Kabanata 34

630 14 0
                                    


KABANATA 34

HINDI nakasagot si Arthur sa ginawang pag-amin ni Amatria, paanong naging kakambal ito ni Amberly

"Hindi ko maintindihan Amatria, bakit? At paano niyo nalaman sa isa't-isa na magkapatid nga kayo?" Hindi maiwasang tanungin niya itong muli

"Nalaman lang namin iyon dahil sa nararamdaman namin, at hindi nga kami nagkamali ni Amberly dahil tunay nga talaga kaming magkapatid." Sagot naman niya

Hindi niya kayang makita na nahihirapan si Maya, mas gugustuhin niya pang siya ang gumapang sa kahirapan kesa sa makita niyang naghihirap ang kanyang kakambal.

"Akala ko ay wala ng kapatid si Amberly pero meron pala hindi lang isang kapatid kundi kakambal pa. Bakit hindi ko napansin na magkahawig pala kayo ng mukha" napapailing na asik nito at tumayo sa pagkakaupo

"Halika sumunod ka sa'kin, pupuntahan natin ang iyong kakambal at kakausapin ko siya para humingi siya ng tawad sa'yo" bulalas nito at naunang lumabas sa opisina

"D-dad" halos mapasubsob na sa pagkakatakbo si Amberly papalapit sa kanyang kinalakihang ama ng makita niyang papalapit ito sa seldang kanyang tinutulugan

"D-dad, parang awa niyo na po. Ilabas mo na ako—ayoko dito." Pagmamakaawa niya sa kanyang ama na lumuhod pa sa harapan nito at inabot ang isang kamay

"Dad, please—" humihikbing usal niya
"Stand up Amberly." Mariing utos ng kanyang ama na kaagad naman niyang sinunod

"Alam ko na ang katotohanan, I want you to apologize to Amatria—"
"What? Your commanding me to do that? No!" Umiiling iling na biglaan niyang sagot at umatras para hindi siya nito mahawakan

"Humingi ka ng tawad sa kanya!" Sigaw nito at ipinaharap si Amatria sa kanya

"Maya—"
"Ayoko! I don't want to say sorry,"

"Kung hindi mo susundin ang gusto ko. Asahan mong wala ka ng mukhang maihaharap bukas sa palasyong ito—I'm going to dethrone you; at ipapalit ko ang kakambal mong si Amatria dahil nakikita ko sa kanya na may potensyal siya bilang maging Reyna

Mas maaasahan siya kesa sa'yo, Amatria is better than you. Mas inuuna niya pa ang palasyong itong kahit na wala siyang karapatan." Bulalas ng kanyang ama na ikinatayo niya sa pagkakasalampak sa sulok ng kulungan

"Hindi mo pwedeng gawin sa'kin 'to. Remember I'm still the Queen of Fotheringhay! At hindi mo mababawi sa akin ang aking korona hangga't hindi ako bumababa sa aking pwesto—curse you to death!" Sigaw ni Amberly pabalik kay Arthur

Wala na siyang paki-alam kung masaktan man ito. Hindi na niya ito kailangan sa buhay niya maging ang kakambal niyang si Amatria

Trinaydor siya ng sarili niyang kakambal

"I always hate you to death Amatria, hinding hindi ako hihingi ng tawad sa'yo. Kahit na lumuhod sa harapan mo ay hinding hindi ko gagawin—" pangako niya at mas isiniksik pa ang sarili sa madilim na kasulok sulokan ng kulungan

Mahigit dalawang buwan na din ang lumipas ng matanggalan ng korona si Amberly, hindi na hinintay ng Hari na makinig sa opinyon ng kanyang anak-anakan. Hanggang sa si Amatria na mismo ang humiling sa Hari na pakawalan na ang kakambal dahil namimiss niya na daw ito at hindi na niya madalaw-dalaw pa

"Maya—" kaagad na niyakap ng sobrang higpit ni Amatria si Amberly ng tuluyan na itong nakalabas sa nasabing kulungan

Hinayaan lang siya nitong yakapin si Amberly at hindi man lang ito nagprotesta ng hindi pa siya bumitaw sa mahigpit na yakap

"Namiss kita kakambal ko, sana ay hindi na masama ang loob mo sa'kin—" naiiyak na asik ni Amatria at hinawakan ang mukha ng kakambal

Inaamin ni Amatria na malaki ang pagbabago sa pisikal na anyo ni Amberly, malaki ang pinayat nito at alam niyang hindi ito nakakatulog sa gabi. Maski siya ay hindi din maganda ang kanyang tulog

Palagi na lang siyang binabagabag ng kanyang konsensiya at hindi siya makatulog sa gabi. Kada tihaya at talikod niya sa kanyang kama ay ang mukha ni Maya ang pumapasok sa kanyang isipan

"Salamat sa Diyos at ayos ka lang. Hindi ko talaga mapapatawad ang aking sarili kapag may masamang mangyari sa'yo—" tinitigan lang siya ni Amberly habang siya ay hindi maiwasang mapaiyak sa harapan nito

"Maya, hindi mo ba ako namiss?" Tanong niya sa kanyang kakambal
Hindi sumagot si Amberly sa halip ay hinawakan lang nito ang kanyang dalawang kamay at dahan-dahang inalis sa mukha nito

Pagkatapos ay nilampasan siya at naunang naglakad sa kanya

"Maya, teyka lang sandali!" Tawag niya dito pero hindi siya nito pinansin

Wala siyang ibang magawa kundi ang sundan na lang si Maya kahit saan man ito magpunta

HINABOL ni Amatria ang kanyang kakambal ng makita niyang papalabas ito ng palasyo. Mahigpit na ibinilin sa kanya ng sinaunang Hari na kung makakalabas na ang kanyang kakambal ay huwag na huwag niya itong palalabasin sa palasyo dahil wala ni isang tao ang nakaka-alam na hindi na ito ang Reyna sa bayan ng Fotheringhay

"Maya, sandali. Bawal kang lumabas" hawak niya sa siko nito na ikinatigil nito sa paglalakad

Nabigla si Amatria sa sunod na ginawa ng kambal

"Bakit lahat na lang ng galaw ko ay bawal ha? Bakit palagi na lang akong binabantayan? Wala na ba akong kalayaan para gawin ang mga nais kong gawin sa aking buhay?! Ano, masaya ka na dahil nakuha mo na ang korona na pinapangarap mo?! That's all yours, sa'yo na 'yan. Hindi ko kailangan ng kapangyarihan para mabuhay sa pesteng mundong ito" himotok nito at binawi ang siko

"Maya, para din naman 'to sa ikabubuti mo eh. Makinig ka naman sa'kin kahit ngayon lang—"

"Ayokong makinig sa'yo, ikaw naman palagi ang tama sa lahat 'di ba? Ikaw lang naman ang magaling sa lahat lahat—huwag mo na akong paki-alaman dahil hinding hindi ako makikinig sa'yo kahit ikamamatay ko pa!" Prangkang sagot nito sa kanya

"M-Maya, anak huwag kang magsalita ng ganyan sa kapatid mo." Natigil ang kanilang pagsasagutan ng may tumawag na anak sa isa sa kanila

Kapwa sila napatinging dalawa sa malaking pintuan ng palasyo at nakita nilang pareho si Consoncia na nakatayo sa gilid niyon habang magkasiklop ang dalawang kamay sa harapan nito

May luha ito sa mga mata at ramdam nilang nangungulila ito sa kanila. Kaagad nilang naramdaman na ito ang kanilang tunay na ina

"N-nay?" Sabay nilang tanong
"Ako nga, ako ang tunay niyong nanay Amara at Maya" nang marinig nila ang tunay nilang mga pangalan ay nagsitakbuhan silang dalawa at niyakap ng sobrang higpit ang kanilang ina

Akala nila ay hindi na nila ito makikita pero nagkakamali sila. Akala nilang dalawa ay isa lang itong panaginip pero hindi; kompleto na silang pamilya at hinding hindi na magkakahiwalay pang muli

The Lost Goddess (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat