Kabanata 5

905 26 0
                                    


KABANATA 5

SUMAPIT ang kaarawan ng kambal at hindi nga napigilan ni Consoncia ang gusto ni Luciano para sa kanyang mga anak. Hindi siya sanay sa magarbong kasiyahan kagaya ng nakikita niya ngayon

Maraming tao, at halos lahat ng iyon ay kakilala ni Luciano. Hindi niya kilala ang ibang bisita pero may namumukhaan siyang mga kilalang negosyante, abogado, politiko, mga biskonde at baron

"Maggy, lahat ba sila ay kakilala ni Luciano?" Tanong niya sa sekretarya ni Luciano
"Hindi ko masasabing lahat Ginang, ang iilan sa kanila ay ngayon ko pa lamang nakita." Sagot naman nito sa kanyang tanong

Napaayos ng tayo si Consoncia ng humarap si Luciano sa kanyang pinagtataguan at mukhang hinahanap siya at ng makita siya nito ay bigla na lang siya nitong kinamayan

Wala sa sariling napaturo si Consoncia sa kanyang sarili para tiyakin kung siya ba talaga ang tinatawag nito. Tumango naman si Luciano at pinalapit siya para ipakilala sa mga bisita nito

Nang makalapit siya ay alanganin siyang ngumiti sa mga ito

"Sino siya Luciano? Asawa mo?" Nakangiting bungad sa kanya ng isang lalaking nakasuot ng puting tuksedo na may hawak pang kupita

Agad na yumuko si Consoncia para itago ang namumula niyang pisnge

"Oo, asawa ko siya. Mga kaibigan—ito pala si Consoncia, Consoncia mga kaibigan ko sa kabilang ibayo ng isla" pormal na pagpapakilala nito sa kanya ganoon din sa mga kaibigan nito

"Ang swerte swerte mo Luciano at ki ganda ng iyong napangasawa, anong kaganapan ang pagdidiwang na ito?" Singit naman ng isa pa na may kurpinyo pa sa kaliwang dibdib

Ngumiti naman si Luciano sa tanong ng kaibigan

"Unang kaarawan ng anak namin." Simpleng tugon ni Luciano na ikinaangat ng tingin ni Consoncia para tingnan ito

Pinagmasdan niyang mabuti ang mukha ni Luciano at nakita niya ang saya sa mga mata nito. Sila ba ang rason kung bakit masaya ito ngayon? Ayaw niyang umasa na sila nga ng kanyang mga anak ang pangunahing rason kung bakit abot hanggang langit ang ngiti na nakapaskil sa mga labi ni Luciano

"May anak ka na pala Luciano? Ba't hindi nakarating sa'min? Nakakapanghinayang naman at hindi namin nakita ang inyong anak pagkasilang na pagkasilang pa lamang?!" Tila gulat na gulat na komento ng isa pa

"Pagpasensiyahan niyo na kami ng asawa ko mga kaibigan. Gusto muna kasi namin na isekreto ito at ipaalam sa inyo kung sila ay mag-iisang taon gulang na," malinaw na pagkakasabi ni Luciano sa mga ito

Nakita ni Consoncia na napatango tango ang limang kalalakihan na nasa harapan nila

"Natutuwa kaming may anak ka na Luciano, matagal mo na din itong pinangarap hindi ba kaibigan?"

"Sinabi mo pa biskonde, tunay ngang alam mo ang buong detalye ng aking pagkatao." Sagot naman ni Luciano

Kahit papa'no ay nakahinga ng maluwag si Consoncia sa isiping sila nga ng kanilang anak ang dahilan kung bakit ito masaya ngayon. Hindi na siya nagulat pa na sinabi nito sa apat na kalalakihan na sa tindig palang ay nagsusumigaw na ng kapangyarihan at karangyaan na siya ay asawa nito at anak nito sina Amara at Maya kahit hindi naman

LUMIPAS ang isang oras na nakatayo sa gitna ng entablado habang buhat buhat si Maya sa kanyang bisig. Hindi mapuknat ang malapad na ngiti ni Consoncia sa kanyang mga labi ng magbahagi ng iilang kasabihan si Luciano habang karga karga si Amara

