Epilogo

1K 23 0
                                    


EPILOGO

NAPASUBSOB si Consoncia sa ginawang pagtulak sa kanyang ina papa-alis ng kanilang tahanan. Nilusob sila ng mga sundalong Amerikano para gawing utusan o hindi kaya ay bayarang babae para mapasaya ang mga sarili nito

"Takbo Consoncia, takbo!" Sigaw ng kanyang ina na nakasilip sa maliit nilang bintana habang siya ay itinataboy nito

"Nay!" Sigaw din niya pabalik sa ina at babalik sana ng makita niya kung paano hinawakan ng dalawang Amerikano ang balikat ng kanyang ina

"Tumakbo ka na anak ko, iligtas mo ang sarili mo! Huwag mong hahayaang makuha ka nila!" Huling sigaw nito bago ito binaril sa ulo

"Nay!" Wala siyang ibang magawa kundi ang tumakbo ng sobrang pagkabilis bilis ng dahil sa kanyang nasaksihan

Kailangan niyang iligtas ang kanyang sarili hindi niya hahayaang makuha siya ng mga ito. Hindi pwede

"Saan ka pupunta?!" Napahinto sa ginawang pagtakbo si Consoncia ng may dalawang sundalong Amerikano na naman ang humarang sa kanyang daan

Napaatras siya at babalik sana sa pagtakbo kung saan siya dumaan ng harangan siya ng tatlong Amerikano. Naka uniporme pa ang mga ito at may suot pang sumbrero

"Huwag po, huwag po!" Pagsisigaw niya ng bigla na lang ng mga itong pag-agawan siya at sinira ang kanyang damit

"Huwag po! Maawa kayo sa'kin—" pagmamakaawa ni Consoncia habang pinagtutulungan siyang ginahasa ng mga lapastangang sumakop sa kanilang bayan

"Tama na!" Sigaw niya pero wala siyang kalaban laban

Iyak siya ng iyak dahil pinagsamantalahan siya ng limang Amerikano; pinagtutulungan siya nito at itinuring na parang baboy

"T-tama na! Ano ba?!" Humihikbing bulalas niya pilit na nanlaban
"Shut up! Motherfucker, I'm not done with you yet, you slut!" Sabay sampal nito sa kanya at ipinahawak ang dalawang kamay niya sa mga kasamahan nito

Tumawa ng mala demonyo ang mga kasamahan nito at pinanood lang siya kung paano siya nito binababoy

Nandidiri siya sa sarili niya,

Pagkatapos siya ng mga itong gahasain ay bigla na lang siya ng mga itong iniwan na parang isang lantang gulay na wala ng silbi, nakahiga siya sa damuhan at tinatakpan ang sarili gamit ang damit na punit punit

Nakatitig sa kawalan si Consoncia habang walang humpay sa pag-agos ang mga malalaki niyang luha

"May tao ba diyan?" Kaagad na naalarma si Consoncia ng may marinig siyang boses lalaki

Hindi niya makita ito dahil sa matataas na damo at ang tanging nakikita niya lamang ay ang lamparang dala dala nito

"T-tulong, tulungan mo ako." Impit niyang tawag sa lalaki na kaagad naman siyang nahanap

"Binibini! Anong nangyari sa'yo. Bakit ganyan ang suot mo, ayos ka lang ba?!" Sunod sunod na tanong nito at tinulungan siyang makatayo

"Mga hayop sila, ginahasa nila ako. Mga walang hiya—" bulalas niya at napaiyak ulit

Simula no'ng matulungan siya ng nagngangalang Dominador ay naging malapit sila sa isa't-isa. Hindi nagtagal ay nahulog ang loob nila sa isa't-isa at kaagad na nagpakasal sa simbahan

Tinanggap siya nito ng buong-buo, itinuring nitong tunay na anak ang kanyang dalawang kambal na nagbunga sa isang kalapastanganan

Tama, nabuntis siya. Nagbunga ang lahat ng kahayopang ginawa ng mga Amerikano sa kanya. Hinding hindi niya ito mapapatawad

3 Years Later

Kapwa nagtatawanan silang tatlo habang nakaupo sa bangko na gawa sa matigas na kahoy. Napapagitnaan si Consoncia nina Amara at Maya; nakayakap ang mga ito sa kanya at nakahilig ang dalawang ulo nito sa kanyang magkabilang balikat

