Kabanata 17

585 17 0
                                    


KABANATA 17

NANGINGINIG ang mga kamay na napaatras si Maya sa kanyang kinatatayuan. Hindi siya makapaniwala sa kanyang ginawang hindi tama—

"Maya! Anong ginawa mo?!" Rinig niyang bulyaw sa kanya ni Amara at nilapitan siya

Hindi niya magawang tingnan ang kambal. Parang hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan; naestatwa siya

"Ba't ka pumatay Maya! Masama ang ginawa mo?!" Rinig na naman niyang wika ni Amara at hinawakan siya sa magkabilang balikat at niyugyog

Doon na siya napatingin sa kakambal

"Bakit? Pinatay din naman ng hayop na 'yan ang Mama natin Amara. Nararapat lang 'yan sa kanya! Buhay kapalit ng buhay!" Pagpapaintindi ni Maya sa kakambal

Napailing iling si Amara sa kanyang sinabi. Halatang hindi ito sumang-ayon sa kanya

Napatingin silang dalawa sa labas ng marinig nilang parang may sumabog sa baba—nasusunog ang mansiyon ni Luciano at kailangan na nilang makaalis dito bago pa sila hindi makalabas ng buhay

"Tara na Amara, bilis!" Hawak hawak niya ang kamay ng kakambal
"Paano si Mama, hindi natin siya pwedeng iwan dito!" Pagmamatigas pa nito

Kahit limang taon gulang palang silang dalawa ay mas magaling pa siyang magmura kesa kay Amara, parang may pagka child's God kasi itong kapatid niya at hindi madaling maimpluwensiyahan ng mga kalokohan

"Amara, makinig ka sa'kin. Wala na si Mama it's time to save our lives now! Hindi tayo pwedeng mamatay dito, naiintindihan mo ba 'yun ha!" Napapasigaw niyang pagkausap sa kakambal

Nagsimula na ding uminit ang kanilang kapaligiran, dahil sa gawa lang ng mga matatayog na kahoy ang mansiyon ni Luciano ay madali lang ito nakain ng apoy

"Amara bilis!" Natatarantang pinapadali ni Maya ang kakambal
At dahil sa may pagkapatpatin si Amara ay naturang bumagal ang kanilang takbo

Hindi pa sila nakakababa sa hagdanan. Halos hindi na maaninang ni Maya ang daan kung saan ang papalabas ng kwartong ito

"Ma-Maya, hindi ko na k-kaya." Mahinang pagkakasabi ni Amara sa kanyang likuran na panay ang ubo

"Kayanin mo, makakalabas din tayo dito Amara. Tiwala lang" sagot naman niya at hinawakan ng sobrang higpit ang braso ni Amara

Hindi sumagot ang batang may malagintong buhok sa halip ay sumunod lang ito sumunod kung saan man pupunta ang kanyang kakambal

Nabitawan ni Maya ang kamay ni Amara ng bumagsak ang malaking kahoy sa gitna

Natumba siya at kaagad na tumayo ng hindi na niya makita pa ang kakambal.

"Amara, naririnig mo ba ako?! Sumagot ka!" Tawag niya dito at pilit na bumabalik sa daan na tinahak nila kanina. Pero walang Amara na sumagot

Unti-unti na din siyang naiiyak, ayaw niyang pati ang kanyang kakambal ay mawala din sa kanya. Ito na lang ang makakasama niya dahil wala na ang kanilang ina

"Hoy bata! Dito sumama ka na sa'min!" Napalingon si Maya ng may tumawag sa kanya galing sa baba

"Kuya! Ang kakambal ko nawawala, hanapin natin siya!" Sigaw niya sa mga ito na hindi man lang gumalaw sa kinatatayuan

"Malabo na nating mahanap ang kakambal mo! Malaki na ang apoy at kunting kunti na lang guguho na ang mansiyon na ito. Halika na bata!" Pangangamay nito sa kanya

Hindi, hindi pwedeng iwan niya si Amara sa mansiyong ito. Hahanapin niya ang kanyang kakambal

"Halika na!" Tawag na naman ng mga ito sa kanya

Hindi pa din siya gumagalaw sa kanyang kinatatayuan, kailangan niyang mag-isip ng paraan para makita niya si Amara

Napasigaw na lang si Maya ng maramdaman niyang may bumuhat sa kanya at inilabas siya sa mansiyon ni Luciano

"Bitawan mo ako—si Amara ang kakambal ko. Kailangan ko siyang mahanap!" Pagpupumiglas niya dito

