Kabanata 29

449 11 0
                                    


KABANATA 29

MALAKI ang ngiting nakapaskil sa labi ni Amberly habang nakatayo sa harap ng nakasiradong pintuan ni Amatria. Alas kwarto pa lang ng madaling araw ay gising na siya—pinagplanuhan niya talaga ito pero hindi niya sinabi sa kanyang kakambal, gusto niyang surpresahin si Amatria

Nagpalingon lingon sa kaliwa't kanan si Amberly bago kumatok ng tatlong beses sa pintuan ni Amatria—mahina lang iyon pero alam niyang maririnig iyon ni Amatria sa loob

"Amara, lumabas ka na diyan. May pupuntahan tayo!" Napatawa pa siyang ibinulong ang katagang iyon habang takip niya ang sariling bibig gamit ang dalawang kamay

"Amara!" Tawag niyang muli at kumatok ng tatlong beses

Ito lang kasi ang kanilang tanging oras kung saan, sila ay malayang dalawa na makapaggala sa paborito nilang lugar

Kapag alas sais na kasi ng umaga at hindi pa sila gising sa pagkakatulog ay may pumupuntang katulong sa kanilang kwarto para sila ay gisingin. Utos iyon ng Hari—dahil marami pa silang gagawin

At dahil sa wala siyang lengguwaheng natutunan kahit ni isa, kay Amatria lang siya umaasa. Natuloy lang ang koronasyon niyang iyon dahil ang lahat ng kanyang dapat na sabihin sa harap ng maraming tao ay isinaulo niya sa iba't-ibang lengguwahe kagaya ng Pranses, Aleman at Ruso. Kung wala siyang maintindihan sa mga pinagsasabi ng mga ito ay ipinapasalin niya iyon kay Amatria para maintindihan niya

Nangunot ang nuo ni Amberly ng walang nagbukas ng pintuan para salubungin siya—hindi siya sanay na hindi pinagbubuksan ng pinto kapag siya ay kakatok

"Amara!" Tawag niyang muli at pinihit ang siradura

Nagulat pa siya ng pagpihit niya ay bigla na lang iyon bumukas. Ugali ng kanyang kakambal na magsara ng pinto lalo na't mag-isa lang ito sa kwarto

Ipinasok niya ang kanyang ulo sa loob ng madilim na kwarto habang ang kanyang katawan ay nanatili sa labas

"Psst, Amara bumangon ka na diyan. Gagala na tayo; ano ka ba!" Gising niya sa kanyang kakambal

Nang mainip ay hinanap niya ang pindutan ng ilaw saka iyon ini-on. Bumungad sa kanya ang napakalinis na pagkakatupi ng kumot sa kama

Hindi niya maiwasang magtaka—

Nasaan kaya ang kanyang kakambal at bakit wala ito ngayon sa sariling kwarto. Hindi kaya ay nakitulog ito sa isa mga kaibigan nitong katulong?

Sa huli ay nagkibit balikat na lang si Amberly at lumabas sa kwarto ni Amatria na hindi pinatay ang ilaw

PAGKAPASOK na pagkapasok ni Amatria sa hapagkainan ay bumungad sa kanya ang pamilyang Mortilla, kompleto na ang mga ito at tanging siya na lang ang kulang para magsimula na itong kumain.

Nang magsimula siyang maglakad ang kauna-unahang tao na tiningnan niya ay si Amberly, nginitian niya ito ng magtama ang kanilang mga mata pero kabaliktaran ang naging sagot nito sa kanyang ibinigay na ngiti dahil sinimangutan lang siya nito at iniwasan siyang tingnan

"Natagalan ka yata Amatria," panimula ni Arthur ng makaupo siya sa kanyang upuan

"Ah, naglinis pa po kasi ako sa aking kwarto dahil may nagkalat na dumi" sagot naman niya

Totoo naman kasi 'yun. May dumi ng daga at muntik niya pang maapakan ang iilan sa mga 'yun

Sinungaling—

Bulalas ni Amberly na wala man lang boses na lumalabas sa bibig nito. What's with the sinungaling word?

"May mahalaga tayong bisita ngayon, nagmula siya sa bansang Espanya. Isa siyang dukesa at kailangan natin siyang pakitaan ng mabuting asal para naman maging mabait ito sa pakikitungo sa atin. Ikaw Amatria, ay ilalakad mo si Ginoong Wilfredo sa kabilang bayan dahil may tatagpuin siya doon—ikaw muna ang magiging sekretarya niya dahil nagkasakit si Rosemary" huminto muna ito sa pagsasalita at uminom ng kape

The Lost Goddess (Completed)Where stories live. Discover now