Kabanata 4

1K 29 0
                                    

KABANATA 4

IKA sampung araw na din na namalagi si Consoncia sa bahay ni Luciano, inaamin niyang nababagot na din siya dahil wala naman siyang ibang ginagawa kundi alagaan sina Maya at Amara

Gusto niyang tumulong sa mga gawaing bahay pero hindi naman siya pinahihintulutan ng mga kasambahay ni Luciano kesyo daw baka magalit ito at sisantihin silang lahat

"Wala bang ibang libangan dito Maggy?" Tanong ni Consoncia sa sekretarya ni Luciano na kasalukuyang nilalaro si Amara

Napatingin naman si Maggy sa kanya at inilingan na senyales talagang wala

Napabuntong hininga na lang siya. Gusto niyang lumabas sa mansiyong 'to pero natatakot siya na baka may makakilala sa kanya at ipahuli siya sa awtoridad

"Nga pala Ginang, bakit umiilaw itong buhok ni Amara?" Nakukyoryus na tanong ni Maggy sa kanya at hinawakan ang iilang hibla ng buhok ng kanyang anak

Napapailing na nilapitan ni Consoncia si Maggy na nasa harapan ng kuna

Ilang beses niya na din itong sinaway na huwag na siyang tawaging Ginang, pero mukhang pinanghahawakan talaga nito kung anong itatawag nito sa kanya

"Iyan ang hindi ko masasabi Maggy, simula no'ng inilabas ko silang dalawa ay natural na ganyan na talaga ang kulay ng kanyang buhok." Pagpapaliwanag niya dito na ikinatango tango naman ni Maggy

Kahit anak niya si Amara ay hindi niya pa ito lubusang kilala, hindi niya nga mahukay sa kanyang isipan kung bakit umiilaw ng kusa ang buhok nito. Sa tuwing iiyak ito ay nagliliwanag ang kanyang buhok, sa tuwing masaya naman ito kapag nilalaro o binuhat buhat niya ay umiilaw din ang buhok nito

Hindi niya alam kung anong ipinapahiwatig ni Amara sa kanya

"Ganoon ba Ginang? Ang ganda kasing tingnan at pagmasdan" opinyon nito na ikinatawa niya ng mahina

Batid ni Consoncia na pare-pareho lang ang komento ng mga taong nakakakita sa kanyang anak ng malapitan. Wala na siyang ibang magagawa kundi hayaan ang mga itong magsabi ng kung ano-ano sa kanyang anak

"Consoncia?" Nabaling ang atensiyon nilang dalawa ng biglang pumasok si Luciano sa kanyang kwarto
"Sige Ginang, sa susunod na lang ulit." Hinging paumanhin ni Maggy at lumabas na sa kanyang kwarto

Nang marinig nilang dalawa na nakalabas na ng tuluyan si Maggy ay masuyong tinanong ni Consoncia si Luciano kung bakit ito naparito

"Ano ang iyong kailangan Luciano?" Nakangiting tanong niya sa may-ari ng bahay
"Gusto lang kitang makita." Simpleng tugon nito na ikinatawa niya ng hilaw

"Gusto mo akong makita?" Sabay turo sa kanyang sarili
"Bakit? Palagi naman tayong nagkikita sa bahay na 'to ah. Ano ka ba naman Luciano?!" At tinawanan ito ng magaan

Hindi man lang ngumiti si Luciano sa ginawang pagtawa ni Consoncia, parang seryoso talaga itong gusto siyang makita

Agad namang huminto sa pagtawa si Consoncia at yumuko. Ayaw niyang makita ang pagmumukha ni Luciano, ayaw niyang magalit ito sa kanya

"Kumusta ang araw mo Consoncia? Mabuti ba?" Pangungumusta ulit nito
Ganyan naman talaga si Luciano, kung magkakasalubong sila ay palagi siyang tinatanong nito kung kumusta ang pakiramdam niya kung mabuti ba siya o hindi basta may kaugnayan  sa pang-araw araw niyang ginagawa. Sinasanay niya na lang ang sariling inaalala siya ni Luciano kahit na hindi naman kailangan.

"Mabuti Luciano, mabuti." Sagot naman niya at kinuha si Amara sa kuna

Ikawalong buwan na pala ng kanyang mga anak ngayon, at parang nagsisimula na itong matutong maglakad. May paminsan minsan na nakikita niya itong tumatayo sa kuna at nginingitian siya kaya hindi niya ito maiwan iwan dahil kinakabahan siya sa kung ano man ang mangyayari sa mga ito

"Malalaki na din ang iyong mga anak, kung hindi mo mamasamain. Kailan sila magdidiwang ng kanilang kaarawan?" At kinuha si Maya sa kabilang kuna

Hindi niya masasabi kung mahilig ba talaga sa mga bata itong si Luciano. Nakita na kasi niya ito minsan na nilalaro ang kanyang mga anak kapag may bakanteng oras ito at walang ginagawa—