"Pasensiya na bata, pero hindi na natin makikita ang iyong kakambal." Rinig niyang sagot ng isang lalaki bago siya mawalan ng malay

20 Years Later

NAPAIKOT na lang ang mga magagandang mata ni Amberly ng marinig niya ang kanyang pangalan na tinatawag siya mula sa labas ng kanyang kwarto

"Oo na! Lalabas na!" Pagmamaktol niya at tumayo sa pagkakahiga sa kama

Anak siya ng hari at reyna kaya hindi na niya kailangang linisin ang sariling kwarto o hindi kaya ay ayusin ang magulo niyang kama

"Ano ba kasi ang kailangan nila Mama at Papa at bakit pinapatawag na naman ako ha?!" Bulyaw ni Amberly sa kasambahay ng kanilang palasyo

"Pasensiya na po kayo kamahalan, may kailangan po daw kasi kayong gagawin ngayong araw na ito. Mag-aaral pa daw po kayo ng lengguwaheng Aleman" ulat nito sa kanyang harapan

Muli, ay umikot na naman ang mga mata ni Amberly

Study again! Urrgh! I hate this kind of bullshit life!!

"Mag-aaral na naman?! Hindi ba't natapos ko na iyon kahapon, today is my rest day stupid! Kaya hindi ako mag-aaral ngayon. Sabihin mo kina Mom at Dad na sa susunod na mga araw na lang—pagod ako at kailangan kong magpahinga okay!!" Sigaw niya sa pagmumukha ng kanilang kasambahay

She's the daughter of King and Queen of Fotheringhay, nag-iisa lang siya nitong anak at gusto ng mga ito na matuto na siyang makisalamuha sa mga iba't-ibang taong nakakausap niya araw-araw.

Her Mom and Dad wants her to be a linguistic, tapos na niyang napag-aralan ang lengguwaheng Ingles and she's fluent in speaking of that language. Ang sunod na pinili ng mga ito ay ang lengguwaheng Aleman na kasalukuyang naririnig niya sa loob ng kanilang palasyo

Ang istilo kasi ng kanyang mga magulang niya ay iparinig sa kanya ang mga lengguwaheng dapat niyang pag-aralan ng sa gayon ay hindi na siya manibago at mahirapan

"What's happening here?" Bungad sa kanila ng kanyang ama na kakaakyat lang sa hagdanan

Yumukod naman ang kanilang kasambahay at sinabi dito ang gusto niyang ipasabi sa mga ito

"Kamahalan ang sabi daw po ni Prinsesa Amberly ay hindi daw muna siya mag-aaral ngayon. Pagod daw siya at kailangan niyang magpahinga." Magalang na pagsasabi nito ng totoo

Napatango tango naman ang Hari at pinaalis na ito

"Amberly, there's no rest for now. Kailangan mong matuto ng susunod mong pag-aaralan na lengguwahe at alam mo na naman na ito ang kadalasang naririnig mo sa loob at sa labas ng bahay." Panimula nito na nakalagay ang dalawang kamay sa likod

"Pero Dad!"
"Kein aber Amberly—" putol nito sa kanyang sinabi

[Translation: No buts]

"Dad!" Nagpapadyak ang mga paang reklamo niya dito

Ayaw na niya talaga sa mundong 'to. She wants to be free, she wants to go outside and roamed around wherever she go....

"Amberly! Kapag sinabi kong mag-aaral ka, mag-aaral ka! Naiintindihan mo ba ako? A princess should be responsible enough to do her duties!" Pangaral nito sa kanya na ikinatiklop niya

"Mais je ne veux pas!" Pagsasalita niya sa lengguwaheng Pranses

[Translation: But I don't want to!]

"You have to, Amberly. Ito ang nakatakda sa'yo. Maging responsable ka naman—someday you will be the next to govern our palace!"

Hindi na lamang sumagot si Amberly sa halip ay pabalibag niyang isinara ang pintuan sa harapan ng pagmumukha ng Hari

Tamad siyang mag-aral and she hates the fact that she's not free to do whatever she wants to do. Lahat ng galaw niya ay binabantayan niyang kanyang ama

Kung wala ito sa palasyo dahil may kailangang puntahan ay doon lang niya nagagawa ang kanyang mga gusto. Pero ngayon, mukhang malabo pang magagawa niya nga ang kanyang mga tungkulin bilang isang ordinaryong dilag sa kanilang bayan

The Lost Goddess (Completed)Where stories live. Discover now