KABANATA 14ALAGANG-ALAGA siya ni Luciano sa mga iilang araw, linggo at buwan na nagdaan. Hindi ito nagkulang bilang isang ama sa kanilang hindi pa naisisilang na anak
"Ayon! Naramdaman ko!" Tuwang tuwa na usal ni Luciano habang ang ulo nito ay nakadikit sa kanyang pitong buwan na tiyan
Siguro ay naramdaman nitong sumipa ang kanilang anak sa loob ng kanyang sinapupunan. Maski siya ay masaya din, kunting panahon na lang ay magsisilang na siya at hindi siya mapakali sa nararamdamang tuwa kapag nasilayan na niya ang kanyang unang anak na lalaki
"Anak, Rafael. Magpakabuti ka diyan sa loob ah? Me and your mom is so excited to see you soon: we can't wait." Pagsasalita na naman nito sa lengguwaheng Ingles
"Alagaan mo siya ng mabuti Consoncia, mahal na mahal ko ang anak natin—" malumanay na bulalas nito at hinaplos haplos ang kanyang tiyan
Ako Luciano? Hindi mo ba ako mahal?
Gusto niyang tanungin si Luciano tungkol sa pagmamahal na sinasabi nito. Nasasaktan siya sa isiping kaya lang siya nito pinakasalan ay para gawing surrogate mother.
"Huwag kang mag-alala Luciano. Makakaasa kang aalagan ko si Rafael," pikit matang pangangako niya dito
Napapansin din niyang hindi na pumupunta si Victoria dito para landiin si Luciano. Magmula no'ng sabihin ni Luciano kay Victoria na nagdadalang tao siya ay hindi na ito nag-abalang guluhin silang mag-asawa
Mas mabuti na din iyon dahil umiinit ang kanyang dugo kapag nakikita niya si Victoria na umaaligid kay Luciano
"Akalain mo 'yun Consoncia, pitong buwan na palang dalang dala mo iyang si Rafael. Malapit ka na palang magsilang ano?" Nakangiting wika ni Luciano at hinawakan ang kanyang kamay na nakapatong sa kanyang kandungan
"Alam mo bang natatakot ako Luciano? Baka kasi, hindi ko kayaning isilang ang anak natin—" sagot naman niya at pinisil ang kamay ni Luciano
"Kaya mo iyan Consoncia, anak natin 'yan. Alam kong kakayanin mo; tiwala lang" pagbibigay lakas nito sa kanya
Kahit na kunting panahon lang ang ibinigay ng panginoon na hindi sila nag-aaway ni Luciano ay masaya na siya. Ilang gabi din siyang nagdasal na sana ay bumalik na ang dating Lucianong minahal niya ng buong puso
NAKATINGIN sa monitor na pinagmamasdan ni Consoncia at Luciano ang kanilang anak habang siya ay nagpapa ultrasound
Hindi niya maiwasang manibago dahil sa malagkit na medyo maginaw na nasa kanyang tiyan habang sinusuri ng kanyang pribadong Obgyne ang kanyang malaking tiyan
"Kita mo 'yun Consoncia?" Puno ng tuwa na pagkakasabi ni Luciano habang tinitingnan si Rafael sa monitor na gumagalaw
"Oo kitang kita ko Luciano." Maski siya din ay hindi makapaniwalang nakikita niya si Rafael
Malaki na ito kung ikukumpara niya dati no'ng nagpa ultrasound siya
"Magandang balita. Malusog ang magiging anak niyo, malakas din ang kapit ng bata kaya binabati ko kayo." Wika ng Obgyne sa kanilang dalawa
Hindi niya maiwasang mapabuntong hininga
Siguradong sigurado na siya na paiinumin na naman siya ni Luciano ng sandamakmak na gatas na hindi pumapasa sa kanyang panlasa, kahit na gusto niya itong ilabas ay hindi niya magawa
Palaging nakabantay sa kanya si Luciano kahit saan man siya pumunta. Maliban na lang kung naliligo siya at nagbabanyo para gawin ang kanyang mga pribadong ginagawa kagaya ng pag-ihi at pagdudumi
![](https://img.wattpad.com/cover/240024162-288-k294176.jpg)
YOU ARE READING
The Lost Goddess (Completed)
FantasySi Amara isang hindi ordinayong babae, pinagkalooban siya ng Diyos ng isang malagintong kulay na buhok na nagsisilbi at nangangahulugan sa kanyang pagkatao. Limang taon na gulang pa lamang siya ay ulila na siya at inampon siya ng babaeng kasalukuyan...