Kabanata 9

689 19 0
                                    


KABANATA 9

NAPAATRAS na lamang si Luciano sa pagkakatayo ng bumungad sa kanya ang libo libong press pagkabukas na pagkabukas niya sa pintuan ng kanilang mansiyon. Akala niya ay nakumbinsi na niya ang mga tao sa resepsyon na hindi totoo ang kanilang nakita, na isa lamang iyong ilusyon

"Sir, totoo po ba na hindi ordinaryo ang inyong anak?" Tanong sa kanya ng isang periyodista
"Hindi totoo iyon. Ordinaryo ang anak ko. Mali ang hinala niyo, makakaalis na kayo sa pamamahay ko" sagot naman ni Luciano at itinaboy ang mga taong nanggugulo sa kanyang pamamahay

Hindi pa alam ni Luciano kung bakit ganoon ang anak ni Consoncia, iba ito sa lahat ng bata na nakikita niya. Ang kapatid nito—si Maya ay ordinaryo naman na ikinataka niya

Akala ni Luciano ay imahinasyon lang iyon ng una niyang makita ang umiilaw na buhok ni Amara no'ng binuhat niya ito pero hindi pala. Nang makita niya itong muli kahapon ay naniwala na siya na hindi talaga isang ordinaryong bata ang anak ni Consoncia

"Kung hindi po talaga iyon totoo Sir? Bakit umiilaw ang kanyang buhok, paano niyo po ipapaliwanag iyon?" Tanong na naman ng isang periyodista sa kanya

"Wala akong dapat na patunayan sa inyo, ordinayo nga ang anak ko! Sige na, umalis na kayo dito." Pagpapaalis niya sa mga ito

Sinikap niyang maging mabuti sa harap ng mga ito, ayaw niyang masira ang kanyang imahe lalo na't tatakbo pa naman siya sa eleksiyon na gaganapin ngayong linggo

"Sir Luciano!" Tawag sa kanya ng iilan
"Palabasin niyo na sila. Siguraduhin niyong hindi na ang mga iyan babalik dito; naiintindihan niyo ba ako?" Istriktong utos niya sa kanyang limang guwardiya

Tumango naman ito at kumilos na

He want answers, ang daming gumugulo sa isipan niya. Gusto ni Luciano na malaman ang totoo kung anong meron kay Amara

NAPABANGON si Consoncia ng maramdaman niyang may humawak sa kanyang braso, bumungad sa kanya ang gwapong mukha ng kanyang asawa na masuyo siyang tinititigan

"Luciano? Bakit ka naparito sa kwarto ko?" Humihikab niya pang tanong kay Luciano

"Sagutin mo ang tanong ko Consoncia, ano ba talaga ang meron diyan sa anak mong si Amara?" Gulong gulo na asik nito

Kaagad naman nabaling ang atensiyon ni Consoncia sa asawa ng tinanong siya nito tungkol sa kanyang anak na si Amara

Buong akala ni Consoncia ay binabaliwala lang ni Luciano kung anong katangian meron si Amara. Ayaw niya sanang sabihin dito na hindi pangkaraniwan ang kanyang anak pero nagdadalawang isip siya

Delikado ang buhay ng kanyang anak. Kahit kasal na sila ni Luciano at dala dala na niya ang apelyido nito ay wala pa din siyang sapat na lakas para maniwala dito. Natatakot siyang baka gamitin ni Luciano ang kanyang anak laban sa mga kaaway nito sa negosyo, politika at iba pa

"Ba-ba't mo naman natanong Luciano? Alam mo na kung anong meron kay Amara." Sagot niya naman na hindi pinahalata sa mukha at boses ang kabang nararamdaman

"Gusto kong marinig mula sa'yo ang tungkol sa anak mo Consoncia, alam mo naman na para ko ding anak sina Amara at Maya: takot ka ba na baka ipapahamak ko sila? Nagkakamali ka Consoncia, ako ang asawa mo dapat ay magtiwala ka sa'kin" asik nito

Hindi niya alam kung pinapasakay lang ba siya nito o ano. Basta ang kutob niya ay hindi tamang ipagsabi niya sa kahit na sino kung ano talaga si Amara

Magsasalita na sana siya ng may biglang kumatok sa kanyang pintuan, nakahinga siya ng maluwag ng marinig niyang si Maggy pala iyon na tinatawag si Luciano at hinahanap daw ito sa kompanyang pinamamahalaan sa lungsod