"Sa susunod na linggo, mag iisang taon gulang na sila." Nangingiti na wika ni Consoncia at nilalaro ang mga daliri ni Amara

Hindi sumagot si Luciano sa halip ay itinuon nito ang atensiyon sa anak niyang si Maya

"Kamusta magandang dilag? Malapit na ka na palang mag isang taon ano? Anong gusto mo sa kaarawan mo, niyo ni Amara. Pande crema? Huwag kayong mag-alala bibilhan ko kayo—" pagka-usap nito kay Maya kahit na alam nitong hindi siya nito naiintindihan

"Luciano, huwag na. Ayokong lumaki ang aking mga anak na sanay sa mga magagarbong pagdiriwang at ayoko ding lumalaki sila sa luho." Hindi pagsang-ayon na asik ni Consoncia

Iyon ang bilin ng kanyang ina maski ang nanay ni Dominador. Na huwag sanayin ang kanilang anak sa mga mamahaling bagay lalong lalo na sa mga luho nito na hindi nila kayang ibigay

"Hayaan mo na ako Consoncia, gusto kong magarbo ang kanilang kaarawan sa susunod na linggo, hindi na naman kayo iba sa akin. Para ko na din silang anak—" nakangiting sagot ni Luciano at hinalik halikan si Maya

Nga pala, muntik na niyang makalimutan na wala palang asawa at anak si Luciano. Hindi niya alam pero iyon lang ang kanyang narinig ng minsang mapadaan siya sa kusina at aksidenteng narinig niya ang usapan ng dalawang kasambahay na naghuhugas ng pinggan at nagluluto ng pagkain

Naaawa siya kay Luciano

May edad na din ito pero bakit hindi pa ito bumuo ng sariling pamilya. Gusto niya sanang tanungin si Luciano kung bakit wala pa siyang asawa at anak pero nahihiya siya and at the same time natatakot na baka magtanong ito kung bakit niya nalaman ang pansariling buhay nito

"Kung hindi mo mamasamain Luciano, b-bakit ikaw lang ang nakatira dito maliban sa iyong mga kasambahay at kay Maggy. Wala ka bang pamilya?" Pagbabakasakali niya pa

Gusto niyang makilala ang lalaking tumulong at nagpakain sa kanila. Kahit kunting impormasyon man lang tungkol sa pagkatao nito ay ayos na sa kanya

Napabuntong hininga si Luciano at niyakap ang natutulog na, na si Maya

"Itinakwil ako ng sarili kong pamilya Consoncia. Lumaki ako sa isang mayaman na pamilya na kailanman ay hinding hindi mapapantayan ng iba, lima kaming magkakapatid at ako ang panganay

Masipag naman ako at masunurin pagdating sa mga gawaing bahay. Oo nga't mayaman kami pero hindi kailanman nag arkila ang aking mga magulang na kumuha ng katulong, hardenero, kusinira, at kutsero para pagsilbihan kaming Guevara." Pagsasalaysay ni Luciano at malungkot na ngumiti

Hindi sumagot si Consoncia sa kwento ni Luciano sa halip ay senenyasan pa niya itong magpatuloy dahil handa naman siyang makinig sa kung anong rason kung bakit siya itinakwil

"At ayon na nga, umabot sa oras na sunod sunod na nila akong pinagalitan. My parents hated me  to the point that they wanted to bury me alive. Noong una ay hindi ko iyon pinansin—trabaho ako ng trabaho kahit ang iilan sa aking mga kapatid ay hindi kumikilos sa kani-kanilang ginagawa. Hindi kami binibigyan ng pagkain kapag hindi namin natapos ang trabaho namin kaya ang ginawa ko hinarap ko ang mga magulang ko kahit wala akong sapat na lakas na ipamukha sa kanila kung bakit nila iyon ginagawa sa amin.

Sinumbatan ko sila, oo. Imbes na matauhan sila sa kanilang ginagawa sa amin ay pinarusahan pa nila ako. Pinahinto nila ang aking apat na kapatid at pinanatili akong ibinilad sa araw habang nagpapala ng sako sakong mapipinong buhangin para sa aming baboyan." Pagpapatuloy ni Luciano

Hindi akalin ni Consoncia na namalisbis na pala ang mga luha sa mga mata ni Luciano. Ito ang unang pagkakataon na nakita niya itong umiyak at sa harapan niya pa mismo sa likod ng napakaseryoso at nakakatakot na mukhang palaging isinusuot ni Luciano ay may mabigat din pala na karanasan sa buhay. Maski siya ay nadala sa emosyong pinapakita nito

Hindi lang awa ang nararamdaman ni Consoncia kay Luciano—simpatya, nakaramdam siyang simpatya para dito. At handa siyang tulungan ito na makabangon at magsimulang muli

"Naiintindihan kita Luciano, at handa akong tulungan ka na kalimutan ang iyong mga nakaraan."

The Lost Goddess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon