mo? Bakit mukha kang panda?" gulat na tanong ni Yaya nang bumaba akong walang hilamos man lang o tootbrush.

"Hindi ako nakatulog nang maayos, Yaya," matamlay na sagot. Kagabi at kanina ay halos hindi ako makatulog pero kung kailan umaga na at malapit na ang oras ng contest namin ay tsaka pa ako nakaramdam ng antok.

"Jusmiyo kang bata ka, ngayon na pa naman ang laban niyo!" problemanong sagot niya na hinawakan pa ang ilalim ng mga mata kong nangingitim dahil sa puyat.

"Sorry na, kinakabahan ako eh," wala pa ring ganang sagot ko dahil inaantok pa rin talaga ako. Ang malas ko talaga ngayong araw. Kailangang gisingin ko ang diwa ko dahil baka kainin ako nang buhay ni Janella kapag hindi ako umayos mamaya.

"O siya, kumain ka na para maayusan na kita," pabuntong hiningang sagot ni Yaya habang inilalagay ang mga pagkain sa mesa.

"Ang dami naman niyan," reklamo ko dahil gusto niya yatang ipakain lahat sa akin ang sandamakmak na pagkaing niluto niya.

"Aba, dapat lang na kumain ka ng marami para may energy ka mamaya," sagot niya habang nagsasalin ng gatas sa baso ko.

"Yaya, kilala mo ako. Hindi ako kumakain ng marami kapag kinakabahan ako," pagpapa-alala ko sa kaniya. Hindi talaga ako masyadong kumakain kapag kinakabahan or excited dahil pakiramdam ko ay masusuka ako.

"Ano ba naman kasi 'yang habit mong 'yan," nakasimangot na sagot ni Yaya.

"Bakit parang kasalanan ko pa?" nagtatampo kunwaring tanong ko.

"O siya, huwag mo nang damihan ang kakainin mo pero dalhin mo na lang sa school ang mga pagkain para hindi masayang," sagot ni Yaya kaya pinandilatan ko siya ng mata. Bakit ko naman dadalhin ang mga pagkain sa school?

"Yaya naman eh, ano ka? Grade one?" pagpo-protesta ko pero nginitian niya lang ako. Mukhang desidido na talaga siyang ipabaon sa akin ang mga tirang pagkain.

"Sige na, masama ang pagsasayang ng pagkain," pamimilit niya pero hindi pa rin talaga ako kumbinsido.

"Masasayang din naman dahil wala akong ganang kumain, kahit na dalhin ko pa 'yan ay hindi ko rin makakain hanggat hindi tapos ang contest," pagpapalusot ko pa. Ayos lang naman sa akin ang pagbabaon ng pagkain sa school pero hindi naman ang ganito karami. Magmumukha akong elementary pupil na spoiled sa parents kaya pinabaunan ng sandamakmak na pagkain.

My Intelligent Boyfriend [COMPLETED]Where stories live. Discover now