"May sasabihin ka pa sa'kin Consoncia, sa susunod ulit wala na tayong oras." Habol nito at hinalikan siya sa nuo bago ito lumabas ng kanyang kwarto

Nang makaalis na si Luciano sa kanyang kwartong ay pinakawalan niya ang hiningang kanina niya pa pinipigilan

Halos mabaliw siya kakahukay kung anong ibibigay na rason kay Luciano. Ayaw niyang magsinungaling dito pero wala siyang pagpipilian. Tumayo siya sa pagkakaupo sa kama at kinuha si Amara sa kuna

"Amara anak, gusto kitang protektahan sa lahat lahat. Huwag kang mag-alala, aalagan at babantayan kita: pangako iyan." Tugon niya sa kanyang anak at hinalikan ito

NAKAUPO sa swivel chair na kampanteng nakaupo si Luciano habang sumimsim ng alak sa kanyang wineglass—kasama niya sa opisina niya si Victoria akala ni Luciano ay isa lang iyong pagtitipon pero nagulat siya ng pagpasok niya ay si Victoria ang bumungad sa kanya

"Ano na ang plano mo?" Nakahilig sa sofa na tanong ni Victoria habang ang isang binti ay nakapatong sa hita nitong nakababa

Tiningnan ni Luciano si Victoria at pasimpleng hinagod ito pataas baba, hindi pa din kumukupas ang ganda ni Victoria. Nakakaakit pa din ito hanggang ngayon

"Wala pa akong plano sa ngayon Victoria." Sagot naman niya at tumayo sa pagkakaupo at tinungo ang glass wall

Tanaw na tanaw ang buong siyudad. Kung gusto niya ng  kasagutan ay madalas siyang tumatambay dito para makapag-isip isip ng mabuti. Pero bakit ganoon? Bakit walang pumapasok sa isip niya kahit kunting ideya man lang para sa kanilang plano kay Consoncia

Napatingin si Luciano sa dalawang brasong pumulupot sa kanyang bewang, alam niyang si Victoria iyon

"Wala pa din ba Luciano? Ang bagal mo naman mag-isip, do you need my help?" Nang-aakit na tugon nito at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kanyang bewang

Hinawakan naman ni Luciano ang mga braso ni Victoria at pumihit paharap

"Bakit, ano ba ang naiisip mo?" Sagot naman niya at hinawakan ang kanang pisnge nito

"Gusto mong malaman kung anong plano ko? Sasabihin ko sa'yo mamaya kapag tapos na ako sa'yo." At mainit na hinalikan si Luciano

Hindi naman nagpatalo ang lalaki, gumanti din siya ng halik dito. Hindi na inisip ni Luciano ang asawang naghihintay sa kanya pabalik, taksil na siyang taksil pero hindi niya kayang ayawan si Victoria lalo na't may pagnanasa siya sa kaibigan dati pa

Their lips battled in sync

Matagal na itong pinapangarap ni Luciano, na mahalikan si Victoria. Wala siyang paki-alam kay Consoncia—ang gusto lang ni Luciano ay malaman ang tunay na sekreto ng anak ni Consoncia dahil alam niyang mapapakinabangan ito

Si Victoria na ang kusang tumigil sa kanilang halikan, lumayo ito ng kunti kay Luciano at pinadaanan ng haplos ang braso nito

"Ang plano ko sa asawa mo ay paiikotin mo siya, bilugin mo ang ulo niya Luciano. Gawin mo ang lahat mapaniwala lang siya basta ang importante ay makuha mo ang anak niyang si Amara

Kapag nagawa mo na iyon, malaki ang halaga ng batang 'yun kung sakaling ibebenta natin siya sa mga dayuhan kung sino ang interesado sa kanya" pagbabahagi ni Victoria na sinang-ayunan naman ni Luciano

Gusto niya ang ideyang naisip ni Victoria, hindi na siya mahihirapang kunin si Amara kung mapapamahal na talaga niya si Consoncia

Mukhang hanggal naman ang babaeng 'yun dahil wala naman iyong pinag-aralan. Nakakapanghinayang kung tititigan mo talaga siya ay mapagkakamalang may kaya sa buhay at matalino pero hindi naman pala

"Thanks to you Victoria, hindi na ako mahihirapang muli na makabangon." Sagot ni Luciano at hinalikang muli si Victoria

The Lost Goddess (Completed)Where stories live. Discover now