"Tatlong taon na din pala ang nakalipas ano? Heto't magkasama na tayong tatlo—" panimula ni Consoncia na tiningnan pa ang kanyang kambal na mga anak

"Oo nga po nay, akala namin ni Maya ay hindi ka na po namin makikita." Tugon ni Amara at hinalikan siya sa kanyang pisnge

"Magpasalamat na lang tayo sa Diyos na binigyan niya tayo ng pangalawang pagkakataon na pagtagpuin ang ating mga landas. Akala ko ay hindi ko na kayo makikita pang muli" naiiyak na asik ni Consoncia

Akala niya ay mamamatay siyang hindi makakasama ang kanyang mga anak pero nagkamali siya dahil nagkita na silang muli. Hinding hindi na siya lalayo sa mga ito, at hindi hindi na niya ito iiwan

"Basta nay, huwag niyo na po kami iiwan ni Amara ha? Kapag ginawa mo po iyon hahanapin ka namin kahit saang lupalop man ng mundo" ang kanyang anak naman na si Maya ang nagsalita

Hindi niya mapigilang matawa

"Ano ba naman kayo, syempre hindi na ako lalayo sa inyo. Kasama ko na kayo sa pangalawang pagkakataon tapos magagawa ko pa kayong iwan? Hindi ko na iyon kakayanin kapag naiwala ko kayo ulit." Tugon niya

Hindi na lamang sumagot si Maya sa kanyang sinabi sa halip ay isiniksik na lang nito ang sarili sa kanya

Alam niyang sobra siya ng mga itong namiss ganoon din siya. At naninibago siyang nakasama niya ulit ang mga ito gayong malalaki na ang mga ito at kaya ng alagaan ang kanilang mga sarili

Si Amara, isa pa din siyang Reyna sa Fotheringhay at patuloy na ginagampanan ang kanyang tungkulin; may paminsan minsan na hindi na ito nakakapagpahinga dahil sobrang daming mga taga ibang bansa ang nagpupunta sa bayan nila para ito ay kausapin kasama na din ang pagpaplano sa kanilang hinaharap

Hindi niya alam kung saan nagmana ng katalinuhan itong panganay niyang anak at kay lakas ng loob na kausapin ang mga taong halos matagal na yata sa industriya. Sobrang bait nito na tipong hindi marunong lumaban kahit na alam nitong inapak-apakan na ang sarili

Patuloy pa din itong naglilingkod kay Haring Arthur at masaya siya na hindi pinapabayaan ng Hari ang kanyang panganay na anak pagdating sa pamumuno ng palasyo.

Si Maya naman, tuluyan na siyang nagbago. Humingi na siya ng kapatawaran sa kanyang kapatid na malugod din nitong tinanggap. Hindi kaya ni Maya na may galit siyang itinanim sa kanyang kapatid na minsan na niyang naging kakampi at katuwang sa buhay.

Palagi nitong ipinaalala sa sarili na maging isang mapagpakumbabang tao, lahat ng kanyang pagbabago ay dahil iyon kay Amara. Natuto na siya at hindi naman nagdalawang isip si Amara na tulungan ang kapatid

Masaya si Consoncia para sa kanyang mga anak, halos tingalain na ang mga ito ng mga tao sa kanilang bayan dahil sa katapangan, kabaitan, at maging mapagbigay sa kapwa

Labis labis ang kanyang pasasalamat ng magtagumpay ang mga ito sa kung ano man ang gusto nila sa kanilang buhay. Basta palagi lang siyang nasa likod ng mga ito at sasamahan sila kapag may problema sa buhay

Handa siyang ibigay ang lahat ng sa kanya para sa kanyang mga anak. Mahal na mahal niya ang mga ito higit pa sa pagmamahal niya sa kanyang sarili; napakaswerte niya dahil sa lahat ng anghel sa mundo ay ito ang ibinigay sa kanya—

Wala ng mahihiling pa si Consoncia dahil kuntento na siya, ang makitang may ngiti sa mga labi ang kanyang mga anak habang patuloy itong nangangarap hanggang sa makarating ito sa kung ano man ang mga gusto nito.

WAKAS

The Lost Goddess (Completed)Where stories live. Discover now