Kabanata 32

481 14 0
                                    

KABANATA 32

TAAS noong naglakad si Amberly sa malaking pasilyo habang ang mga katulong, mga kawal, at maging ang mga nagsisilbi sa kanyang ama ay nakayuko habang siya ay naglalakad papunta sa upuang dapat lang ay sa kanya

Naramdaman niyang hinawakan ng dalawang katulong ang kanyang napakahabang pulang balabal nang siya ay huminto sa pag-akyat sa ikalawang hagdan. Pagkatapos ay dahan-dahan niyang inupo ang sarili sa malaki at gawa sa kahoy na upuan na pagmamay-ari ng kanyang ama dati

Ito ang gusto niya, ang tingalain ng lahat at katakutan kung ano man ang dapat na katakutan sa kanya.

Hindi man lang siya gumalaw sa pagkakaupo ng dahan-dahang isinuot ng isang babae ang koronang gawa sa pilak na may halong nagkikinangang ginto at perlas. Those gems that are placed above the crown are emerald, ruby, sapphire and peridot

Halos mawalan ng lakas ang babaeng may hawak na korona habang dahan-dahan itong isinusuot sa kanyang ulo. Kilalang kilala na siya ng mga tao dito at huwag lang silang magkakamaling banggain siya kundi makaka-uwi talaga ang mga ito na hindi man lang nakaabot sa kanyang mga magulang

"Amberly—" itinaas niya ang isang kanang kamay na nakapatong sa armrest ng upuan para patigilin si Amatria sa pagsasalita

"You can go now—" walang kabuhay-buhay na taboy ni Amberly sa babaeng nagsuot sa kanya ng korona

Umatras naman ito at yumukod muna sa kanyang harapan bago ito tumalikod sa kanya

"Anong kailangan mo," ni tingnan ay hindi niya ginawa
"Amberly, patawarin mo ako kung wala ako sa tabi mo no'ng pinagalitan ka ng Hari. Pasensiya ka na kung hindi ko napigilan ang dukesa na lumapit sa iyong ama." Mahinang pagkakasabi nito na saktong sila lang dalawa ang makakarinig

Napabuntong hininga siya at ihinilig ang sarili sa upuan

"Ayos lang 'yun Amatria, alam kong wala kang lakas loob na ipagtanggol ako sa aking ama. Ayos lang sa'kin na hinayaan mo ang dukesang 'yun na mag-ulat ng tungkol sa akin kahit siya naman ang nauna. At ayos lang din sa akin na wala ka sa tabi ko dahil 'yun ang gusto mo." Mahinahong sagot naman niya na puno ng pang-uuyam

Matalino si Amatria at alam na nito ang kung anong nais niyang ipahiwatig, she's not that too stupid to just deny what she was saying.

"Amberly—"
"Makakaalis ka na Amatria, I don't want you to be here." Pagpapaalis niya kahit labag man sa kanyang kalooban

Mas higit na kailangan niya ito ngayon dahil ito lang ang taong nakakaintindi sa kanya. At halos madurog ang kanyang matigas na puso ng makitang dahan-dahang itong tumalikod sa kanya; akala niya mahal siya ng kanyang kakambal

Kung tunay ngang nandito ito para kuhanin ang kanyang loob, bakit hindi nito ipinagsiksikan ang sarili para magka-usap silang dalawa: napagod na ba itong makasama siya?

Pasimple niyang pinahid ang luhang tumulo sa kanyang kaliwang mata. Si Amatria na lang ang meron siya pero pati ang sarili niyang kakambal ay pikit matang tinalikuran siya; sapat na dahilan na hindi nga siya karapat dapat na bigyang pansin at isang taong walang halaga sa paningin ng iba

Marahas na nagbuga siya ng hangin

Pagod na siyang paulit-ulit na umiiyak sa tuwing sasapit ang gabi at umaga, ayaw niyang nakikita siyang umiiyak dahil nagmumukha lang siyang mahina at dapat na apak-apakan. She don't want  anyone saw her cry, unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asa

"Lalaban ako, hinding hindi ako bababa sa tronong ito. Because this is mine at pagsisikapan kung hindi mo ito makukuha sa'kin"

"PANSIN kong kanina ka pa tulala Amatria, may problema ka ba?" Tanong sa kanya ni Consoncia na hinawakan ang kanyang kanang balikat

Pasekreto niyang pinunasan ang luhang kanina pa pala nagsipatakan

"W-wala po, siguro namimiss ko lang ang nanay ko." Tugon niya at umiwas ng tingin sa Ginang para hindi nito makita ang mga mata niyang namamaga dahil sa kakaiyak

"Alam kong may problema ka Amatria, ibahagi mo ito sa akin. Papakinggan kita kung ano man iyan." Pagsusumikap ni Consoncia magsabi lang si Amatria sa kanya

"T-talaga po, makikinig kayo sa'kin?" Paninigurado pa nito na namumula ang ilalim ng mga mata habang singhot ito ng singhot

"Oo naman, total ay hindi ka naman iba sa akin. Sige, makikinig ako sa'yo" sagot ni Consoncia at sinuklay suklay ang buhok nitong kulay ginto

Naikuyom na lamang ni Amberly ang dalawang kamao ng makita niyang si Amatria at Consoncia ay nag-uusap. Nakangiti ang kanyang kakambal sa Ginang na pinanghihinalaan niyang tunay niyang ina

Gusto niyang siya lang ang kausap ng Ginang kahit na hindi sila magkalapit, gusto niya din itong maka-usap gaya ng kung paano nito kina-usap si Amatria

Bakit ba palagi na lang siyang nahuhuli pagdating sa pagkuha ng atensiyon ng mga tao, hindi ba siya magaling pagdating sa tungkuling ito? Kung kinakailangang manggamit siya ng isang tao para gawing utusan at ispiya ay gagawin niya—pero hindi. Nagbago na siya, hindi na niya iyon gagawin muli

"Tunay ka nga talagang mang-aagaw Amatria. Pati si Ginang Consoncia inagaw mo na sa'kin, sige lang. Magpakasaya ka muna sa ngayon dahil ako naman ang susunod sa yapak mo" kahit na kakambal niya si Amatria ay magagawa niya pa din itong saktan

Kilalang kilala niya ito at alam niya ang kahinaan ng kanyang kapatid at gagamitin niya iyon kapag may sapat na siyang panahon para sirain ang imahe nito sa nakararami. Walang makakabagsak sa kanya, walang makakatalo sa kanya, at walang makakapagpatalsik sa kanya kung saan siya na ang kataas-taasan ngayon sa lahat lahat

"Ayos lang sa'kin na maagaw mo ang atensiyon ng iba na dapat ay sa'kin, basta huwag mo lang agawin ang kaisa-isahang trono na hindi kailanman nararapat sayo—" sumpa niya sa kawalan at dali-daling tumalikod sa mga ito

Napatango tango na lang si Amatria sa mga sinabi ng Ginang sa kanya, inaasahan na niyang papayuhan siya nito at hindi naman siya binigo ng kanyang isipan. Pina-ulanan siya nito ng magagandang salita na galing sa puso ang bawat detalyeng inilalahad sa kanyang harapan

"Naiintindihan ko po Ginang Consoncia," tugon niya at hindi maiwasang mapangiting muli dito

"Mabuti naman at nakuha mo na ang nais kong iparating sa iyo Amatria, subukan mong kausapin siya baka sa oras na ito ay pakikinggan ka na niya, ikaw na nga ang may sabi sa'kin na magkapatid kayo. Huwag mong sayangin ang panahon Amatria—lapitan mo na siya at huwag mong hintayin na magkakahiwalay kayo na ngayon ay nagtagpo na ang iyong mga landas—" mahabang pahabol na salita na dagdag ni Consoncia

"Tama po kayo Ginang, dapat ay lakasan ko ang aking loob. Higit na mas nakakaalam ang nasa itaas dahil wala akong ginawang mali, salamat po sa payo Ginang Consoncia; maging ikaw din ay matagpuan na ang iyong tunay na anak" tugon naman ni Amatria at niyakap ang Ginang

Walang pagsisidlan ng saya ang nararamdaman ni Consoncia ng Ang kanyang anak na mismo ang kusang yumakap sa kanya. Parang lumutang siya sa ere ng maramdaman niya ang isang yakap na nagmumula sa kanyang tunay na anak

Hindi niya maintindihan kung ano ang kanyang nararamdaman, para siyang naiiyak na hindi makahinga. Sana ay magkaroon din siya ng lakas loob na umamin ditong siya ang kanyang nawawalang ina na matagal na nilang hinahanap ni Maya

Sana bigyan siya ng tamang oras at panahon para makaamin na sa mga ito. Ayaw niyang maging duwag pero palagi na lang siyang pinangungunahan ng kaba at takot, takot na baka hindi ang mga maniwala sa kanya at kabang baka hindi niya masabi-sabi ng maayos sa mga ito

"Hintayin niyo ako mga anak, hintayin niyo ang pagbabalik ko." Bulalas niya habang nakatingin sa likuran ng kanyang panganay na anak

The Lost Goddess (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang