Kabanata 11

676 17 0
                                    


KABANATA 11

NAPAHIGPIT na lang ang hawak ni Luciano sa baril ng makita niya mula sa taas ang asawang bihag ng dalawang sundalong Amerikano.

Alam na niya kung bakit dali-daling nagpunta ang mga hayop na 'yan dito. Pinaghahanap pa pala ang kanyang asawa at bakit kasi niya nakalimutang palitan ang pangalan nito

"Bitawan niyo siya!" Sigaw niya mula sa taas at halos talunin at takbuhin na niya ang mga hagdanan

Napatingin naman ang dalawang sundalo sa kanyang gawi pero hindi nito sinunod ang kanyang utos

"Ang sabi ko, bitawan niyo siya! Get off both of your filthy hands around my wife!" Parang bulkang sumabog siya sa galit

Nang hindi pa din nito sinunod ang kanyang gusto ay hinaklit niya ang braso ng kanyang asawa at itinabi ito sa kanyang gilid sabay lingkis ng kanyang mabigat na braso sa bewang ni Consoncia

"Luciano?"
"Anong ginagawa niyo dito! Bakit kayo nakapasok sa teritoryo ko ha?!" Galit na galit na tanong niya sa mga ito na dumagundong pa ang kanyang boses sa apat na kasulok sulokan sa mansiyon

"Sir, iyang babaeng 'yan ay ang matagal na naming hinahanap. Siya 'yung babaeng tinutukoy namin sa'yo no'ng nakaraang buwan" sagot naman ng sundalo at tumayo ng tuwid sa harap ni Luciano

Tiningnan ni Consoncia ang kanyang asawa na ngayon ay mahigpit na mahigpit ang hawak sa baril na nakatutok sa dalawang sundalong Amerikano. Parang sanay na itong humawak ng baril dahil hindi niya man lang ito nakitaang nanginginig ang mga kamay

"Umalis na kayo—"
"Pero Sir."
"Ang sabi ko umalis na kayo!" Napapitlag na lang sa gulat si Consoncia ng kalabitin ni Luciano ang gatilyo ng baril
Napasigaw sa sobrang sakit ang isang sundalong Amerikano habang hawak hawak ang kanyang duguang braso

"Kapag sinabi kong umalis kayo, umalis na kayo! Asawa ko ang kinuha niyo at dito pa talaga sa pamamahay ko siya dinampot, mga lapastangan!" Parang nagkatrauma yata sandali si Consoncia sa pagsigaw ni Luciano

Ngayon lang niya ito nakitang sumigaw sa harap ng dalawang tao. Kailanman ay sobrang bait nito sa lahat lahat ng mga naninilbihan sa kanya. Hindi niya alam kung bakit ito nagagalit ng basta basta pagkalabas na pagkalabas nito sa pribadong opisina nito

Nakita ni Consoncia na inalalayan ng kapwa sundalo ang kanyang kasamahan papalabas ng mansiyon ni Luciano, ng makalabas na ang mga ito ay bumitaw siya sa pagkakahawak sa damit ng asawa at bahagyang lumayo dito

"Ano? Natatakot ka na ba sa'kin?!" Bulalas nito na ikinanginig ng kanyang dalawang kamay na kaagad niyang itinago sa kanyang likuran

"Luciano—"
"Halika dito!" Hinawakan na naman siya ni Luciano sa braso at kinaladkad  pabalik sa kanilang kwarto

"Ano ba Luciano nasasaktan ako!" Pagpupumiglas niya sa kamay ng bagong asawa

"Ba't ka lumabas ng kwarto ha! Hindi ba sinabi ko sa'yo na babalikan kita?! Ang tigas din pala ng ulo mo!" Pagsisigaw nito sa loob ng kanilang kwarto na ikinaiyak ng dalawa niyang anak

"Luciano, nagkakamali—"
"Tumahimik ka! Hindi ko kailangan ang paliwanag mo Consoncia," nanginginig sa sobrang galit na sagot ni Luciano na parang pinipigilan nito na hindi siya saktan

At dahil sa nakaupo siya sa kanilang kama ay dinaganan siya ng asawa at pinahiga sa kama habang ang kanyang dalawang kamay ay nakapinid sa gilid ng kanyang ulo

"Luciano, ano ba! Umalis ka sa ibabaw ko!" Reklamo niya at sinikap na iniwas ang sarili pero sadyang malakas si Luciano at hindi niya kinaya ang bigat nito

"Manahimik ka Consoncia! Matagal ko na talagang iniisip na bakit ayaw mong sumiping sa'kin. Kasal na tayo pero bakit hindi mo kayang ibigay ang gusto ko!" Lihis nito na nagpakaba sa kanya ng husto

Nangingilid na din ang kanyang mga luha sa mata at nagbabadyang tumulo pero hindi man lang iyon napansin ni Luciano

Oo nga't ganap na silang mag-asawa pero hindi niya kayang ibigay ang sarili dito. Natatakot siya sa posibleng mangyari

"Luciano, tumigil ka na paki-usap." Bumubulong na usal niya pero hindi man lang huminto si Luciano sa ginawang paghalik sa kanyang leeg

Parang hibang si Luciano, parang nakadruga ito dahil hindi niya ito nakilala. Ibang iba ang Lucianong nakikita niya ngayon—ito ba ang totoo niyang pagkatao?

Hindi na lamang pumalag si Consoncia sa ginagawa ni Luciano, nakatingin lang siya sa gilid habang ang kanyang mga malalaking luha ay tumutulo sa kanyang mga mata

Napapikit na lamang siya ng marinig niyang pinunit ni Luciano ang kanyang pang itaas na damit. Kung lalaban siya para protektahan ang sarili sasaktan siya nito at bubugbugin hanggang sa magsawa si Luciano

Tumigil si Luciano sa paghalik halik sa kanyang katawan at marahas na hinawakan ang kanyang mukha at walang sabi sabing ibinaling ang kanyang ulo sa sarili nito

"Kung papayag ka sa lahat ng gusto ko Consoncia, hindi ka sana masasaktan. Pero mukhang wala na akong pagpipilian sa ngayon—matigas ka pa sa bato." Usal nito at mas idiniin pa ang pagkakahawak sa kanyang palapulsuhan na tila mamamaga iyon at magkakaroon ng pasa

Nasasaktan siya sa bawat kilos ni Luciano, parang hindi siya nito asawa kung ituring. He's ruthless; and she contrite that she marry Luciano Guevara

Alam niyang imposible ang kanyang iniisip ngayon na hiwalayan si Luciano. Makapangyarihan ito, at tiyak na mapapasunod nito ang lahat ng tao sa mundong kinagagalawan niya sa pamamagitan ng pera nito

"A-ano ba, tama na!" Hindi niya alam kung saan siya nakakuha ng sapat na lakas na itulak si Luciano

Nahulog sa kama ang asawa at masamang tiningnan siya

"Ano bang problema mo Consoncia ha?! Alam mo ba kung gaano kita kakailangan? Anong klase kang asawa ha?!" Sigaw ulit nito

Napatakip na lang sa dalawang tenga si Consoncia habang rinig na rinig niya pa din ang patuloy na pagsigaw ni Luciano. Kahit sina Amara at Maya ay umiiyak na din dahil sa lakas ng boses ni Luciano, paniguradong nagulat ng husto ang kanyang mga anak dahil nakakakita at nakakarinig na ang mga ito

Hindi niya magawang magbitiw ng salita hangga't nandito pa si Luciano. Ayaw niyang makatikim ng isang sampal o suntok dito—she's under over Luciano, at wala siyang ibang pagpipilian kung hindi pagtiisan ito hangga't nabubuhay siya sa mala empyernong buhay na ito.

Ngayon lang niya napagtanto na unti-unti na siyang nagsisisi sa ginawang desisyon. Hindi na sana niya ito pinakasalan, nangako siya sa kanyang sarili na si Dominador lang ang kanyang mamahalin; pero ang walang hiya niyang puso ang kusang tumibok para kay Luciano

Naidilat ni Consoncia ang dalawang mata ng marinig niyang pabalibag na isinara ni Luciano ang pintuan ng kanilang kwarto. Mukhang nagalit nga niya ito ng husto dahil umalis na lang ito bigla bigla, mas mabuti na din iyon na umalis ang kanyang asawa

Dahil hindi niya kakayanin ang presensiya nito kapag malapit lang ito sa kanya

The Lost Goddess (Completed)Where stories live. Discover now