Kung titingnan siguro sila sa ibang anggulo ay mapagkakamalan talaga silang pamilya, isang masayang pamilya na walang ibang makakahadlang at makakasira. Kung buhay pa sana si Dominador ay baka ganito din sila kasaya ngayon

"That's all, thank you for coming." Huling sambit ni Luciano bago bumaba sa entablado kasama siya

"Masaya ka ba Consoncia?" Tanong ni Luciano sa kanya
"Sobra Luciano, hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon." Sagot naman ni Consoncia sa tanong ni Luciano

Nginitian lang siya nito at iginiya siya sa isang bakanteng mesa na pang-apat

"Maggy?" Tawag nito sa sekretarya na nasa pambilang at tinatanaw ang mga bisitang pumapasok at lumalabas sa mansiyon ni Luciano

Tumaas naman ang dalawang kilay nito ng marinig ng kanyang sekretarya ang kinagisnang pangalan

"Ano po 'yun Sir?" Agarang lapit nito na hindi man lang nagusot ang pencil cut skirt na suot sa pagkakaupo sa stool

"Pakibantayan muna itong si Amara, kukuha lang ako ng makakain namin." At dahan-dahang ibinigay ang bata

Hindi sumagot si Maggy sa halip ay agad itong nagpalit ng emosyon sa mukha ng makita si Amara na ipapabuhat sa kanya ni Luciano kung kanina ay bagot na bagot ang mukha nito ngayon ay masaya na ito na parang binigyan ng isang daang regalo dahil sa ngiti nitong walang halong kaplastikan at pag-aalinlangan. Kay bilis lang magpalit ng emosyon na kahit ang limang segundong pagbibilang ay hindi nito mahabol habol

"Baby Amara! Happy happy birthday to you," pag-aaliw nito sa bata
Ngumiti naman ang bata ng makita siya nito

Pinakatitigan pa siya ng mabuti ng bata bago nagsimulang hawakan ang kanyang hinliliiit na daliri

"Nakakatuwa ka naman Amara, sa tuwing nagkikita tayo ay ang hinliliiit ko talaga ang una mong hahawakan." Bulalas ni Maggy

"Pagpasensiyahan mo na Maggy ah, kung naabala kita. Pwede mo namang iwan dito sa'kin si Amara—"

"Hindi po kayo nakakaabala sa'kin Ginang, ayos lang sa'kin na bantayan itong si Amara. Mabait naman siyang bata." Asik nito

Kahit na nasisiyahan si Maggy na bantayan ang kanyang anak ay hindi niya maiwasang tubuan ng hiya sa sarili. Ayaw niyang makaabala dito lalo na't marami pa naman itong ginagawa

"Salamat Maggy," singit ni Luciano at kinuha na si Amara ng mailagay na nito sa mesa ang bandehang puno ng pagkain

Tumango naman si Maggy sa pagpapasalamat ng kanyang amo at umalis din kaagad

"Luciano, matanong ko lang ilang taon na pala si Maggy?" Pagsisimula niya sa usapin
"She's already twenty one, bakit mo naiitanong?" Kunot ang nuong usal nito

"Wala lang, nakyuryos lang kasi ako sa kanya. Wala na ba siyang inuuwiang pamilya?"

Hindi sumagot si Luciano sa halip ay sumandal ito sa backrest ng upuan at masuyong sinusubuan si Amara sa mga pagkaing pwede na sa kanya

"Huwag ka ng magtanong ng kung ano-ano pa Consoncia, at saka hindi ko alam kung may pamilya pa ba siyang inuuwian. Hindi naman kasi ako paki-alamero na basta basta na lang pumasok sa buhay ng ibang tao. So, spare with me hindi ko masasagot iyang katanungan mo." Litanya nito na ikinalalim ng gatla sa kanyang nuo

Bakit bigla na lang itong naging sensitibo ng pag-usapan nila si Maggy. Naaawa lang kasi siya sa dalaga dahil minsan na niya itong nakikita na umiiyak dahil siguro sa pangungulila sa kanyang pamilya

Matagal na din niyang napapansin na hindi ito nagkikil ng pansamantalang pamamahinga

Sa halip na magtanong ay itinikom na lamang ni Consoncia ang bibig at nagsimula ng pakainin si Maya

The Lost Goddess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon